Hindi ko kayang tingnan ang itsura ni Tita Frydah. Kaya pala hindi ko mahanap ang kanyang amoy ay dahil unti-unti ng nawawala. Akala mo ay may glitch effect ang kaluluwa ni Tita na hindi ko naman maintindihan kung bakit iyon nangyayari. Natigilan ako at hindi alam ang gagawin dahil hawak ako sa leeg ng lalaking magiging simula na naman ng lahat. Ang digmaan sa Elementalia at pagkawasak ng aming kaharian. Hindi ako pwedeng paslangin ngayon dahil marami pa akong gagawin. Hanggang kailan ba manganganib ang aking buhay sa kamay ng lalaking ito. “Abigur bitawan mo si Ayazairah.” Bakas ang panghihina sa sigaw ni Tita Frydah dahil sa ginagawa ng lalaki sa akin. Ngayon ay tiyak ko ang sobrang lakas ng kaaway dahil hindi ko magawang makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin. Nahihirapan na akong

