“This is it.” Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib sa lakas ng kabog nito. Hindi pa din ako makapaniwala na makakabalik ako ngayon sa Elementalia. “Masyadong halata na masaya ka.” Puna sa akin ni Ariella saka tumingin sa portal na aming papasukan patungo sa kaharian. Inirapan ko s’ya dahil hindi n’ya mapipigilan ang saya na nararamdaman ko ngayon. “Hayaan n’yo na dahil ngayon lang ulit nn’ya makikita ang kanyang mga magulang.” Nagpatiuna na si Hreidmar sa pagpasok sa portal. “Sandali.” Natigilan kaming lahat dahil sa sigaw ni Fayeth. “Bakit?” Kunot-noong tanong sa kanya ni Alvara. Nakakaloka talaga ang babaeng ito. Inabot na naman yat ng kanyang topak. “Naisip ko kasi na ngayon lang ulit tayo babalik simula nung tumakas tayo.” Mahinang sagot ni Fayeth. “Naku oo nga pala.” N

