Seventeen
"Ang aga mo naman!" singhal ni Faye sa kararating lang at humahangos pang si Andrei. Huli man, naiintindihan ko naman lalo pa't mukhang pinili lang nitong humabol.
Ang pigura niya kasi, parang biglang tinanggal lang ang labcoat at dumeretso na ito galing sa hospital.
"Manahimik ka, Tanda. Atleast ako may regalo kay Jihan," pabalang na sagot nito kay Faye saka nakangiting hinarap si Jihan. "Jihan!"
Naglabas ito ng maliit na susi mula sa bulsa kaya agad kaming napasinghap ni Faye. Knowing how rich Andrei could be...
"Siyam na taong gulang pa lang ang anak ko! Bibigyan mo talaga siya ng kotse?" sigaw ko. Hindi na pinapansin ang iilan pang dumadaan.
"Oo nga! Dapat 'yung nanay na lang!"
Agad na nalukot ang mukha ni Andrei at nag-ikot ng mata, bagay na mas lalo pa naming ikinatawa.
"What's that, Tito?" Narinig na lang naming pagtatanong ni Jihan na mukhang excited na excited din.
"Do you still remember nu'ng tinanong ka ni Tito Andrei kung ano 'yung gusto mong gift if you did great in your class?" Mabilis na tumango si Jihan. Agad namang umayos ng tayo si Andrei, hawak ang susing inilabas kanina at saka binuksan ang compartment ng sasakyan.
Pasimple pa kami nitong tiningnan na parang nang-aasar. Bwisit na lalaki rin to. Akala namin susi ng kotse na regalo nito kay Jihan, 'yun pala nasa compartment lang yung regalo.
"Electric scooter! Wow!"
Dahil sa ganap na katsismosahan namin ni Faye, agad namin silang sinundan at pinilit na makita rin ang sinasabi nitong regalo.
At mapapanganga ka na lang talaga. Bumili siya ng ganiyang regalo para kay Jihan?!
Ilan ba ang halaga niyan? Knowing Andrei, alam kong hindi ito mahilig bumili ng mga gamit sa bansa. Mas gusto nito iyong galing pa palagi sa bansa niya.
"It's so cool! Thank you so much, Tito Andrei." I already knew that Jihan was speechless. Oo, speechless na siya sa lagay na yan lalo pa't sobrang madaldal ang anak ko.
Naspeechless ata at wala ng ibang ginawa kundi yakap-yakapin ang doktor.
Doon ko pa lang nagawang isipin ang kanina pa tahimik na kasama namin. Maharan akong bumaling sa nakatayo lang na si Rod hindi malayo sa kinaroroonan ngayon ni Jihan at Andrei.
Napako ang tingin nito sa anak pero malinaw na malinaw ang ekspresyong nakikita sa mga mata nito — pain.
•••
"Tito, eto nga po pala si Papa. Papa, si Tito Andrei po... doktor po siya." Napahinto ako sa biglang pagpapakilala ng anak sa dalawa. Mabuti na lang at nagawang ngitian ni Andrei si Rod at nakipagkamay.
Napagdesisyunan naming humanap muna ng makakainan dahil mukha na namang gutom na leon si Faye. Kaya lang, gaano man namin gustuhing hindi isama si Rod ay wala rin kaming nagawa sa kagustuhan ni Jihan.
Gusto nitong makasama ang ama. Oo, naiintindihan ko naman. Kung nangungulila man ito o ano, pero kailan pa namin ipapaalam kay Jihan ang totoong sitwasyon.
"Naaawa ako kay Jihan, Je. Wala siyang alam, hindi niya alam kung ano ba talaga 'yung nangyayari kaya umaasa siya... umaasa siya sa wala." deretsahang sabi ni Faye.
Alam ko naman yun eh. Hindi ko lang rin talaga alam kung paano sisimulang sabihin kay Jihan. Siguradong hindi niya maiintindihan... siguradong masasaktan ang anak ko — iyon ang pinakahuling bagay na gusto ko para sa anak.
He doesn't deserve all these. He deserves to be happy. Pero ano nga ang gagawin ko? Ang paniwalain siyang okay lang ang lahat kahit purong kasinungalingan lang ang mga iyon o sabihin sakanya ang totoo at hayaan siyang masaktan?
Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong ng kaibigan. Niyaya ko na lang ang lahat na magsimulang kumain.
And it was a disaster!
Napaka-awkward na kami-kami pa ang magkakasama sa isang table pero kinailangan naming umaktong normal para kay Jihan.
We did our best! — Lalo na kami ni Faye. Mahirap tuwing kailangan naming mag-usap na parang okay lang ang lahat kahit ang totoo ay bwisit na bwisit na kami.
Isa lang ang naging realization ko sa nangyaring iyon. Isa lang ang nakintal sa utak kong dapat gawin.
Hindi matitigil ang lahat ng pagpapanggap kung hindi ako kikilos. Kung hindi ako makikipag-usap.
Hindi na ako mag-aantay ng mahabang panahon para ihanda ang sarili ko. Ang gusto namin, matigil na to as soon as possible. Kung papatagalin ko pa, kami at kami lang rin ang mahihirapan. Mas mahihirapan lang si Jihan.
Mayroong handaan sa bahay at hindi rin namin pwedeng baliwalain lang ang inihanda ni daddy kaya pagkatapos ng pagkain ay agad kong kinausap si Andrei na ipagmaneho na muna si Jihan at Faye pauwi.
Kailangan kong magpaiwan. Kailangan kong tuldulakan ang lahat ng ito ngayon na mismo bago pa malaman ni daddy at magkagulo-gulo na naman ang lahat.
Mabuti hindi na nagtanong pang muli si Jihan bago sila tuluyang makauwi. Alam kong si Faye na ang bahala magpaliwanag. Ang kailangan ko lang isipin ngayon ay ang pag-uusapan naming dalawa ng lalaki sa harapan ko.
"Are you ready–"
"Quit acting like you're the good guy here. Mag-usap tayo, 'wag dito." taas-noo kong sabi habang umuusal ng mahihinang panalangin na sana hindi makaalala ang panginginig ng mga kamay ko ngayon.
•••
Sa maliit na coffee shop ko naisipang pumasok. Hindi na mahalaga ang lugar, ang mahalaga ngayon ay ang pag-uusapan. Hiling ko na lang na sana hindi ako magsisisigaw rito dahil mas lalo ko lang maipapahiya ang sarili at baka malaman pa ito ni daddy.
"Anong ginagawa mo, Rod?" panimula ko. Sinikap kong ideretso na ito sa kung anong pakay.
I want this to be quick but clear.
"Jewel, gusto ko lang bumawi kay Jihan–"
"That's bullshit!" Ano bang pinag-iisip kong magiging kalmado ako sa pag-uusap na 'to? For Pete's sake, it was my child that we are talking about!
"Kung gusto mong bumawi kay Jihan, dapat hindi ka umalis. You left us! Umalis ka sa mga panahong pinakakailangan ka namin. O, kahit hindi na ako! Kahit para kay Jihan na lang. Anong ginawa mo?! Bakit, Rod?! What did we do to you para tratuhin mo kaming parang basurang basta na lang hinagis sa kung saan?!" Mahihigpit ang kapit ko sa mesang kaharap na para bang doon ako kumukuha ng lakas para makakilos at magsalita.
"Bakit ka umalis?" Mabilis kong inilagay sa bibig ang mga palad. I can't cry here. Hindi rin ako pwedeng umiyak lalo pa't nangako ako sa sarili kong hindi ko na muling iiyakan pa ang sarili. "Bakit mo kami iniwan–bakit mo iniwan si Jihan?"
Pinilit ko ang sariling tingnan ang lalaking kaharap. Halatang halata na gusto nito ang magsalita pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Bukod pa sa pamumutla ng mukha ay kitang-kita ko rin ang takot na naroon.
"I can't–"
I knew it. Sino nga ba naman ang nang-iiwan na willing pa magpaliwanag? O kung mayroon ba talaga siyang dapat ipaliwanag?
Ano, nagising na lang siya isang umaga na ayaw na niya kaya bigla siyang umalis?
"Fine. Hindi ko na hihingiin ang paliwanag mo kasi ano naman nga ngayon kung malaman ko pa, 'di ba? Ang mahalaga yung nangyayari ngayon... 'wag ka na ulit magpapakita kay Jihan," matapang ko pang sabi. Hindi ko rin nagawang lubayan ang pagtitig sa mga mata nitong purong takot ang laman.
Bakit naman siya matatakot? Hindi ba siya naman ang panalo rito?
"Utang na loob, mahiya ka naman ng kahit kaonti sa anak ko. 'Wag na 'wag mo siyang papaasahing pwede pa dahil alam mo sa sarili mong matagal ng wala. At wag na wag mo akong sasabihang may karapatan ka dahil simula nang iniwan mo–"
Agad akong napipilan ng bigla nitong hinawakan ang kanang kamay kong nakahawak sa mesa. Sa pagkakataong iyon, gusto kong magpumiglas pero kasabay ng pananahimik ko ang biglaang panghihina.
"Hindi ko na kayo guguluhin. Tama ka, hindi ko dapat pinaaasa si Jihan. Masaya akong makita siya, sinunod ko lang ang gusto ko pero pasensya na. Pwede mong ipagawa sa akin ang lahat ng gusto mo. Kung gusto mo akong lumayo, lalayo ako... hindi ko kayo guguluhin, hindi ako magpapakita. Pero may isa lang akong hiling."
Gusto ko siyang pagtawanan, gusto ko siyang singhalan sa sobrang kapal ng mukha nito para humiling pa. Pero wala akong nagawa na kahit isa roon.
Ngayon ko na lang siya narinig magsalita ng ganyan kahaba at kaseryoso kaya hindi ko mapigilang bumalik sa nangyari noon.
Noong sinabi nitong pinagsisisihan niya ang lahat. Talaga bang nagisisi siya kaya ito umalis?
"Jewel... lalayo ako. Hindi ako magpapakita, hindi ako manggugulo... but please. Wag na wag kang magfa-file ng annulment."