Ang Student Summit

251 Words
Tahimik na nakaupo si Aria sa harapang upuan. Mas gusto nya sa harap dahil mas nababawasan ang mga nang aasar sa kanya. Kung para kay Aria ay ligtas sa mga nang aasar sa kanya, hindi para kay Ryan. SI Ryan Mendez ay kaklase nya mula 1st year college sila. May pag tingin ang binata sa kanya subalit mas ginusto nyang manahimik upang maiwasan ang manunukso kay Aria. Para kay Ryan si Aria ay isang mamahaling hiyas kaya mataas ang pag tingin nya dito. Para sa kanya, magtatapat lamang siya kapag isa na siyang ganap na abogado. Ang alam ng marami kagaya ni Aria, nakapag aral si Ryan sa University of Southern Philippines dahil sa isang scholarship. Maliban sa pareho silang nangunguna sa klase at nasa parehong kurso na political science, kung titingnan ay wala na silang pagkakapareha. Di naman masasabing pangit si Ryan ngunit dahil sa tangkad nito at kapal ng salamin ay mapagkakamalan syang nerd o isang kakaiba sa mga karaniwang estudyante. Titig na titig si Ryan kay Aria ng biglang pumasok ang kanilang professor kasama ang Department Dean nila. Napatayo ang lahat upang batiin ng mga pumasok at magbigay galang na rin. Derektang salita ng kanilang Dean, " Gusto ko lang ipaalam na darating ang bagong may ari at mamamahala sa school na ito ngayong araw. Kailangan ko nang mag represent sa inyong klase at sa lahat ng mag aaral dito kasama ng School Board student Council para sa student summit at si Ms. Aria Nuez ang napili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD