Sixteen: Real family

1385 Words
Sixteen "Jihan, sit down. Maraming tao sa likuran mo," pabulong kong sabi sa anak na kanina pa palinga-linga at mukhang may hinahanap habang maigi pa ring pinakikinggan ang kanilang principal na nagsasalita sa stage. Ngayon ang moving up ng anak at nakuha niya ang pinakamataas na grado sa buong batch nila. Katulad ko, excited na excited din si Faye lalo pa't tinawagan ako ng babaeng iyon ng alas-singko ng madaling araw. Hindi ko na nagawang maikwento sakanya ang nangyari kahapon at malabo ring maikwento iyon ni Andrei kaya posibleng wala pa rin itong kaalam-alam ngayon. Rod Antonio is back! Well, sa kasamaang palad nga. Ilang beses ko pa man ding hiniling na sana nananaginip lang ulit ako pero malabo na iyon ngayon. Sisinghalan ko na sana ang anak nang biglang tumunog ang cellphone na hawak. It was Andrei at mukhang umagang-umaga ay mambubwisit na naman. Dr. Andrei Sager 8:36am Dr. Andrei Sager Puso mo bantayan mo Jewel Ano ako tanga? Dr. Andrei Sager Seriously, kung sa ulo lang ang problema kaya pang magawan ng paraan. Pero heart yan Jewel Ang korni mo Dr. Andrei Sager Je I'm dead serious. Sana mas ihanda mo sarili mo ngayon Jewel Bat ka ba tagalog ng tagalog? Pilit kong iniiba ang usapan. Para saan pa kasi kung pagsasayangan namin ito ng oras. "May nakaupo ba dito?" Muntik pa akong mapatalon sa biglaang boses na narinig. Gusto ko ulit pagsisihan ang pag-aangat ng tingin. Bumungad kasi sa akin ang nakangiting si Rod. Awtomatiko namang uminit ang ulo ko. Kung minamalas ka nga naman, oh! Bakit ba yan nagpunta rito?! "Papa! You came!" Halos umusok ang ilong at tainga ko sa sobrang pangigigil. Hindi lang dahil sa nandito siya kundi sa sitwasyon. Jihan's very happy! Walang mapaglagyan ang galak niya at mukhang proud na proud dahil ngayon lang niya nakasama ang ama sa mga ganitong pagkakataon. Kitang-kita kung paano magkayakapan ang dalawa, kung paano sila magtawanan at magkwentuhan. Nanginginig ang mga kamay ko nang sinimulan kong kalikutin ang telepono. I need to call Faye! "Jihan!" Tatlo kaming sabay-sabay napatingin sa babaeng kararating lang. Kitang-kita mula sa kinauupuan ko ang panlalaki ng mata ni Faye. Ang gulat ay mabilis na napalitan ng nag-aalab na galit dahil sa nakita. Pilit kong sinalubong ang kaibigan, mahigpit ko itong hinagkan at saka bumulong. "Please... the event's very important to Jihan. Ayokong makagawa tayo ng gulo rito, Faye. Let this pass," pagkukumbinsi ko sa kaibigang ilang beses ng umikot ang mga mata. "Kailan pa 'to?" Bumitaw ako sa pagkakayap ko sakanya pagkatapos ay saka humarap sa babae. Mas kalmado na ang mukha nito ngayon. Mukhang naiintindihan naman ang sinabi ko. "Nakita siya ni Jihan sa mall kagabi then ito, ininvite niya pa." Nakita kong napailing-iling ang kaibigan. Maya-maya pa ay malalaki ang ngising bumaling kay Jihan. Dali-dali namang bumaba si Jihan sa kandungan ng ama saka dumeretso sa pagyakap kay Faye. "'Wag kang magpatalo pagdating sa atensyon ni Jihan. Ikaw lang ang may karapatan," sabi pa nito na parang nakalimutan ko na ang bagay na iyon. Sa isang iglap lang, parang biglang nai-chapwera ang lalaking naroon dahil si Faye na ang palaging kausap ni Jihan. Kung ano man marahil ang ginagawa niya ay siguradong sinasadya niya iyon. Walang kibuan sa magkakatabing upuan. Kahit si Faye hindi rin ako kinibo lalo pa't busy kay Jihan. Pero sa kabila ng iyon, madaling natupok ang oras. Namalayan ko na lang bigla na hinahatak na ako ni Jihan paakyat siya stage dahil siya na pala ang aakyat doon. Siya na pala ang tatanggap ng award. Madali kong inihanda ang sarili kasabay ng pagpapakita ng malawak na ngiti sa iilang taong nakatingin din sa amin pero mabilis din iyong naglaho nang makita ko ang lalaking hawak ni Jihan sa kabila nitong kamay — si Rod. Tatlo kaming magkakasama sa stage na iyon. Mabilis akong nataranta. Ilang sandaling hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman. This is our dream... before. Dahil sa hindi ko kaagad pagkilos, si Rod na ang nagsabit ng iilang medal kay Jihan. Sobrang masaya ang anak ko, halatang halata iyon. Pero darating ang panahong kailangan niya ring harapin ang totoo. Kami ang pamilya ni Jihan at hindi kasama roon si Rod — na siyang itinuturing nitong ama. Sinubukan kong ngumiti at ipakita ang totoong kagalakan noong natuloy ang pagpipicture ng photographer ng mismong eskwelahan. This is for Jihan... kahit dito man lang, kahit purong pagpapanggap. Nang makababa kami sa stage ay sinalubong ako ni Faye ng puno ng pag-aalala. Nangingnig man ay pinilit ko siyang niyakap. Bakit ganoon? Ilang taon kong inayos ang sarili ko pero nararamdaman ko na namang mali. May nararamdaman na naman akong hindi tama. Nauna sa paglalakad si Jihan habang hinihila ang papa niya pero namataan ko pang bumaling sa akin si Rod bago sumunod sa anak. "Je... Je, look at me. Tingin ka sakin, okay? You are okay. You are good. Hindi mangyayari kung ano man yang naiisip mo. 'Wag kang matatakot kasi andito kami, Je. Andito kami..." Nakakahiya man, hindi ko na namalayan ang lahat ng posibleng makakita. Mabuti na lang at bago pa man ako nakahagulgol ay nahila na ako ni Faye sa comfort room na malapit roon. Emotional breakdown is a b***h. Pilit kong inubos ang mga luha pero parang wala iyong katapusan. "Bakit pa kasi bumalik ang lalaking 'yan? Ano ba talagang balak niya? Okay na tayo, eh!" Gusto kong sumang-ayon sa sinasabi ni Faye at magbigay ng sintemyeto pero maging ang pagsasalita ay hindi ko na nagawa. Paulit-ulit na lang akong tumatango tango habang humihikbi. "Makinig ka sakin, Jewel." Hinawakan nito ang pisngi ko at sinubukan niyang hulihin ang paningin ko. "We are your real family. Kami lang. Hindi mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa isang walang kwentang lalaki. Hindi mo itataya, hindi ka susugal ulit. Hindi mo kailangan ang taong 'yun. Je, nagawa mo. Five years, Jewel. We can do it. Tayo-tayo lang. Kaya please... tatagan mo 'yung loob mo." Magulo man ang isipan, isa-isa iyong pumasok sa sistema ko. Tama si Faye. Tama lahat ng sinabi niya. I'm stronger now. Hindi ko sinayang ang ilang taon ng buhay ko para bumalik muli mula sa impyernong iyon. Magpapakatatag ako, hindi lang para sa akin kundi para kay Jihan. Kung laro man ang lahat ng ito para sa lalaking iyon, walang pagdadalawang isip... makikipaglaro ako. Madalian kong punanas ang mga luhang halos tumigas na sa mukha ko saka tumayo. Mariin kong tiningnan si Faye at mukhang nakuha naman ito agad ang sinasabi ko. Magkatabi kaming lumabas sa comfort room. Doon ay agad ko namang natanaw si Jihan na malalaki ang ngisi habang naglalakad sila ni Rod papalapit sa comfort room kung saan kami galing. "Mama! Okay ka lang po?" sabi sa akin ni Jihan noong tuluyan itong nakalapit. Niyakap niya ako ng mahigpit at marahan ko siyang tinapik sa balikat. "Proud na proud si Mama sa'yo, okay? Thank you for studying hard. I love you so much," sabi ko habang nakangiti. Naramdaman ko namang mas lumapit sa akin si Faye dahilan para mapatingin kami sa lalaking nasa tapat pa rin namin. "I love you too, Mama." Dali-daling kumalas sa pagkakayakap si Jihan at nilapitan naman ang ama. "May ibibigay po pala si Papa!" Awtomatiko kaming nagkatinginan ni Faye. Nang maibalik ko sa harapan ang titig ay namataan ko si Rod — he's holding a bouquet of flowers while flashing his smile — idiot. Imbes na mangisay sa kilig katulad ng gagawin ng "dating" Jewel, walang habas akong napahalakhak. "Mama, why?" Hindi ko na nagawang pansinin ang anak. Deretso lang ang tingin ko kay Rod na naglaho na rin ang mga ngiti noon. "Jihan, tara muna. Picture-an kita sa may mascot!" Nang makaalis si Faye ay saka ko lang ulit nginitian si Rod. Mas nagmukha siyang takot dahil hindi nakatakas sa akin ang biglaan nitong pag-atras. "Kung tatanggapin ko 'yan para ko na ring pinabayaran sa'yo 'yung lahat ng bulaklak na nilagay namin sa puntod mo," pangisi-ngisi kong sabi. "Patay ka na, 'di ba?" Mahina ko pang tinapik-tapik ang balikat nito bago umalis at sumunod sa anak at kaibigan. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag na nasa gilid. Hindi na ako iiyak ulit dahil sa'yo, Rod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD