"Huwag!" Patuloy ako sa pagsigaw dahil nakikita ko ang sarili na unti-unting nalulusaw. Napapikit na lamnag ako dahil hindi ko kayang tignan ang nangyayari sa sarili. Bigla akong nagmulat ng mata dahil halos mabingi ako sa tunog ng aking alarm clock dahilan para tuluyan akong magising. Hinihingal pa akong umupo sa higaan at agad binuksan ang ilaw sa kwarto. "Panaginip na naman." Hindi ako makapaniwala na isang panaginip lamang ang nangyari dahil parang totoo iyon na aking nararamdaman. Huminga ako ng malalim saka nagpasyang tumayo na sa higaan upang mag-ayos ng sarili. Kukumustahin ko ang mga elementalist sa bundok kay Tita Frydah. Hindi pa rin ako mapalagay dahil sa panaginip. Mabilis akong nag-ayos ng sarili para hanapin si Tita Frydah. "Good morning Tita." Agad ko s'yang nakita

