Ang Prinsesa

295 Words
Sanay na si Aria sa kanyang mga kaklase. Lagi naman kasi s'yang napapansin ng mga ito. Una na rito sa Shaun, ang guapong lalaki na lagi nakasunod sa kanya. Hindi sa ano pa man kung hindi upang asarin siya. Noong una mabait si Shaun sa kanya at maayos makitungo sa kanya subalit ng tahasan nya itong binasted ay naging magaspang bigla ang ugali nito. . Marahil ay hindi niya matanggap na binasted sya ni Aria. "Sorry, Shaun, pero hindi pa ako handa sa isang relasyon." mahinahong sabi ni Aria kay Shaun isang umaga habang kinukulit na naman sya nito tungkol sa kanyang panliligaw. " Are you kidding me?" gulat na saad ni Shaun. " Alam mo na ikaw pa lang ang unang babae na umayaw sa akin! " mariing sabi nito."Sorry" walang ibang nasabi si Aria habang tinitingnan ang mukha ni Shaun. Sa iba mo nalang ibaling ang iyong pansin. Marami naman ang nagkakagusto sa iyo dito sa campus" Walang nagawa si Shaun upang baguhin ang desisyon ni Aria. Kaya mula noon ay ipinakita na nya ang tunay niyang kulay. Sa iglap ay naging masama ang pakikitungo ni Shaun kay Aria. Natuwa naman talaga dahil nabawasan ang pangungulit nito sa kanya. " Tumabi kayo at dadaan ang prinsesa," may halong pang aasar na sabi ni Shaun at akmang yuyuko subalit dumiretso ito ng ikot para aalis. Naiwan si Aria na nakatingin lamang sa grupo nito habang papalayo. Napailing na lamang siya bago pumasok sa loob ng classroom at deretso na sa harapan ng klase. Siya si Aria Suarez. Maganda at mabait sa kabila ng pagiging kilala dahil sa angking talino at ganda. Kahit lumaki siya sa hirap ay makikitaan ng makinis na kutis at maputing balat na tiyak na magpapa lingon ang sinumang makakasalubong nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD