Hinimihas ng girlfiend ni Bill ang kanyang labi na may kaunting galos dahil sa naganap na rambolan sa pagitan nina ni Klara kanina. Tamad na humahalukipkip ang aming Principal habang pabalik balik ang tingin sa aming apat. Si Klara nama'y nilalaro ang dulo ng kanyang buhok habang naka crossed-leeg ang upo, si Bill ay seryosong nakatingin kay Klara. "Alam niyo bang pwede kayong apat ma-suspend? Graduating pa naman kayo, what a shame.." Ani ng Principal at umiling. Kanina sa likurang bahagi ng paaralan, ibibigay lang sana ni Klara ang libro kay Bill. Inakala ng girlfriend ni Bill na girlfriend niya itong si Klara, pinatulan din ni Klara at doon nagsimula ang gulo. Agad akong dumalo sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ma'am, please. Nagmamakaawa ako, malapit na po ang examination,

