Chapter Twenty Three

1204 Words
Her Matapos kong maihatid si Kuya Levi hanggang sa labasan nitong ospital ay pakiramdam ko'y muli akong nakaramdam ng panibagong pangungulila. Namimiss ko na agad si Kuya kahit na kakaalis pa lang nya. I sigh. "Babalik din naman 'yon kaya h'wag ka ng malungkot dyan. Alam mo naman na bawal kang ma-stress." bilin sa akin Ate Marian habang inaalalayan nya ko pabalik sa kwarto ko. Somehow I felt relieve lalo na ngayong alam na nila ang nakaraan ko. Sinabi na din ni Ate Marian ang kwento ko kay Dr. Breckett at 'nung una ay parehas pa silang nagtampo sa akin. Humingi ako sa kanila ng tawad at agad naman nila akong pinatawad kung ipapangako ko daw na hindi na ko maglilihim pa sa kanila. Tumango naman agad ako at binigyan ko sila ng mahigpit na yakap. Nalagpasan ko na ang masalimuot kong nakaraan na iyon at wala na kong balak pa na magtanim ng galit dahil ako lang din ang mahihirapan. Iyon din ang turo sa akin nina Father Rocco at sister Ally habang unti-unti akong nagpapagaling mula sa trauma dulot ng insidente. "Inumin mo na itong gamot mo ng makapagpahinga ka na." Ipinatong nya ang ilang tabletas sa palad ko at basong inumin naman sa kabila. I gulped and emptied my glass of water before I could ask her what's bothering my mind these past few days. "Ate Marian. Itatanong ko lang sana k-kung nasaan na si Doc Raven. Hindi na kasi natuloy 'yung session namin tapos pinagkatiwala na daw nya ko sa ibang ophthalmologists. Ayoko sa iba a-ate. Gusto ko kay Doc Raven lang." buong tapang kong ani sa kabila nang panginginig ng labi ko. Bigla na lang kasi syang nawala. Lagi ko syang hinahanap sa mga nurse dito pero hindi nila ako sinasagot ng maayos at kung minsan ay tinatarayan pa ko. Kung hindi sya busy sa operating room ay palaging syang nasa conference ayon sa mga nurse nakausap ko. Ewan ko ba at pakiramdam ko, ay nagsisinungaling lang sila sa akin. Minsan kasi akong napadpad sa clinic nya at doon ay na-aamoy ko pa ang natural nyang bango. Ang kutob ko'y andoon sya sa loob pero dahil sa bulag ako ay hindi ko iyon makumpirma. Ang sabi naman ng Head nurse na sumita sa akin ay wala daw tao doon at pinagbawalan nya din akong pumasok ng walang paalam. Nakakapagtaka naman hindi naman madalas magkamali ang pang-amoy ko lalo na't ukol sa kanya. "Naku! Gabi na masyado. Kailangan mo ng matulog. Masama sa'yo ang nagpupuyat dahil baka pumalpak nanaman ang mga bagong medications mo." tanging 'yan ang sinagot sa akin ni Ate Marian saka nya ko inihiga sa kama at kinumutan. Sinusian nya rin ang isang musical box na iniregalo sa akin ni Kuya Levi. Its classical sound makes my system calm. Nawala ang mga agam-agam ko sa biglaang pagkawala ni Raven. Ate Marian kissed my forehead before she headed her way out. My eyes are closed but my mind was still wide awake. Nasaan ka na ba Raven? Ganoon ka ba talaga ka-busy kaya hindi mo na ko nabibisita kahit ilang minuto lang? O kahit isang 'hi' lang? I held my breath in and slowly letting it out. I silently pray to God and thank Him for this day. I also pray that my Kuya Levi will arrive safely in his hometown. And I pray for Raven's safety as I hope his not neglecting of taking care of himself because of his hectic schedule. "Amen." I muttered and doze to sleep. Kinabukasan ay gan'un pa rin naman ang routine ko. Pagkatapos kong mag-almusal ay dinadalhan na ko ng gamot ni Ate Marian, tapos mga bandang tanghali ay nasa klinika naman ako ni Dr. Breckett para sa daily sessions ko. Paulit-ulit ko ding tinatanong sa kanila kung nasaan si Raven pero lagi na lang nila akong nililikaw o iniiba agad nila ang usapan. Hindi nila sinasagot ang tanong ko at mukhang wala talaga silang balak na ako'y sagutin. Naiinis na ko sa totoo lang. Pakiramdam ko kasi ay pinagkakaisahan nila akong lahat para di ko sya matagpuan. Sumapit ang gabi at nagdesisyon akong tumakas sa kwarto ko. Tahimik na halos ang buong ospital dahil kalimitan sa mga pasyente ay nagpapahinga na. Sa paulit-ulit na pagpunta ko sa clinic ni Raven kahit ilang beses na kong kinagagalitan nung head nurse, ay nasaulo ko na ang daan papunta dito kahit walang nagtuturo o gumagabay sa akin. Tahip ang aking hininga ay sinubukan ko munang kumatok pero sa hinuha ko ay walang tao sa loob o baka nakatulog na si Raven sa kanyang mesa dahil sa sobrang pagod. Thinking of the latter I choose to open the door and luckily its not lock. His scent lingers the whole room and my guts say that he's been here, nahuli lang ako. "Sayang.. Sana pala'y mas inagahan ko pa ang pagtakas. Naabutan ko pa sana sya." asik ko sa sarili. Naglakad-lakad lang ako sa loob at nang madanggi ko ang isang couch kaya sinubukan ko munang maupo. I sigh. Nakakainis. Halata namang pinagtataguan nya ko pero heto ako--nagpapakatanga, kakahanap sa kanya kahit hindi ko naman talaga sya literal na makikita. Maayos naman kami noong isang araw ah. Nakitulog pa nga sya sa kwarto ko..pero bakit biglang ganito? Bakit bigla nya kong iniiwasan? May nagawa ba kong mali? Dahil ba sa banta ni Kuya kaya hindi na nya ko pinupuntahan? Ang dami kong katanungan sa utak at alam kong sya lang ang makakasagot ng mga ito. Tatanggapin ko kahit masakit man sa akin ang magiging sagot nya, h'wag lang 'yung ganito. Iniwan na lang nya ko sa ere. Walang kamuwang-muwang kung anong dahilan nya para gawin itong lahat sa akin. Nakarinig akong ng ilang paparating na yabag ng paa. Sa takot kong baka iyon ay ang head nurse ay sinubukan kong maghanap ng mapagtataguan. Naku baka pag nahuli nanaman nya ako lalo pa't sa ganitong dis oras ng gabi ay baka tuluyan na kong ma-banned sa section na ito! Nagmadali ako sa kilos ko at nakapa ko ang sa tingin ko'y isang malaking closet. Pinagkasya ko ang katawan ko sa loob. In my 20 years of existing, ngayon ko lang na-appreciate ang pagiging payat ko at maliit. Madali kong napagkasya ang sarili ko sa sulok nitong closet. Narinig kong bumukas ang pinto pero wala namang nagsalita. Tanging halinghing lang ng isang babae ang naririnig ko. "More... Hmmm. More..." halinghing ulit nito. I heard someone grunt and some slaps. Body slaps to be precise. I'm not that dumb to not know what I'm hearing. Although I'm not fond of that three letters I still know what they look like and the sound of them. But nevertheless, the sounds that they made never affect me.  Sanay na ko dahil ganoon dati si Raven bago pa maging kami. Noon The sound of their body being united as they gave in to pleasure didn't bother me at all but once the girl cried out his name, maybe because of too much arousal building upon her shatters my whole being... "Fas--ter Doc Raven! Ahhh!." She moaned in sheer joy... ....while here I am trying to contain my sobs as I cried silently to let out my pain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD