Kabanata XIX

2047 Words

Agad kong pinatay ang water boiler nang tumunog. Sinalinan ko agad ang dalawang tasa na may lamang kape at nilapag sa tray. Dahan dahan kong dinala ito sa sala kung saan nakaupo si Bill habang may twalya ang kanyang likuran, si Paris naman ay nakasandal sa pader at hinihimas ang kaniyang galos sa labi. Parehong basa ang dalawa, pero mas marumi ang unipormeng suot ni Bill dahil sa paghandusay niya sa lupa kanina. "Uminom ka muna.." Ani ko kay Bill at nilapag sa harap niya. Kumuha ako ng isa at binigay kay Paris. Kumpara kay Paris, mas napuruhan ang mukha ni Bill. Namamaga ang ibabang bahagi ng kanyang dalawang mata at pasa sa bawat giliran ng kanyang labi. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan ni Paris kanina at sinigawan silang dalawa. Nang matauhan si Paris ay agad niyang hinigit si Bill

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD