HREIDMAR POV Mabilis akong lumapit kay Tita Frydah at yumakap sa babae. Totoo naman na miss ko na ang sya kaya lang pagyakap ko ay tila napaso ako sa kanya dahilan para bumitaw din ako agad. “Okay lang ako Tita.” Pilit akong ngumiti dahil nararamdaman ko pa din hanggang ngayon ang pagkapaso. “Hay naku Tita kung alam mo lang kung ilang beses akong tanungin ng lalaking yan tungkol sa’yo.” Pagsusumbong naman ni Ayazairah kaya nagtawanan pa ang ibang nakarinig. “Ganyan talaga s’ya kapag matagal akong hindi nakikita.” Bakit pakiramdam ko ay pilit ang pagtawa ni Tita. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon malamang ay pagod na s’ya ngayon kaya ganun. “Oo nga halata ko naman po.” Nakairap pa na sagot ni Ayazairah kay Tita Frydah at magiliw naman na ngumiti ang huli. “Kanina pa ba kayo nagh

