"A pleasant afternoon ladies and gentlemen. Let us welcome the graduating class of...." Kasabay ng pagtugtog ng musika ay ang pag martsa ng aming batch sa gitnang bahagi. Nakatanaw ako kay Papa na naluluhang pumapalakpak habang nakatingin sa akin. Katabi niya si Mama at sa kabila ay aking kapatid, katabi naman ni Mama ay si Paris. Nakangiti akong pinagmamasdan si Paris na tipid na ngumingiti rin habang ako'y palapit sa aking upuan. May mga flashes of camera sa aming harapan kaya hindi mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi dapat ako magmukhang binagsakan ng langit sa litrato. Isa itong espesyal na pangyayari sa buhay ko. Pagkatapos ng masigabong palakpakan, nagsimula na ang speech ng aming principal at ng founder. Panay sulyap ko kina Paris na nakikinig sa kanilang talumpati. Kumaway na

