HREIDMAR POV Masaya akong nakatingin sa kanilang lahat na tila mga walang problema sa buhay. Sa ngayon ay masasabi ko na talagang close na ang dalawang grupo. Nakabuti talaga sa amin ang pagimbita ni Tita Frydah kaya naging mas malapit kami sa isa't-isa. Idagdag mo pa ang nangyari kahapon na lalong nagpatibay sa amin na protektahan si Ayazairah. Napatingin ako sa babae at saktong tumingin din s'ya sa akin. Ewan ko pero tila walang nais na bumitaw sa aming titigan. Napakasarap n'yang tignan dahil nakangiti pa s'ya sa akin. "Hreidmar." Boses ng mahal na reyna ang aking naririnig kaya pinatahimik ko muna ang maiingay na kasama. "Ano po iyon?" Nagtataka ako dahil sila ang unang tumawag sa amin. Madalas ay kami ang nagrereport sa kanila. Naalala ko ang insidente tungkol kay Ayazairah. Hindi

