Chapter Nine

1379 Words
Her Halos hindi ako makahinga ng maayos matapos kong takbuhin magmula canteen hanggang dito sa pinaka dulong bahagi ng school kung saan ako kinidnap at binugbog noon nina Macey at Chloe. You might think I'm stupid for bringing myself up here but I don't give a damn about it, ang importante lang sa akin ay ang makalayo mula sa kanila. Mula sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos nang luha sa aking mata at hindi ko na rin napigilan ang malalakas na hikbing kumakawala sa akin. Pinilit kong ayusin ang aking paghinga dahil ayokong mas ipahamak pa ang aking sarili, sigurado kasi akong mag-aalala sa akin sina Ashley at Maple kapag na nakabalik sila mula sa kanilang subject tour. "Bakit?!! Ano pa bang kulang?!! Paano mo nagawa sa akin 'to!!! Mga hayop!! AHHHH!!!!!" tila pinipilas ang lalamunan ko sa pagsigaw ko sa gitna ng aking mga hikbi dahil sa pag iyak. Sa sobrang sakit nito ay tila masisiraan ako ng bait kahit pilitin ko man isipin na maaayos din ang lahat. Please make it stop...please..ayoko nito... Maple calling... Inayos ko muna ang aking paghinga at pilit na itinago ang bawat hikbi ko bago ko sinagot ang tawag. Agad akong kinabahan nang marinig kong umiiyak si Maple sa kabilang linya. "S-Sailey... Please h-help us nasa hospital kami ni A-ashley.." Garalgal ang boses ni Maple at para akong tinakasan ng dugo ng marinig ko ang ganitong klase nang tono kay Maple. Maple is a strong woman than anyone else that I know, and knowing the fact that her tone wasn't in a good state, makes my knees wobble as I tumble on the cold floor. "Dios ko! Anong nagyari sa inyo?! Asan kayo at pupuntahan ko kayo agad!" Natataranta kong sabi. Oh,God! Wag naman po pati sila. Nang masabi sa akin ni Maple ang address ng hospital na kanilang pinaglalagakan ay agad akong tumakbo palabas ng abandunadong gusali. Ni hindi ko na ininda ang pagsakit nang dibdib ko dahil sa aking hika na ngayon pa talaga ako inaatake. Hindi pwede. Kailangan nila ako. Kailangan ko silang puntahan ano man ang mangyari! Si Ashley at Maple na lang ang natitira sa akin, please Papa God h'wag naman po pati sila. Paglabas ko nang building ay nakasalubong ko ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ko dito. Katulad ko ay humahangos din sya at pawisan na para bang galing ito sa mahabang takbuhan. "I'm glad I found you.. Let me explain love, please..." Para kusang namanhid ang katawan ko ng marinig ko ang kanyang boses. "Wala na tayong dapat pag usapan. Kaya kung maaari lang padaanin mo ko." Walang emosyon kong sabi sa kanya at halatang nagulat sya sa inasta ko. Kilala nya ko sa pagiging pasensyosa at maunawain na tao pero hindi na ngayon. Sapat ang mga nakita ko para mamulat sa katotohanan. Akmang lalagpasan ko sya pero nahagip nya ang palapulsuhan ko. Mariin nyang hinawakan iyon pero hindi sapat para ako'y masaktan. "No. We'll talk love whether you like it or not" he said in full authority. Huli na bago ko naproseso ang sinabi nya sa akin. Binuhat nya ako na parang sako saka ako sapilitang isinakay sa kanyang kotse. Madilim ang tingin nya sa akin dahil sa pagpupumiglas ko pero wala akong pakialam. Kailangan kong puntahan si Maple at Ashley!! "Ano ba sa salitang ayoko ang di mo maintindihan?! AYOKONG MAKAUSAP KA AT AYOKO NG MAKITA KA PA! TIGILAN MO NA KO!" Hindi ko na napigilan ang emosyon at galit sa puso ko. Idinaan ko iyon lahat sa sigaw habang pinipilit kong tanggalin ang kinabit nya sa akin na seatbelt. Natigilan sya saglit sa pagpihit nang susi sa kotse nya pero makalipas ang ilang mura ay pinaandar nya bigla ito. Mabilis ang pagpapatakbo nya hanggang sa makalabas kami ng school gate. Bakas din ang pagtitimpi nya nang galit dahil sa namumuti nyang kamao sa mahigpit nyang paghawak sa manibela. I glance on him and I saw how he gritted his teeth while his eyes are in deep dark shade of grey. Ganyan sya ka immature dahil kapag galit ako mas galit pa sya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito! "Bukas na lang tayo mag-usap Raven. May mas importante lang akong dapat gawin ngayon..." Mahinahon ko nang sabi para matapos na. Kailangan ako ng mga kaibigan ko for God sake! "A-about what you saw in the canteen earlier... I-its not what you think it is love. Just let me explain..please." he's voice was hoarse but I will not allow to let him hurt me again. Masyado pang masakit para pumilas pa sya nang panibagong sugat. Nanahimik lang ako sa kanyang turan. Ayokong pang isipin yun sa ngayon dahil ramdam ko pa rin ang hapding ginawa nito sa akin. Umangat ang tingin ko sa kanya at ganoon na lang gulat ko nang makitang sinsero syang nakatingin sa akin. Ang maabong kulay ng kanyang mga mata ay para bang may nais iparating sa akin na hindi nya kayang sabihin. Malalim ang pagkakatitig nya sa akin na halos ipagwala nang sistema ko kung kaya't naisipan ko na lang ilihis ang aking paningin...na sana ay mas maaga ko na lang ginawa. " Raven!!!" sigaw ko na lamang dahil huli na ang lahat. Pinilit ni Raven na iiwas ang sinasakyan namin mula sa papasalubong sa amin na truck ngunit dahil mabilis pa din ang kanyang pagpapatakbo ay nahirapan syang gawin iyon. Dahil doon ay nawalan kami ng preno at nabangga kami sa isang concrete barrier. Sa tulong ng seatbelt ay kahit papano nanatili kami sa aming pwesto sa kabila nang pag-ikot ng buong sasakyan sa ere. Nagpagulong gulong ang aming sinasakyan pababa ng bangin hanggang tumama ito sa isang malaking puno na syang bumasag sa salamin sa harapan ng kotse. Sinubukan kong kumilos ngunit halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Sinubukan ko din gumalaw at idilat ang aking kaliwang mata subalit may namumuong dugo ang umaagos dito. Sa halip na intindihin ang sarili ay mas inalala ko pa si Raven, doon ko nakita ang kalunos-lunos nyang kalagayan. "Raven..." ungol ko habang tinatawag nang paulit-ulit ang kanyang pangalan at pilit syang inaabot sa kabila nang namamanhid ko nang katawan. Pinilit kong idilat ang mata ko makita lang nang buo ang kalagayan nya at iyon na yata ang pinakamalaking kinatatatakutan ko sa buhay. Hindi ko napigilan ang mapaiyak muli nang makita kong may mga bubog sa mata nya na ngayo'y nakapikit at naliligo rin sya sa sarili nyang dugo na nagmumula sa kanyang ulo.  "Ra-Raven.. Gumising ka please... Gumising ka... na..p-please.. H'wag ka munang matulog.. h-hindi na ko magagalit. Pakikinggan na kita please  h-hwag naman ganito oh.." I sob even more when he didn't even flinch as I tried to wake him up. Patuloy pa rin ako sa pag iyak pero alam kong kailangan namin makaalis dito. Kaya naman kahit nanakit ang buong katawan ko ay pinilit ko pa ring abutin ang cellphone ko mula sa sahig nang dahan-dahan. Nang makuha ko ang cellphone ko ito ay laking pasasalamat ko sa Dyos dahil kahit may basag ay maaayos pa rin itong gumagana. I press the emergency button at sinabi ko sa operator ang aksidente at lokasyon namin. Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako nang isang nakakabinging sireno mula sa ambulansya at fire truck. Muli kong sinulyapan si Raven matapos kaming ilabas mula sa nayupi naming sasakyan at isinakay na kami sa isang  stretcher. Wala pa rin syang malay at kasalanan ko iyon lahat. Kung pinatawad ko lang sya kaagad ay hindi mangyayari sa amin ito. Kung hindi sana ako nagmatigas ay wala sana kami sa ganitong kalagayan. Kung pinakinggan ko sana sya ay hindi sya magagalit ng ganoon at patakbuhin ang sasakyan ng mabilis. Kasalanan ko itong lahat at ako lang ang dapat sisisihin sa nangyari sa amin. Muli akong napahagulhol habang pilit akong pinapatahan ng medical rescuer dahil makakasama daw sa akin ito. Naramdaman kong parang may itinurok sya sa akin hanggang sa unti-unti akong kumalma at mapunta sa mundo ng panaginip. Sana nga ay panaginip lang ang lahat o isang masamang bangungot na pwede mong takasan o baguhin, ngunit ang reyalidad ay hindi mo pwedeng takasan, o taguan dahil kusa ka nitong hahanapin at gigisingin ka na ang lahat nang bagay ay may kabayaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD