Eighteen: Emergency

1741 Words
Eighteen "Daddy, have you seen Jihan?" Tuloy-tuloy kong binabagtas ang mataas na hagdan habang nagsasalita. Simula kasi paggising ay hindi ko nakita ang anak. Inaalala kong baka lumabas na naman at maggala kung saan-saan o kaya naman lumabas ng subdivision. "Call Manang Esi, nakita kong nagkausap sila kanina." sabi ni daddy na hindi man lang nagagawang alisin ang mga mata sa laptop na kaharap. Madali akong nagtungo sa kusina. Baka naman kasi nagsimula na namang magpasaway ang anak ko sa mga kasambahay ni daddy. Naalala ko noong nakaraan, umalis lang si Manang Esi sandali, pinaglalagay na ng anak ko ang mga sangkap na lulutuin kahit hindi naman nito alam kung para saan ang mga iyon. "Jihan?" Intrada ko nang makapasok pero sinalubong ako agad ni Ate Tess, isa sa mga kasama rin ni Manang Esi. Itinuro nito ang pinto papalabas sa maliit na garden ni daddy kaya madali ko iyong tinungo. What does my baby's business for today, huh? Awtomatiko akong napangiti nang makita ang anak na naka-squat habang marahang hinahaplos ang iilang bulaklak na naroon. Maya't maya ko ring nakikita ang pagbukas ng bibig nito na para bang kinakausap nito ang mga ito. Marahan akong lumapit at hindi nagpahalata kaya doon ko nakumpirmang nagagawa ngang kausapin ni Jihan ang mga halamang naroon. "–hindi ko nga alam pero alam kong may hindi okay. I've never seen my mother na umiyak ng gano'n. I hate to see it. Kaya lang, wala naman akong magagawa kasi hindi ko pa naman alam kung paano siya matutulungan." Para namang agad na nanlambot ang puso ko at hindi na natiis ang hindi yakapin ang anak. Marahan ko ring hinaplos ang buhok nito at hinalikan. "Mommy naman, eh! Kanina ka pa dyan?" aburido niyang banggit kaya tinawanan ko na lang. Tinutuo ni Rod ang sinabi niyang hindi na nga ito manggugulo o magpapakita. Finally, I'm at peace. Alam kong mas okay na ang ganito kaysa palagi pa siyang makikita ni Jihan dahil kahit papaano matatanggap ni Jihan ang sitwasyon. At sa isang buwan na iyon, mas napanatag akong sabihin na ang lahat sa anak ngayon. Hinila ko ang anak papunta sa dalawang bakanteng upuang naroon. Maybe he's a little bit young pero alam kong maiintindihan niya na ito ngayon. Matalino ang anak ko at hindi siya basta-basta kaya malaki ang pag-asa kong mas magagawa niya iyong matanggap ngayon. "Ji? May sasabihin si mommy..." May ngiti sa inosente nitong mukha nang hinarap niya ako dahilan para mas lalo kong pag-igihan ang pagkukumbinsi ko sa sarili kong sabihin ang totoo. "Si mama at si papa mo–" "Magkaaway po kayo, Mama. Alam ko na po 'yun. Sabi ng klasmeyt ko, normal lang po sa mama at papa ang mag-away. Kung galit po kayo kay Papa, Ma, okay lang po sakin. Basta po ha, magbati po kayo kasi gusto ko na rin pong makita si Papa. Miss ko na po ulit siya," maligaya pa nitong sabi. Sa pagkakataong iyon, mas gusto ko nang umatras pero kung ganito nga ang iniisip ng anak ko ay hindi malayong umasa pa ang bata. Mas mahihirapan pa itong bumitaw sa isang bagay na matagal nang naglaho. "Nak, makinig ka muna kay Mama." Pilit kong tinatatagan ang sarili pati na ang pagpipigil sa mga magbabadyang luha. Sa isang buwan matapos ang pag-uusap naming iyon, alam ko okay na ako. Pero iba pala kapag alam kong masasaktan ang anak ko sa totoo. Isang buwan akong nag-isip isip para matimbang ang dapat kong gawin at ito ang naging resulta noon kaya dapat ko pa rin nitong panindigan. "Si Mama at Papa, hindi na magkakaayos. Totoong umalis si Papa noon para sa trabaho pero ginusto niya pa ring iwan tayo, 'nak..." Mabilis na nag-iba ang ekspresyong ipinapakita ng mukha ni Jihan kaya agad akong nataranta. Hinawakan ko ang pisngi nito at inilebel sa mukha ko. "Nak, hindi na babalik si Papa sa atin." "No..." Tuluyan nang umagos ang mga luha ng batang kaharap ko. "Bumalik po siya, Mama. Mahal niya po ako. Mahal niya po tayo. Binalikan niya tayo kasi gusto niyang makasama tayo ulit." "Jihan... naalala mo pa ba 'yung palagi sayong sinasabi ni Mama dati?" Sa sandaling iyon, nakuha ni Jihang tumingin sa mga mata ko. "Ang totoong nagmamahal, hindi nang-aabandona." Sabay pa namin iyong binigkas saka nagpalitan ng ngiti. "Pero, Mama... naniniwala po ako kay Papa. Please po, I want to see him." Alam kong mapilit ang anak sa mga bagay na gusti nitong makuha pero hindi ko inasahang sasabihin niya iyon. Hindi ko agad naisip kung bakit hindi nitong magawang magalit sa ama. Iniwan siya nito! Iniwan niya kami. Marami itong hindi naabutan sa lahat ng ganap ni Jihan sa buhay nito habang lumalaki. Marami itong naging pagkukulang pero hindi man lang nagbago ang gusto ni Jihan — gusto pa rin nitong makita ang ama. "Jihan, we can't. Nangako siyang hindi na niya tayo guguluhin. Hindi na niya tayo iistorbohin and we should thank him for doing that–" "Mama, why? Hindi po ba sabi niyo maging grateful lang tayo sa mga binibigay ni Jesus? Binigyan Niya tayo ng pagkakataong makasama ulit si Papa, bakit po hindi natin kunin 'yung pagkakataong iyon?" Napipilan ako ng ilang segundo. Hindi ko ginusto pero inaamin kong tama nga siya pero iba ang sitwasyon namin ngayon. Limang taon... limang taong basta na lang kami iniwan ni Rod at pagbalik niya ay wala siyang sinabi kahit maiksing paliwanag man lang? Ibang-iba. Ibang-iba ang sitwasyon. "Iniwan niya na tayo, Jihan. Makinig ka kay Mommy. Iniwan niya tayo noon at iiwan niya ulit tayo ngayon–" "No! Iniwan niya tayo ngayon kasi pinaalis mo siya!" Nabigla man ako sa biglaang pagsigaw ng anak ay kahit papaano, naiintindihan ko siya. Mahirap din namang tanggapin lalo pa't wala pa ito sa tamang edad para sa mga ganitong bagay pero ngayon pa lang kailangan na niyang malaman ang totoo. Ayokong umasa ang anak ko dahil ako ang pinakaunang masasaktan kapag nangyari iyon. "Jihan! Get back here!" "I want to be alone, please." Nagdali-dali itong lumabas at hindi ako muling nilingon kaya minabuti kong hayaan na lang muna. Matalino ang anak ko. Alam kong magagawa rin nitong magawa ang lahat at hindi ko kailangang magmadali. ••• "Paano ninyo nasabing wala si Jihan?! Kausap ko lang siya kanina!" He's here. Alam kong niloloko lang nila ako. Bakit naman mawawala ang anak ko? Bakit naman siya aalis kung ganoon? Bakit at paano siya makaaalis sa bahay na may iilang mga bantay? "Pero, Ma'am, Jewel... wala po talaga sa kwarto niya. Naka-lock po iyon kaya kumuha kami ni Tess ng susi at saka nabukas. Wala na po si Jihan doon. Sinilip na rin po namin ang garden, pool at iilang kwartong pwede niyang pagtaguan pero wala po kaming nakita." Halos magpantig ang tainga ko sa narinig. Anong wala rito ang anak ko?! Paano niya nalusutan ang mga kalalakihang hindi naman nalalayo sa gate? Handang-handa na akong sumigaw nang lapitan ako ni Kuya Kiel na malaki na ang pinagbago pero mabait pa rin naman sa amin lalo na kay Jihan. "Ma'am, pinapapunta po kayo ni Sir sa basement. Nakita niya po si Jihan sa cctv–" Nakakabastos man pero hindi ko na nagawang patapusin si Kuya Kiel. Mabilis ko nang tinakbo ang pinakamalapit na pinto papunta sa pinakaibabang palapag. "Dad! Si Jihan?" Imbes na sagutin ay agad nitong iniharap sa akin ang monitor at plinay sa sitwasyong patakbong lumabas si Jihan sa likod at maliit na espasyo ng bahay. Wala itong dala maski na ano pero maayos na ang suot kaysa sa suot nito noong nag-usap kami kaninamg umaga. "Where is he going?!" naghuhuramentado kong sabi. At katulad nga ng paulit-ulit kong sinasabi, matalino ang anak ko. Alam kong hindi iyon basta aalis sa bahay ng hindi nito alam ang gagawin. Paniguradong may plano ang anak ko... at mukhang alam ko na. Mabilis akong bumalik sa sariling kwarto at kinuha ang susi ng sasakyan. Kung totoo nga marahil ang naiisip ko tungkol sa plano ng anak, kailangan kong magmadali para mapigilan ko pa si Jihan. Bakit ba kasi hindi siya masabihan? Bakit niya pa kasi hinahabol-habol ang ama? Nagtuloy ako sa pagmamaneho kahit sandamakmak at halos matabunan na ako ng mga naiisip. Ano bang mali sakanya? Sinabi ko naman na sakanya ang totoo. Iniwan kami ng papa niya pero hindi man lang niya nagawang magalit?! Ang papa niya sana ang kasama niya noong mga panahong nasa treatment ako pero ano? Dahil umalis si Rod ng walang paalam, napilitan kaming istorbohin si Faye kahit may sarili rin itong trabaho. Malayo man ang lugar ng ama, alam kong ginawa ni Jihan ang lahat para makapagresearch patungkol doon. Pero, he's nine! Paano kung bigla na lang siya higitin ng kung sino para kidnap-in? This is all Rod's fault. Kung hindi na siya nagpakita edi sana hindi magkukumahog ang anak kong makasama siya. Bakit pa siya bumalik? Bakit hindi na lang siya nanatili kung nasaan man siyang lupalop ng mundo nanatili? I hate him! To death! At kung may mangyari mang masama sa anak ko ako mismo ang papatay sa hayop na yan. Ano bang nagawa ko kay Rod? Ginawa ko ang lahat para maging mabuting asawa at ina para sa pamilya namin! Inubos ko ang sarili ko para maging mabuti pero anong ginawa niya? Nang naubos ko ang sarili ko at tuluyang nawala sa sarili ay basta na lang ito umalis ng walang paalam. Kanino kasalanan ang lahat ng ito, aber? Sa gitna nang mga naiisip ko ay biglang dumagundong ang tawag ni Faye sa buong sasakyan. Sinagot ko agad iyon lalo pa't kailangan din nitong malaman ang nangyayari ngayon. Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng kaibigan. "Jewel?! Where are you?" Nagtataka man sa pagiging taranta ng kaibigan, wala akong nagawa kundi sagutin ito at isantabi ang ikukwento ko tungkol sa bata. "Nagdadrive ako. Faye, si Jihan–" "Si Jihan nasa ospital!" Halos sumubsob ako sa windshield ng minamaneho sa biglaan kong pagpreno. "A-Anong nangyari sa anak ko?" Nagtagal ang katahimikan sa kabilang linya bago magpatuloy sa pagsasalita si Faye. "Look, calm down okay? This isn't about Jihan anymore–" "This is about Jihan! Anong nangyari sakanya?" "–nakita siya ni Andrei sa Central Hospital, sa tingin ko, ikaw ang kailangang magpunta roon. Hurry!" Nakakalito na nakakakaba pero mabilis ko iyong isinantabi. Binaba ko ang tawag at agad na pinaharurot ang sasakyan papunta sa sinabing lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD