Three: Regrets

1360 Words
Three Alas otso na noong makaalis kami ni Jihan sa ospital. Nakatulog na nga rin ito sa byahe kaya wala akong ibang choice kundi buhatin ang mabigat ng anak. Hindi ko alam kung anong oras na marahil pero sigurado akong kanina pa nag-aantay si Rod sa labas ng bahay. O kung wala, saan ko naman iyon maaaring hanapin? Lalo pa't naiwan ko pa ata ang cellphone sa loob ng bahay. Ganoon na lang ang gulat ko nang matanaw ko ang isang pinagtutulungang mabuhat na lalaki sa tapat ng bahay. Maliit lang ang eskinita roon kaya halos okupado na ng nagbubuhat at ng lalaki. Palapit nang papalit, doon ko lang naaninag na si Rod nga iyon kaya agad agad na akong tumakbo. Mabuti ay inalalayan siya ng kapit-bahay naming si Filimon. "Nakahandusay na 'yan kanina dyan. Buti nakita ng mga bata at nagsabi sa akin," palinawag nito nang tuluyan akong makalapit. Mabilis kong ibinukas ang bahay saka ibinaba ang tulog na si Jihan sa papag. Isinunod ko namang alalayan ang asawa pagkatapos kong magpasalamat kay Filimon. Bago ko pa ito tuluyang mahawakan, sinalakay na ako agad ng amoy ng alak. Lasing pa siya?! Naospital na ako't lahat pero uminom lang siya? Teka, hindi lang siya basta uminom ha— nagpakalunod siya sa alak! Dahil tuluyan na akong nanghina, tuluyan ko na ring nabitawan ang lalaking inalalayan. Agad itong kumalabog sa kahoy na sahig. Doon tuloy ay nagising na siya. Mabilis itong tumayo habang nanlilisik ang mga mata. "Ano ba?!" singhal nito sa akin. "Lasing ka?" Well, that's too obvious pero wala naman akong ibang pupwede pang sabihin. Para kasing bigla lang nablanko ang utak ko. "Pakealam mo–" "Rod? Ano bang problema?" marahan pero naiinis ko na ring sabi. Bigla rin kasing bumalik sa isip ko ang ginawang pagsusumbong sa akin ni Jihan kanina. Pasuray suray itong naglakad para makaupo sa plastik na upuang naroon. Bago pa man siya bumulusok ay nilapit ko na siya agad para alalayan pero agad niyang sinakwil ang mga braso ko. What the hell? "Matutulog na ako," sabi pa nito. Nananatiling nakapikit. "Ano bang problema, Rod? It's been a week! Kailan mo ba ako papansinin? Akala ko ba hindi ko napapansing iniiwasan mo ako?" halos ibulong ko na lang ang mga sinasabi ko. Gusto ko siyang makausap pero ayaw ko rin namang maistorbo pa ang tulog na anak. Muli, sa hindi mabilang na pagkakataon, wala akong natanggap na sagot sakanya. My mind immediately went black. Sobra sobra na rin ang pagkainis dahil sa pagkadismaya. How dare he? Paano niya nagagawang lagpas lagpasan lang ako? Balewalain? Anong nangyari sa lalaban kaming dalawa? "Punyeta naman, eh!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw. "Pinagpapasensyahan lang kita nung mga nakaraang araw pero ngayon sobra ka na—" "Sobra na ako?!" halos mapaatras ako sa biglaan nitong pagsigaw. Rod Antonio is a calm person. Ni hindi nga iyan nagagalit, eh. O kahit mainis o mairita. Ngayon lang. Ngayon lang, matapos ang apat na taon, niya ako nagawang pagtaasan ng boses. "Sobra na pala ako, edi maghiwalay na tayo!" sabi niya pagkatapos ay madiing ipinikit ang mga mata. Agad namang napaawang ang bibig ko. Gusto ko pa ngang itanong sa sarili ko kung sino marahi lang nagsabi ng mga katagang iyon dahil kung hindi ko mismo harap harapang nakitang lumabas iyon sa bibig ni Rod ay kahit kailan, hindi ako maniniwala. "A-Anong sinabi mo?" nanginginig na ang mga labi ko kaya naging mahina ang pagkakasabi ko ng mga katagang iyon. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Rod na sabihin iyon. Hindi ako makapaniwalang walang pagdadalawang isip ay masasabi niyang itigil na namin ang lahat. Ano iyong pinaglaban namin noon pa? Paano si mommy? Paano si Jihan? Mali ba ako ng pinaglaban? Dapat ba mas nakinig na lang ako kay daddy? Huli na nang mamalayan kong basang basa na ang mga pisngi ko sa sariling luha. Hindi ko alam ang pupwedeng maramdaman. "Jewel naman, pagod na pagod na ako." Mistula akong napako sa kinatatayuan, nakaawang ang bibig habang patuloy na rumaragasa ang mga luha. Hindi ko magawang magsalita, tumutol ko kahit patigilin man lang ang kaharap. "Pagod na pagod na akong bigyan kayo ng magandang buhay! P-Pagod na pagod na akong humanap nang maayos na tirahan o kahit maayos na gamit sa bahay. Napapagod na akong patunayan ang sarili ko sa'yo, kay Jihan—" "Sinong nagsabing kailan mong gawin 'yan?" Akala ko nanghihina na ang sistema ko pero nagawa pang lumabas ng mga malalamig na boses na iyon sa bibig ko. "Rod, kailan kita sinabihang kailangan mong patunayan ang sarili mo sa amin ng anak mo?" Natahimik ang lalaki sa tapat ko ngayon. "Rod, we love you. Mahal kita, mahal ka ni Jihan at alam mong wala kang kailangang patunayan sa amin... 'yung mga maayos na tirahan at maayos na gamit, kailan namin 'yan hiningi sa'yo? Rod?! Kailan kami nagreklamo?!" Tumayo na siya sa pagkakataong ito at nagpunas ng mga nakatakas na luha sa mga mata, siguro ay medyo nahihimasmasan na rin sa nangyayari. "Wala pa kayong reklamo. Pero darating din ang panahong isusumbat ninyo sa akin ang lahat ng kakulangan ko, Jewel." "Tanggapin na natin ang totoo," dagdag pa niya. "Tanggapin na nating wala akong kwenta at tama ang daddy mo!" "Iyan ang problema sa'yo!" napalatak ako. "Mabilis kang panghinaan ng loob dahil sa insecurities mo! Kanino ka ba naniniwala? Rod, kung hindi mo kayang paniwalaan 'yang sarili mo... kami ni Jihan ang paniwalaan mo kasi nagtitiwala kami sa'yo! Bullshit! Apat na taon 'yan ang issue mo! Napapagod ka? Napapagod din ako! Pero 'di ba lalaban? Ano 'yun? Lalaban pero kapag ikaw 'yung nakaramdam ng pagod, hihiwalayan mo ako? Na parang wala tayong sinakripisyo–" "Nagsisi ka?" Nagtiim bagang ako. Pinilit ko ang sariling magbigay ng diretsong tingin sa kausap. "I've been through worst, Rod. Hindi kita pinilit na damayan ako. Nu'ng mga panahong kailangan ko ng kausap pero mas pinipili mong matulog dahil siguro sa pagod mo sa trabaho, tinanggap ko 'yun! Dinamayan ko 'yung sarili ko! Wala ni isang araw na nagsisi ako kasi mas pinili ko 'to!" Patagal nang patagal, parang paulit ulit ring sinasaksak ng kung anong matulis na babgay ang puso ko. Hindi iyon tumitigil kaya hps mamanhid na rin ako sa sakit. "Ikaw, Rod, nagsisisi ka ba?" Takot ako. Takot akong malaman ang sagot na iyon pero mas pinili kong itanong. Hindi ako matapang pero hindi ko naman kayang makita ang sarili kong nilalangoy pa ang dagat ng kasinungalingan at pagpapanggap. "Tama ang daddy mo... wala kang mapapala sa akin..." "Nagsisisi ka?" pag-uulit ko pa. Gustong malaman ang totoo. Gusto kong marinig ang eksaktong mga salita. "Rod! Nagsisisi ka ba?!" "Oo!" dumagundong ang salitang iyon sa buong bahay. Nakakabingi. Nakakabinging marinig ang katotohanan. "Oo, Jewel! Nagsisisi ako—" Hindi ko na siya nagawang patapusin. Mabilis akong magpunta sa ilalim ng papag. Kinuha ko mula roon ang malaking backpack, at saka nagsimulang ilagay ang iilang damit mula sa kartong lalagyan nito. Natahimik sa buong bahay at hikbi ko lang ang naririnig ko. Hindi ako makapaniwala. Akala ko, iyong pagkawala na ni mommy ang pinakamasakit na mararanasan ko ngayong taon pero may dadagdag pa pala. Anong nangyari sa lalaban? Anong nangyari sa tayo hanggang sa huli? Hindi ko na nagawang lingunin ang lalaking nasa likod. Basta dinere-deretso ko na lang pag-iimpake. Gabi na at lalong lalong hindi ko alam kung saan pupwedeng magpunta pero bahala na. Aalis kami ni Jihan. Itatakas ko ang anak ko sa lugar na ito. "Jewel..." narinig ko pang muli ang boses ni Rod na mukhang malapit na sa likod ko. "Jewel, h-hindi ko sinasadya." Agad sinalakay ng pagkamuhi ang sistema ko pagkatapos ay mahihinang tumawa ng mapait. Hindi ko na tuloy alam kung ano pa ang totoo sa sinasabi ng lalaki. Hindi ko na alam kung sino pa siya? Kung ano pa ang paniniwalaan ko? Pero... isa lang ang sigurado ako. Napapagod na rin ako. Pagod na pagod na rin ako magpakababae. Pagod ako magpakananay. Pagod na pagod na ako maging asawa. Tama siya... baka nga, oo, pinagsisisihan ko ang lahat. At kung mabibigyan man ako ng pagkakataon ay walang pagdadawalang-isip na uulitin ko ito mula sa umpisa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD