Chapter Twenty-four

1177 Words
Her Kinabukasan ay lutang ang isip ko habang nagpapahangin dito sa may terasa ng kwarto ko. I still can't forget their moans and groans as their body creates some slaps. The woman he was doing keeps on shouting his name. Over and over again. It makes me sick. It makes me want to vomit all the time. As soon as they ended their carnal doings and the room was down to quiet again. I help myself to get out from that hell hole. Masakit? Oo. Masakit na masakit. Dahil buong akala ko ay okay kami. Akala ko dahil sa pinakikita at sinasabi nyang pagseselos ay okay kami. Natuktukan ko tuloy ang sarili ko..nagtiwala kasi agad ako sa akala. Akala nga e, tapos doon pa talaga ako naniwala. Nakakatanga pala talaga ang sobrang pagmamahal. Nakakalimutan mo nang mahalin ang sarili mo dahil nais mong ibigay ang lahat. Gusto mong maging isang perpektong kabiyak kahit na alam naman nating kahit lumuhod tayo o umiyak. Iiwan at iiwan ka pa rin nya kung gugustuhin nya. Meron namang iba na uunti-untiin ka. Ipararamdam sa'yo na wala kang halaga hanggang sa ikaw na 'yung kusang bumitaw. Sana ganoon lang ang ginawa nya sa akin. Sana inutay-utay nya na lang muna ako kaysa ipinaramdam nya pa sa akin na magkasama kami sa itaas pero mag-isa lang pala akong bubulusok pababa. Sa bawat akala ay umasa ako. Umaasang baka sakaling kahit hindi na nya ko naalala ay makikilala ako ng puso nya. Pinangatawanan ko ang pagiging bulag dahil kahit alam kong wala syang alam sa nakaraan namin ay sinubukan ko pa ring ibalik lahat. Pikit mata ko syang tinanggap sa buhay ko kahit alam kong para lang ako naghahanap ng batong muling ipupukpok sa ulo ko. "Do Angels really cry even though they are God's chosen children?." Someone suddenly asks. Napaigtad ako mula sa kinauupuan ko dito sa may terasa. Malalim at medyo husky ang kanyang boses, para syang DJ sa ganda ng boses nya. Napakunot ako ng noo. Sa pagkakaalam ko pangalawa sa dulong bahagi ang kwarto ko. At ang ang kwartong katabi ko ay matagal ng bakante... Sya ba ang bagong umuukupa dito? "I---ahm...D-do I know you?" I tried to ask. Kinakabahan ako, hindi ko sya kilala at ako lang ang tao dito sa kwarto ko. If he's a bad man he can ..he can--- "He-hey relax little angel. Try to take a deep breath in and slowly breathe out. " Hindi ko alam kung kailan sya nakalapit sa akin nang ganoong kabilis dahil naramdaman ko na lang na hinahagod na nya ang likod ko. Sinunod ko ang kanyang payo and I felt my body relax. Panic attacks still linger in me because of my trauma and this is the first time na umatake ulit ito after kong malagpasan ang ilang tests. They say I'm almost fully healed, but I know that I'm not in the depth corners of myself. "P-paano ka nakapasok?" Nauutal kong sabi. I heard him slightly chuckle. "Hindi naman ako pumasok. Nilaktawan ko lang ang pagitan nitong terasa mo sa terasa ko" prente nyang sabi. At pilipino sya! "Ha?!!" Paano nya magagawa iyon kung nasa 56th floor kami at idagdag mo pa ang medyo may kataasang fence dito sa may terasa na pinaglalambitan daw ng mga halaman. "Ang OA mo naman Angel, marunong ako ng parkour kaya wala kang dapat ikabahala." Naguluhan naman ako sa sinagot nya. Ano ba 'yung parkour?. Matyagang pinaliwanag nya sa akin kung ano iyon at ng matapos sya ay hindi ko mapigilan ang hindi mapahanga. "Ang galing mo naman para kang si Spiderman!" napapalakpak kong sabi. Narinig ko ulit ang baritono nyang pagtawa. "Hahaha! Yes, you can call me that but my name is not spiderman. I'm Matthew Reiss. " pagpapakilala nya sa akin. "I'm Lavander Sailey Torres." Inilahad ko ang kamay ko at laking tuwa ko na may bago akong kakilala. **** *** **** "So you have this narcolepsy thingy since birth and your best friend s***h ex-boyfriend helps you every time you've fallen asleep. Am I right?." He said after he sips on his drink. Maingay syang kumain dahil lumaki sya sa Korea at sa bansang iyon kapag maingay kang kumain ay ibig sabihin daw n'un ay nasasarapan ka sa kinakain o iniinom mo. Tumango lang ako sa kanya dahil abala pa ko sa pagkain ng pasalubong nya sa aking jollibee. I don't how he got it or how he escaped here since he's also a patient 'cause when I ask him, he only said. It's a secret. Magaan din syang kasama at naikuwento ko na sa kanya halos kalahati ng buhay ko. Nagkukuwento din naman sya sa akin ukol sa buhay nya but there are some holes. May mga bagay daw syang gustong kalimutan at 'iyon ang mga bagay na sa ngayon ay hindi nya pa masabi sa akin. Natapos kaming kumain at pakiramdam ko'y puputok na ang tyan ko sa kabusugan. Naisipan nyang mamasyal sa rooftop at sumang-ayon naman ako. Sa loob ng elevator ay kami lang dalawa ang nandoon. Masyadong tahimik kaya't binasag ko iyon. "Kamusta nga pala ang check up mo? May progress ba sila sa sakit mo?." I asked. "Yes. And thanks to modern technology I am quite surviving 'til now. " he cooly stated. S+patient din itong si Matthew. He has this rare disease called Methemoglobinemia. Known as a blue skin disorder. He has an abnormal amount of methemoglobin, which is a type of hemoglobin that carries iron in a person's body. Dati ay fatal ito dahil genetic disease sya at wala pang cure. But as he said our modern technology as of now has been a good help from him. Slowly nagiging normal na ang bilang ng methemoglobin nya pero ang kulay ng balat nya ay asul pa din. Ang sabi nya sa akin ay hindi daw sakit nya ang papatay sa kanya kundi ang mapanghusgang mata ng mga tao. Kung paano daw sya titigan ng iba sa tuwing sya'y lalabas o makikisalamuha sa iba ay para daw syang 'alien' sa paningin ng mga ito. "Ano ka ba? Gagaling ka pa din. Tiwala lang. Palagi pa naman kitang pinagdadasal kay Papa God." I said to him pero sa halip na magpasalmat ay ginulo nya ang buhok ko. "Ano ba naman yan Matt! Hindi na nga ako makapagsuklay ng ayos tapos ginulo mo pa. Tsk." Asik ko. Tinawanan nya lang ako pero maya-maya'y nakikiayos na din sya sa buhok ko. Tinatanggal nya ang ilang buhol sa dulo habang nagrereklamo sa akin na masyado na daw mahaba ang buhok ko at kailangan ko na daw magpakalbo. "Hahaha nakakatawa Matt! Mauna ka tutal ikaw ang nakaisip!" Nagtawanan lang kami parehas at patuloy pa rin sa pag-aasaran ng biglang huminto ang elevator at may sumakay na isang taong hindi ko akalain na magpaparamdam pa. "Can we talk Sailey?." He asked after a few moments of dead silence between the three of us. Huh? Talk? Matapos mo kong taguan ng ilang araw. Gusto nya pang mag-usap kami. Hah! Manigas ka dyan! Talk to my attorney palad, Raven. Tse!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD