Chap. 1
Kung may LinkedIn ang mga playboy, verified na verified na ang profile ko. Experienced in mixed signals. Skilled in selective honesty. Fluent in “Good night” pero may ka-chat pang iba. Naniniwala ako sa collect and collect and then select. Madami-dami na din akong na de-virginize na babae. Kilabot ako sa mga Feminist Clubs na notorious and most hated guy of all times. But I don't care, what matters is how I am counting the body counts mala serial killer, pero sa kama at v-card. Wala eh, ganun ako pinanganak. Parang achievement ko iyon at trophy, Dala ng galit ko sa mama ko. Isa akong kilabot ng mga eabab sa university naman. Ang mahalaga, wala akong nabubuntis at okay na sa akin 'yon. Ako si Val Yoon. Isang Half Filipino, Half Korean na Master of all Babaero sa era namin, at kilalang basketball varsity team kaya matangkad at gwapo. Kilabot ng mga kolehiyala.
---
Ngayon gabi ay may niyaya ako sa labas, wala lang. Isa lang ‘tong side chick sa buhay ko.
We will met sa isang café na puro halaman at quotes tungkol sa self love ang nakasabit sa pader. Suki ko na mga waitress dito. Kasi kilalang-kilala na din nila ako. Irony right? Kilala na nila kung sino sino mga pinapapasok ko sa cafe na 'to na mga eabab ko.
Nauna ako, Siyempre. Image is everything. Naka-sando ako ng kulay itim, naka-gel ang buhok na kulot, at malakas ang pabango na Tom Ford. With Mouth wash para ready makipagsabakan ang dila ko sa French kiss ng susunod ko bibiktimahin, at amin Fraternity.
Pagpasok ko, I took off my sunglasses pagkatapos makasalubong sa hallway ang magjowa, habang ang babae ay nakatingin sa akin, ay kinindatan ko siya, napakagat naman siya sa kanyang labi. Girls will be girls, akalain mo? katabi lang niya jowa niya, nagawa pa niya ang mga bagay na iyon.
After a little minute, pumasok na ang ka-date ko at doon ako medyo napaayos ng upo. She is wearing a simple white dress. Walang heavy makeup. Walang aura ng “I can ruin your life in 3 screenshots.” At kulay brunette ang kanyang buhok. Mukha siyang honor student na napagkamalang extra sa maling pelikula.
“Hi,” sabi niya, sabay ngiti na walang halong landi.
“Hi,” sagot ko, and my Charm Mode is now activated.
Umupo siya sa harap ko, maingat pa. I glance on her mini-skirt, makinis at maputi ang hita niya. Parang hindi pa na-spank. He takes the menu, and Damn! Parang first time niyang humawak ng menu na may presyong nakakainsulto.
Five seconds kaming tahimik.
Sanay ako sa ganitong part. Dito ko binabasa yung babae. Body language. Eye contact. Energy.
And to her? Walang calculated moves, like she's an open book na hindi ko alam kung anong genre. Nakikiramdam lang talaga ako.
“Ang cute mo pala in person,” sabi ko, standard opening ng mga Playboy lines.
Namula siya. “Talaga? Ah eh... First time ko kasi makipag-date.”
Excuse me?
“First time?” ulit ko, medyo napataas boses ko.
“Oo. Kinakabahan nga ako. Ikaw ba, marami ka na bang naging girlfriend?”
Kung honesty lang, kaya kong gumawa ng PowerPoint presentation.
“Konti lang,” sagot ko. “Parang ano lang ba, research.”
“Research?”
“Oo. Field study ng love. Behavioral patterns.”
Tumango siya na parang proud siya sakin at gusto pumalakpak na parang bata. “Wow. Ang talino mo pala.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o magpa-confess sa simbahan.
Hanggang sa nagsimula na kaming kumain, napansin kong tinatanggal niya yung parsley sa pasta niya.
“Bakit mo naman tinatanggal 'yon?” tanong ko.
“Parang halaman kasi. Naiisip ko baka buhay pa.”
Tinitigan ko siya ng matagal.
I have dated girls who stalked me, blackmailed me emotionally, at minsang nagpadala ng long paragraph na parang thesis defense. Pero ngayon lang ako nakipag-date sa babaeng nag-aalala sa parsley.
“Alam mo,” sabi ko, “you're too good to be true.”
“Masama ba?” sagot niya, na parang seryoso siya.
Hindi ko alam paano ie-explain na sa mundo ko, ang bait ay endangered species.
Halfway through dinner, bigla siyang tumahimik. Tumingin siya sakin na parang may exam.
“Pwede ba kitang tanungin ng seryoso?”
Ayan na. The moral test.
“Sige.”
“Pag naging tayo ba, hindi mo ako lolokohin?”
Simple. Walang drama at walang background music.
Sa ilalim ng mesa, nag-vibrate phone ko. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Alam ko kung sino. May schedule ang karma ko. Puro ko sila mga babae sa messenger chat.
Ngumiti ako ng kontrolado, very practiced kung baga.
“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”
“Kasi gwapo ka at lalakeng-lalake, matipuno, mukhang sanay ka sa mga ganito,” sagot niya. “Atsaka, sabi ng ate ko, pag gwapo, mataas ang chance.”
Napatawa ako. “Grabe naman stereotype yan.”
Pero hindi ako makatingin sa mata niya nang diretso.
“Safe ka sakin,” sabi ko.
At doon ako medyo kinabahan.
Kasi sinabi ko ‘yon na parang gusto kong paniwalaan.
“Talaga?” tanong niya, parang batang naniwala sa fairy tale, sabay kislap ng kanyang mata na mala anime.
“Oo.”
Sa moment na ‘yon, parang may maliit na bahagi ng konsensya ko na bumangon at nagtanong, Sure ka ba dito, self?