Chapter Twenty-six

1171 Words
Her Masama na ba akong tao dahil hindi ko makuhang magpatawad? Hindi na ba papakinggan ng Diyos ang mga dalangin ko dahil napuno na ng sakit at galit ang puso ko? Nais ko lang naman na magpahinga, unahin ang sarili at mahalin muli ang pagkatao ko para kapag sakaling nabuo muli ako ay handa na ulit akong magmahal. Handa na ulit akong humarap sa panibagong sakit dahil 'yun ang kakambal ng salitang pagmamahal. Minsan naisip ko, na sana hindi na lang namin tinawid pa yung linyang namamagitan sa amin ni Raven. Baka sakaling kahit mag-bestfriends lang kami ay hindi siguro ganito kahusto kami magkasakitan. Magkaroon man kami ng ilang tampuhan ay agad din kaming magkakaayos lalo na kung may libreng kwek-kwek sa HEPA lane na malapit sa dati naming pinapasukang eskwelahan. Magaan lang ang lahat kasi alam namin na may limitasyon. Walang aasa, walang matatakot, at higit sa lahat walang magmamahal ng sobra. Mag-isa lang ako ngayon dahil may pinuntahan si Matthew kasama ang mga doktor na naka-assign sa kanyang kaso. Wala daw sa facility na ito ang equipment na gagamitin sa kanya para mabawasan naman ang nararamdaman nyang seizure. Nagseizure sya kagabi at dahil kalapit kwarto ko lang sya ay narinig ko ang ilang nabasag na gamit. Natakot ako para sa kaibigan ko kaya't kahit hilam pa parehas ang mukha namin ni Raven mula sa pag-iyak ay pinilit ko syang puntahan namin si Matthew. Pagkarating namin sa kwarto nya ay inaatake na sya. Mabuti na lang at kasama ko si Raven dahil nalapatan agad sya ng first aid. Nagpasalamat ako sa kanya ng mailipat si Matthew sa isang ICU. "I will not leave you but I'll be in afar. Where I can see you but I won't go near. I'll give you the space that you want...love. If that's what you n-need. I will give it to you even though it would kill me a thousand times. I'll bare it. " His voice was hoarse and defiance. I sob as I held Matt's hand while he's still unconscious. As soon as I heard the door close, I break down. I'm sorry too Raven, I'm sorry for being selfish. May kumatok sa kwarto ko kaya't nagtaka ako. Kakatapos lang ako dalhan ni Ate Marian nang gamot ko at wala naman akong inaasahang bisita dahil wala din naman si Matthew dito...sino kaya naman ang---si Raven! Hindi din pala nya ko matitiis! Nagmadali akong makarating ng pinto at sa pagbukas ko ay sya naman paglagapak sa lupa ng excitement ko sa katawan. "M-miss Lavander Torres?" boses ng isang babae ang sumalubong sa akin sa pinto pagbukas ko nito. Tumango na lang ako sa patanong nyang pagbanggit sa pangalan ko. "P-pinapatawag daw po kayo ng doktor nyo. Aalalayan ko na po k-kayo papunta sa kanya." Nauutal na ani nito. Bago sa pandinig ko ang kanyang boses. Siguro ay kakasimula pa lang nya. Nakakatuwa din na Pilipina sya. Ngumiti ako at sumama sa kapwa ko pinoy. Hinawakan nya ko sa aking braso at ramdam ko doon ang panglalamig ng palad nya. First day nya siguro. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator, ngunit pakiramdam ko ay may kanina pang nakasunod sa amin pero di ko marinig ang kanyang yabag. Masyado itong magaan ngunit ramdam ko ang presensya nya sa likod namin ng pumasok kami sa elevator. Tangkang tatanungin ko ang katabi kong babae nang bigla na lang akong makarinig nang mahinang putok kasabay ang pagtilamsik ng malagkit na bagay sa kanang pisngi ko. Pakiramdam ko'y pinutulan ako ng karapatang huminga. Nawala na ang kapit nya sa kamay ko at narinig ko na lang ang paghandusay nya sahig. Hindi man ako nakakakita ay alam ko na ang nangyari sa kanya. Umaalingasaw ang makalawang na amoy sa paligid kasabay ng pag-agos ng luha ko sa pisngi. Nais kong tumakbo o gumalaw man lang sa pwesto ko pero tila na-estatwa ako sa aking kinatatayuan. Diyos ko ito na na ang parusa ko sa pagiging makasarili ko? Tumunog ang elevator senyales na magbubukas muli ang pinto nito. Tinatagan ko ang aking sarili. Kailangan kong makahingi ng tulong. Tangkang sisigaw na ko ngunit biglang may pulupot na braso sa leeg ko at tinakluban ang bibig ko para pigilan ako sa balak kong pagsigaw. Kinagat ko ang palad nya at narinig kong dumaing sya nang sakit at agad nya akong binawian ng suntok sa sikmura. Labis na panghihina ang naramdaman ko at halos panawan na ko ng ulirat sa suntok nyang iyon. Hindi. Hindi na pwedeng maulit sa akin ang nangyari dati. Baka hindi ko na kayanin. Kahit na sino, please! tulungan nyo ko!! "RAVEN!!!!!" buong lakas kong isinigaw ang pangalan nya kahit hindi ko alam kung nasaan sya. Napaluhod ako sa sahig at alam kong gagantihan ulit ako nung lalaki sa ginawa kong pagkagat sa kanyang palad. Inalis ko sa bibig ko ang nalasahan kong dugo na alam kong galing sa kanya. "MAGBABAYAD KA!" Pumalinlang ang  galit nyang boses kaya't napayukyok na lang ako at sinubukang protektahan ang aking ulo sa paparating na sakit. Ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi iyon nangyari. Nakarinig ako ng ilang palitan ng suntok at muling pagdaing n'ung lalaking nagtangka sa aking buhay. Isang lagabag pa ang namayani sa katahimikan ng lugar at ang sumunod ay ang nagmamadaling yabag ng paa papunta sa pwesto ko. "P-pakiusap po.. H'wag nyo kong sasaktan.. H'wag po. Parang awa nyo na..H-h'wag po." naghihisterikal kong sabi. Diyos ko! Iligtas nyo po ako! "Hush.. Love... I-it's me. " kusang naglabasan muli ang mga luha ko ng makilala ko ang taong nakayakap sa akin. "Don't cry love. I'm here. I'll protect--ugh!" Bumigat ang katawan ni Raven na nakayakap sa akin. May nakapa akong parang syringe sa leeg nya. Oh my God "Raven! Gising Raven! Please gumising ka! " tinapik-tapik ko ang likod nya ngunit wala na talagang syang malay. Tila bumalik sa alaala ko ang nangyari sa aming aksidente apat taon na ang nakakaraan. Kung saan na nababalutan si Raven nang pulang likido at may mga ilang piraso nang basag na salamin sa mata nya.Nanginginig ang katawan ko at hinahabol ko na rin ang aking paghinga. Tila nalulunod ako sa pagbuhos ng masalimuot na nakaraan. Please.. H'wag ngayon. Kailangan nya ko. Kailangan ako ni Raven. Sa nanginginig kong mga kamay at tuhod ay buong lakas kong inangat si Raven mula sa pagkakayakap sa akin upang makahingi ng tulong. Sa hinuha ko ay nasa ground floor kami kung nasaan ang parking lot dahil sa ilang tunog ng tambutso na aking naririnig. "TULONG---" naputol ang sigaw ko ng may maramdaman akong tumusok sa may likod ko hanggang sa unti-unti akong mahilo. Namamanhid na din ang buong katawan ko at kahit pilitin kong manatiling gising ay malakas ang hila sa akin ng karimlan. "Sleep for now b*tch because as soon as you wake up. You'll experience hell on earth. AGAIN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD