KABANATA PITO

2399 Words
Third Person's POV “Mama, paglaki ko po, gusto ko maging Chef!” Masiglang wika ng pitong taong gulang na si Keith. Unan-unan nito ang binti ng kanyang Mama habang nakahiga sa kalambutan ng mga berdeng damo. Bago pa sumagot ang kanyang Mama, narinig na niyang tumawa ang kanyang Kuya na nasa kabilang binti ng kanyang Mama nakaunan. “Paano ka magiging Chef, eh hindi mo nga abot yung Kalan natin sa bahay. HAHAHAHAH.” Malakas na pang-aasar nito sa kanya. Labing apat na taong gulang pa lamang ito. Nakaramdam si Keith ng pagkahiya at pagkainis sa kanyang Kuya, kahit na totoo naman ang sinabi nito. “Paglaki ko nga, eh! Mama si Kuya, oh!” Paghingi niya ng saklolo sa kanyang mama na siya namang tawa nang tawa sa kanilang dalawa. “Ikaw talaga Sebastian. Edi bubuhatin nalang natin si Bunso, o kaya bibili tayo ng hagdan.” Dagdag na pang-aasar naman ng kanyang Mama, sabay apir sa Kuya niya. Hindi niya mapigilang sumimangot at tumayo habang nakakuyom ang kamao. “Papa! Sina Mama, oh!” Pagtawag naman niya sa kanyang Papa na namimingwit ng mga isda, kalahating metro lamang mula sa kanila. Nang mapansin niyang hindi siya narinig nito, at tuloy naman ang pagtawa sa kanya ng dalawa, napasinghal siya at kaagad na kinuha ang malambot niyang unan. Kaagad siyang tumakbo papunta sa kanyang Kuya. Buong lakas niyang pinukol ang ulo nito gamit ang mahiwaga niyang unan. Mas lalo lamang siyang nairita nang marinig niya itong patuloy na tumatawa. “Papa! Si Kuya, oh! Mukhang unggoy naman!” Inis na pang-aasar niya, ngunit mas lalo lamang siya nitong tinawanan. Hinayaan na lamang sila ng kanilang Mama, at napagpasyahang puntahan ang kanyang asawa. Napailing ito sa pag-aasaran ng dalawa niyang supling bago tinungo ang Papa ng mga ito. Marahan niyang ipinasada ang dalawa niyang malalambot na kamay, at ipinalibot ang mga braso niya mula sa likod nito. Kaagad naman niyang nalanghap ang mabangong amoy ng asawa. “Lumalaki na ang mga anak natin, Mahal. Tignan mo si bunso, asar na asar sa Kuya niyang manang-mana sa'yo.” Napailing naman ang ito, at mahinang tumawa. “Malay ko bang sa'yo magmamana si Bunso. Para na tuloy tayong may prinsesa sa bahay.” Anito habang may ngiti sa mga labi. “Alagaan mo ang mga anak ko, Joseph, ah.” Nagbabantang ani niya. Inabot ng isang minuto bago tumango ang asawa nito. “Pangako, Mahal.” Matipid, ngunit puno ng sinseridad nitong usal. Halos pilitin niyang mapanatili ang ngiti sa mukha dahil alam niyang iyon na lamang ang magagawa niya. “Tulungan na kita diyan.” Pagdidismisa nito bago sinimulang silaban ang pag-iihawan nila ng mga tilapyang nahuli ng asawa. Sa kabilang banda, abala naman si Keith sa paghabol nito sa kanyang Kuya. Kitang-kita ang malaking kaibahan nila. Parehong masigla, ngunit mas malaki ang kanyang Kuya. Nagmana nga ito sa kanyang papa. Tila nagning-ning ang mga mata ni Keith nang makitang dumulas ang bolang pinapatalbog ng kanyang Kuya, at agad niya itong hinabol. Napupuno ng kanilang tawa ang tahimik na paligid na ito. “Sakin na 'tong bola mo! HAHAHAHHA.” Malakas na pagtawa ni Keith nang mahawakan ang bolang pambasketball nito. Kaagad niya itong niyakap para hindi na makawala pa. Nakita naman niyang ngumisi ang Kuya niya. “Edi sa'yo na. May tae pa naman 'yan! HAHAHAHAHAHA. Amoy tae ka na!” Tawang-tawang pangaasar nito. Bigla na lamang siyang nandiri, kasabay ng pagsimangot niya. Agad niya itong binato papunta sa kanyang Kuya. “Kuya!” Asar nitong usal, at kaagad na hinabol ito. Patuloy lamang siya nitong tinakbuhan at tinawanan, habang pulang-pula na ang mukha niya dahil sa pagkaasar. -.- Naroon sa kama nakaratay ang bugbog na katawan ni Keith. Bakas ang mga maduduming markang sariwa pa sa leeg niya, pababa sa markadong balat niya sa dibdib. Ni walang segundong naging pantay ang paghinga niya dahil sa maya-mayang bangungot na dumadalaw sa kanya. Kung hindi dahil sa kahel na unipormeng nagtatago sa kanyang katawan, makikita dito ang mga bakas ng maduduming kamay ng lalaking umabuso sa kanya. At sa gitna ng kanyang sikmura, kitang-kita doon ang malaking pasa na nagmula sa pagsuntok nito. Bumababa na ang temperatura ng paligid dahil malapit nang lumubog ang araw. At maya-maya pa bumalik na ang malay niya. Ngunit bago niya pa imulat ang kanyang mga mata, agad na napuno iyon ng mga luha. Halos hindi na niya magawang igalaw ang kanyang ulo dahil sa pagkahilo. Ramdam niya ang matinding sakit na dumadaloy sa kaloob-looban niya. Paulit-ulit namang umandar sa kanyang isipan ang pangyayari na naging bangungot na niya. Para bang nararamdaman pa rin niya ang mga maduduming labi ng lalaki sa kanyang balat. Hindi maipaliwanag ni Keith ang nararamdamang sakit sa dibdib dahil halos hindi niya maihalintulad ito sa nararamdaman ng pisikal niyang katawan. Mas masakit na parang binubutas ang pagkatao niya. Isama mo pa ang pandidiri niya sa kanyang sarili. At sa pagmulat ng kanyang mga mata, alam niyang marami na ngang nawala sa kanya. Gayon pa man, pinilit niyang pigilan ang namumuong pangungulila sa kaloob-looban niya. Alam niyang siya rin ang dahilan kung bakit siya naririto. Wala na siyang ibang masisisi pa. Sinubukan niyang tumayo, ngunit napahinto siya nang makitang nasa itaas siyang kama. Napadaing na lamang siya sa isip nang mapagtantong nasa kama na naman siya ni Kane. Napabuntong hininga na lamang siya bago sinubukang umupo. Nang lingunin niya ang baba, doon niya nakitang nakaupo si Kane sa kama, kasama ang magnobyo. Sa hindi malamang dahilan, para bang si Kane lamang ang napansin niya roon. Nakasandal ito sa pader habang nakatiklop ang mga maskulado nitong braso. Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang makitang balot ng benda ang kanang kamao nito. Doon na lamang rin niya napansin si Shane, humahagulgol habang nakaburo ang mukha sa dibdib ng kanyang nobyo. Yakap-yakap at pinapatahan ito. Napayuko na lamang siya sa hiya. Naalala niyang sinabihan siya nito na huwag hihiwalay sa kanila, ngunit ginawa pa din niya ito. At ngayon, para bang nakatuon na sa kanya ang lahat ng sisi. Ngunit sa pagkakataon naman ngayon, hindi na si Shane ang nakita niyang may sugat sa kamao, kundi ang kanang kamao ni Kane. “Tumahan ka na nga diyan. Hindi naman ikaw ang nasaktan.” Narinig niyang usal ni Kane, gamit-gamit na naman ang iritadong boses nito. Ang akala niya siya ang tinutukoy nito, kaya naman napatingin muli siya dito. “'Y-yong gago mo kasing kapatid. A-ako na nga lang sana ang m-magpupunta doon.” Nanginginig na ani ni Shane, habang unti-unting humuhupa ang pag-iyak nito. “Tsk. Edi ikaw naman ang napagbuntongan ng galit ng mokong na 'yon.” Pag-angal ni Jake. Sa kabila ng mga nararamdamang pananakit ng katawan ni Keith, tila nagawa pa ring ngumiti nang matipid ang kanyang mga labi sa pag-aaway ng magnobyo. Hindi niya maiwasang maalala ang mga yumaong magulang. Para itong mga bata kapag nag-aaway, ngunit punong-puno pa rin ng pagmamahal ang mga tingin nila sa isat isa. At sa pag-alaala niyang 'yon, hindi niya mapigilang lumuha. Para bang bigla na lang kinurot ang puso niya. Napaka liit, ngunit nangingibabaw ang sakit. Para bang hinuhukay ang dibdib niya. Mapait siyang napangiti, at pilit ibinaling ang mga mata papunta sa bintana. Lumubog na nga ang araw. Maya-maya pa ay napagpasiyahan niyang bumaba na, dahil baka magalit na naman ang may ari ng kama, kung saan siya namalagi. Nang subukan niyang umupong muli, nakaramdam siya ng pananakit ng katawan, lalo na sa kanyang sikmura, kung saan siya napuruhan. Hindi na niya namalayang umungot na siya sa sakit na nararamdaman. “Keith?” Napatigil siya nang makitang nakatingin sa kanya ang tatlo. Kaagad na lumapit sa kanya si Shane. “Keith, may kailangan ka ba? 'Wag ka na munang bumaba.” Hindi niya maiwasang makita ang mga luhang nangingilid sa mata nito. Akmang tatango na siya nang bigla na lamang siyang napa sigaw sa sakit. Naalarma ang tatlo dahil rito, kaya naman kaagad niyang tinakpan ang bibig gamit ang kanang palad niya. Halos bumuhos muli ang mga luha niya, habang namilipit siya sa sakit. Sumabay pa ang pag-ubo't pagsikip ng lalamunan niya. “Keith! A-anong nangyayari?!” Natatarantang tanong ni Shane. Kaagad itong tumayo, at dali-daling kinunsulta ang binata. Ganon na lamang ang gulat sa mga mata ni Shane, nang makita niya ang tinta ng mga dugo na nagmumula sa bibig ni Keith. “K-kane! Jake, si K-keith!” Pagsaklolo niya sa dalawa, at tumayo naman ang mga ito. “Dahil 'yan sa suntok na natamo niya sa sikmura. 'Wag mo nang subukang umiyak pa, at kumuha ka na roon ng gamot.” Pagpapaliwanag ni Kane, at kaagad naman siyang sinunod nito. Pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata, dahil sa di malamang dahilan, para bang may nag-uudyok sa kanya na patayin ang presong gumawa noon sa binata. -_- Kasalukuyan siyang naliligo sa loob ng cubicle, nang biglang huminto ang paglaslas ng tubig mula sa paliguan. Napadaing na lamang siya sa irita, at muling kinuha ang tuwalya niya. Kaagad niyang iyong ipinalibot sa kanyang baiwang, at lumabas sa cubicle na iyon. Napagpasiyahan na lamang niyang lumipat sa kabilang cubicle. Ngunit sa paglalakad niya, napansin niyang may isang presong nagbabantay sa tapat ng cubicle, kung saan si Keith naliligo. Nagsalubong ang kanyang mga kilay, at kaagad iyong tinungo. Bigla na lamang siyang kinutuban ng masama. Nang mapansin niyang naalarma ang isang presong nagbabantay roon, nasundan ang kutob niya ng kaba. Tila tinakasan siya ng sariling kaluluwa nang marinig ang mahinang pag-iyak na naging pamilyar na sa mga tainga niya. Halos limang beses na niya iyong narinig. Nangingibabaw man ang tunog ng paglaslas ng mga tubig, tila mas nangibabaw pa rin ang pag-iyak na iyon sa kanyang pandinig. “Umalis ka nang putangina ka kung gusto mo pang makalakad mamaya.” Kahit sinong makarinig sa makamandag niyang boses, ay panlalambotan talaga sila ng tuhod. Mas mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo ang lalaki, ni hindi nito nagawang salubungin ang mga maiitim niyang mata. Hindi na siya nag-aksaya pa ng segundo, at wala pag-aatubiling tinadyakan niya ang pintuan ng cubicle na 'yon. Agad iyong nasira dahil sa lakas ng pagkakasipa niya. Doon lumantad ang presong gulat sa biglaan niyang pagsugod. Tila nawalan ito ng buhay at dugo dahil sa biglaang pagkaputla ng kanyang mukha. Kitang-kita ang tirik pa nitong p*********i, na siya na mang ikinapintig ng panga niya. Doon naman sa lapag nakasalampak ang walang malay na katawan ng binata, bakas at sariwa ang mga maduduming marka sa maputlang balat nito. Tila nakaramdam siya ng panginginig ng katawan dahil sa galit, at nang akmang tatakas pa ang lalaki, hindi na niya nakayanan pang magpigil. Kaagad niya itong inambahan ng suntok gamit ang kanyang kanang kamao. Napahiyaw ito sa sakit nang direktang tumama ang kamao niya sa ilong. Hindi na niya pa namalayan ang sunod niyang nagawa. Ang tanging alam na lamang niya, ay hindi niya ito tatantanan hanggat may natitira itong espasyo sa mukha. Habang sakal-sakal niya ito gamit ang kaliwang kamay, pinaulanan niya ng mga mabibigat na suntok ang mukha nito. Kahit na umaagos na at kitang-kita na ang mga dugong umaagos sa sahig ng paliguan, hindi niya ito tinigilan. Tila wala na siya sa sariling wisyo, at para bang napaka laking kasihayan ang natatanggap niya kada piglas nito. Hanggat sa aksidente niyang nasulyapan ang walang malay na katawan ni Keith. Nakahandusay sa sahig ng paliguan. Doon na lamang siya napatigil sa ginagawa. Huli na rin dahil wala na ring malay ang presong kamuntik nang gahasain ang binata. Kaagad siyang tumayo at dinuraan ang mukha nitong halos hindi na maipaliwanag dahil sa mga natamo. Baka nga napatay niya na ito. Patay o hindi, alam niyang ginawa niya ang tama. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras, at kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng cubicle, at marahang itinayo ang bugbog na katawan ni Keith. Halos mabasag ang mga ngipin niya dahil sa gigil na nararamdaman, lalo na nang makita niya ang isang malaking pasa sa gitna ng sikmura nito. Para bang hindi pa nga sapat ang ginawa niya sa lalaki dahil sa galit na nararamdaman. “Bakit ka ba kasi pumayag na dito maligo?” Hindi niya naiwasang maitanong kahit alam niyang hindi ito sasagot. Nagpasalamat siya dahil hindi ito lantarang nakahubad dahil sa boxers nito. Maingat niyang binalot ang katawan nito, at nagpasalamat sa isip dahil malaki masyado ang tuwalyang ipinahiram niya. Sapat ito para takpan ang katawan niya. Nang naibalot na niya iyon ng maayos, hindi na siya nag-atubili pang buhatin ito. Hindi na niya pa binalingan ng tingin ang nakahandusay na katawan ng preso, at bumalik na sa cubicle nila. Yakap-yakap niya ito kaya hindi niya maiwasang malanghap ang buhok nito. Amoy bata. Walang emosyon siyang naglakad, kahit pa napansin na niyang marami na ang nakatingin direksyon niya. Wala siyang pakialam. Kung gusto nilang matulad sa presong binugbog niya, libre lang naman ang pila. Nang makapunta siya roon, eksaktong lumabas naman ang magnobyo. Kita ang gulat at pag-aalala sa mga mata ni Shane, na kaagad namang siyang sinalubong. Ipinaliwanag niya ang buong pangyayari. -_- Dahil sa irita, napagpasiyahan na lamang ni Kane na subukang patigilin ang pag-iyak ng binata. Hindi na siya nag-atubili pang hawakan ang pupulsuhan nito. Patuloy lamang itong namilipit sa sakit na nararamdaman, habang kagat-kagat ang pang-ibaba niyang labi. Napasinghal si Kane dahil nauubos na rin ang pasensya niya. Kaya naman pwersahan niya itong hinila, papunta sa bisig niya. Desperado, at iritado na siya sa mga naririnig na pag-iyak nito, kaya naman iyon na lamang ang naisip niyang gawin. Tila napaka perkektong lumapat ang maliit na katawan nito sa bisig niya. Kaagad niya itong niyakap, gamit-gamit ang kanang kamay niya para mapanatili ito sa pwesto, habang ang kaliwa naman niyang kamay, ay marahang hinahaplos ang buhok nito. Para bang kabisado na nito ang ritmo ng katawan niya, kaagad itong humanap ng kaligtasan mula sa kanya. Kagaya ng ginagawa niya kapag binubuhat siya ng yumaong Papa, pilit na ibinuro niya ang kanyang mukha sa gilid ng leeg nito, habang ang mahigpit na nakayakap ang kanyang dalawang braso. Hindi na niya inisip pa kung maiirita ito sa ginagawa niya. Wala na rin siya sa sarili, dahil ang tanging nasa isip lamang niya, ay ang pahupain ang sakit na dumadaloy sa katawan niya. “Bilisan mong tumahan. Gagamutin ko pa yang sugat mo.” Mahinang ani ni Kane sa kanya, habang marahang tinatapik ang likod nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD