Third Person's POV
Dala ng nararamdamang init, kasama ng bigat ng di kilalang bagay sa tagiliran niya, idinilat ni Keith ang kanyang mga pagod na mata at kinusot iyon upang luminaw. Ngunit nang luminaw na ang kanyang paningin, tila mas domoble ang init niya sa katawan at dumaloy ito papunta sa kanyang mga pisngi.
Sinalubong siya ng matigas na dibdib ni Kane, at kitang-kita ang pagkakagusot sa baro nito, halatang roon siya namalagi habang tulog. Ngunit hindi niya maalala kung kailan at paano napunta ang lalaki sa kanyang higaan. Hindi niya maiwasang malanghap ang brusko nitong amoy.
Alam niyang mag-uumaga na dahil tumataas na ang temperatura, kaya naman agad niyang sinubukan iangat ang brasong nakapulupot sa baiwang niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maskuladong braso ni Kane. Halos pinigilan niya ang paghinga dahil sa kaba.
Halatang nahihirapan siya dahil sa bigat ng braso nito, kaya naman tumigil muna siya sa pag-angat. Sa hindi malamang dahilan, sinubukan niyang tingalain ang lalaki. Mahimbing itong natutulog, pantay ang paghinga, at napaka payapa ng mukha. Tila parang nawala ang iritado nitong mukha, na lagi niyang ipinapakita kay Keith.
Napansin niyang para sa isang preso, napaka gwapo at napaka linis tignan ng mukha ni Kane. Sa buong buhay niya, inilalarawan lamang niya ang salitang gwapo sa kanyang yumaong Papa at Kuya. Ngunit hindi niya maitangging gwapo nga ang natutulog nitong mukha.
Halos maging estatwa ang kanyang buong katawan, kasama ng kanyang paghinga nang makita niyang minulat nito ang mga mata. Tila ang tangi niyang naririnig ay ang napaka bilis na pagtibok ng puso niya. Ikinurap nito ang kanyang mga mata, hanggang sa bumalik ito sa pagiging iritado, at ibinato sa kanya.
"Baba na." Tila mas nakakatakot pa ang malalim na boses na lumabas mula sa labi ni Kane, kesa sa napaka lakas na kulog sa kanyang panaginip.
"K-kama ko t-to-" Halos hindi niya matapos ang pagsasalita nang mapalitan ito ng mahinang pagsinok.
"Sinasabi mo bang ginapang kita?" Biglaang tanong ni Kane, na siya namang ikinagulat ni Keith. Ngunit pagsinok lamang ang naibigay nitong sagot.
Umiling siya at pilit tinakpan ang kanyang bibig upang mapigilan ang pagsinok, ngunit parang mas lalong lumakas ito. Kaya naman agad niyang inilibot ang kanyang mga mata, at doon niya nakitang nasa itaas siya, at nasa ibaba ang kama niya.
Agad siyang binalot ng hiya, kaya naman tiningala at tinignan si Kane. "S-sorry." Iyon na lamang ang kaya niyang bigkasin dahil sa abnormal nitong pagsinok.
Tinignan lamang siya nito ng may Iritadong ekspresyon, bago ito nagsalita. "Baba na. Hindi mo kami pinatulog kagabi. Iyak ka nang iyak, kaya binuhat na lang kita. Para kang bata." Pagpapaliwanag nito.
Mas lalo lamang siyang nahiya sa narinig. Agad siyang umupo, at bumaba na rin pabalik sa kanyang kama. Sinisinok pa rin siya nang makabalik siya sa sariling kama, at doon niya nakita ang magnobyong gising na. Naramdaman niyang nag init ang kanyang mga pisngi nang makitang nakatingin ang dalawa sa kanya.
"Good morning, Keith. Gusto mo ng tubig?" Pagbati ni Shane habang may pilyong ngiti sa mukha.
Tumango na lamang si Keith dahil gusto na rin niya tumigil ang pagsinok. Agad namang tumayo si Shane, at kumuha ng isang bote ng tubig.
"Mukhang napasarap ang tulog mo, Keith, ah?" Pilyong tanong ni Jake, kaya naman hindi na nito magawa pang lumingon sa kanya.
Sapat nang malaman niyang binuhat siya ng isang iritadong barako para lamang makatulog ito, upang kainin siya ng kahihiyan. Naramdaman niyang biglang gumalaw ang kama sa itaas bago niya ito nakitang bumaba. Hindi pa siya nakakapagpasalamat, pero parang hindi naman na kailangan pa.
"Tubig, Keith." Ani ni Shane sabay abot kay Keith at naupo sa tabi ng nobyo.
Hindi naman makapag pokus si Keith sa pag inom dahil na naman sa mga Iritadong mata ni Kane. Iniyuko na lamang niya ang ulo, at piniga ang boteng plastik ng tubig upang mainom iyon.
"Usog." Halos maibuga niya ang tubig na iniinom nang marinig ang malalim na boses nito. Pati boses ay parang iritado.
Gayon pa man, ay umusog siya sa gilid, at hinayaang maupo si Kane sa tabi. Ilang pulgada lamang ang pumapagitan sa kanila kaya naman parang damang-dama pa rin ni Keith ang init ng katawan nito.
"Mamaya, tuloy ang plano. Naitabi mo ba yung mga guwantes?" Mahinang tanong ni Kane kay Shane. Napa kunot noo na lamang si Keith at tahimik na ininom ang kanyang tubig.
Tumango naman si Shane dito. "Apat na uniporme na lang ang kakailanganin natin." Ani naman ni Shane.
Doon naman nagsalubong ang mga kilay ni Kane. "Apat? 'Wag mong sabihing kargo pa natin to?" Tanong ni Kane, sabay tapon ng tingin sa gilid niya.
Napalingon na lamang si Shane sa nobyo na nakayakap sa baiwang niya. "Kane, ang bata-bata pa lang-"
"Ano ka naman?" Mabilis na pagputol ni Kane. "Hindi pa nga natin alam ang kaso nito, tapos ganyan ka na agad ka-anghel?" Dagdag tanong niya pa.
Wala namang ideya si Keith sa pinaguusapan ng dalawa, ngunit ramdam niya ang nambubutas na tingin sa kanya ni Kane. Para bang nakaramdam siya ng pagkasuklam galing dito.
"Kane, baka naman pwede nating alamin, diba? At ano namang pwedeng gawin ng maliit niyang pangangatawan? Tignan mo nga, halos hindi makatingin sa'yo." Halatang nagsisimula na ring maubusan ng pasensya si Shane.
Doon na lamang napagtanto ni Keith na siya nga ang tinutukoy at pinaguusapan ng dalawa. Sinubukan niyang lingunin si Shane, at nakita niya itong nakatingin sa kanya. Para bang awang-awa ito. Yumuko na lamang siya muli, at pilit na tiniis ang iritadong pagtingin sa kanya ni Kane.
Maya-maya pa ay narinig nilang suminghal si Kane, sabay tumayo ito. "Kapag tayo pumalpak, mabubulok tayo habang buhay dito." Mabigat na pagbabanta niya, at tinungo ang isang bag nasa gilid ng kanilang kama.
Nabalot naman kaagad ang silid ng katahimikan, habang nanatiling nakayuko si Keith. Hindi niya alam kung saan o ano pa ang titignan. Totoo namang mabubulok na sila sa loob ng kulungan dahil sa mga nagawa nila. Iyon ang isang bagay na tinatanggap na niyang paunti-unti.
Bukod sa napatay niya ang kanyang nakatatandang kapatid, lulong na rin ang katawan at dugo niya sa droga. Hindi na siya isang simpleng mag aaral, kundi isang presong nakatadhana nang mabulok sa loob ng selda.
Naputol kanyang panlulumo nang maramdamang kamay sa tuhod niya. Napalingon ito, at nakitang si Shane iyon.
"May oras ng pagligo mamaya, Keith. Wag kang hihiwalay sa amin, ah?" Masiglang ani ni Shane, habang nakangiti. Hindi mo talaga aakalaing preso ito dahil sa angking sigla at ngiti.
Tumango si Keith at sinuklian ang ngiti nito. Nang maalala niya ang nangyari kagabi, napakagat ng pang ibabang labi siya, at sinubukang lingunin si Shane.
"Shane, s-sorry pala kagabi. Hindi ko alam na b-binabangungot ako." Mahinang paghingi niya ng tawad, na halos hindi mo na ito marinig. Iniyuko niya kaagad ang ulo niya nang makaramdam ng kahihiyan.
"Wala lang 'yon. Alam kong napaka dami mong pinagdaan bago mapunta dito, kaya naiintindihan kita, Keith." Pagpapaliwanag ni Shane habang marahang tinatapik ang tunod nito.
Hindi na niya pa napigilang maluha, ngunit agad niya itong pinunasan. Pilit niyang kinagat ang pang ibabang labi upang hindi ito makagawa ng kahit anong tunog dahil baka marinig pa siya ni Kane at mairita na naman ito.
Ginugol nila ang oras sa pagpapahinga, hanggang sa may dumating na isang matangkad at di kilalang pulis. Medyo bata ang itsura nito at medyo may kaputian. Masasabing gwapo ito ng kahit na sino. Gamit-gamit ang kanyang batuta, mahina niyang pinukpok ang rehas upang makuha ang atensyon ng mga ito.
"Oras na ng pagligo, mga preso. Pumila na kayo." Walang buhay na ani nito. Ang mga inip nitong mata ay parang wala ding kabuhay-buhay.
Tumango na lamang sila, saka binitbit ang kanya-kanyang tuwalya. Akmang lalabas na sila nang pigilan sila ng pulis, halatang iritado at inip ito. "Nasaan ang tuwalya mo?" Asar na tanong nito kay Keith nang makitang wala itong dala.
Napayuko na lamang si Keith sa hiya. "W-wala po a-akong nadala." Halos hindi na marinig ang boses nito.
Narinig niya ang padaing ni Kane bago ito magsalita. "Ako na bahala. May isa pa naman akong tuwalya doon." Pagdidismisa ni Kane, at agad na pumunta sa itim na maleta niya.
Sapat na ang mga iritadong mata nito upang mapatiklop si Keith sa hiya, at mas nahiya pa ito sa suhestyon niya. Tila parang hindi na niya kakayanin pang lingunin ang mga mata nito.
"Oh." Akmang ibabato na niya ito kay Keith, ngunit natigilan siya nang makita ang kalagayan ng binata. Napabuntong hininga na lamang siya, at inabot sa kanya ito nang maayos.
Hindi na man inakala ni Keith na ganon kakapal at kabigat ang itim na tuwalya na iyon, at halos hindi na niya mabalanse ang katawan niya. Bigla na lamang niya naalala ang kanyang yumaong Papa. "S-salamat." Aniya habang inaayos ang pagkakasukbit ng tuwalya sa balikat niya.
Akmang lalabas na muli sila nang pigilan muli sila ng pulis. Halos sumigaw na ito sa galit. "Ano bang ginagawa niyo? Maliligo ba kayo nang nakadamit? Maghubad kayo diyan!" Pagsigaw ng pulis, na halos ikinaputla naman ni Keith.
Tila nanlambot na lamang ang kanyang mga tuhod sa narinig. Sa di malamang dahilan, ay napatingin siya kay Shane, parang humihingi ito ng saklolo. Ngunit para siyang naubusan ng hininga nang makitang tumango si Shane. Nakita niya ring tumango si Jake, at alam na naman niyang payag rin si Kane.
Doon ay agad nilang hinubad ang kahel nilang uniporme, bago ibinalot ang tuwalya sa kanilang baiwang. Sa kabilang banda naman si Keith ay hindi pa rin gumagalaw, kaya naman ganoon na lang manlisik ng mga mata ang pulis na nagbabantay sa kanila.
"Ano pang hinihintay mo diyan? Gusto mo atang ako pa ang maghubad sa'yo? Pwede naman." Doon naman na alarma ang katawan ni Keith, at kaagad na tinanggal ang pagkakabutones ng kahel na baro niya.
Halos manlumo siya, at dahan-dahang hinubad ang baro niya. Kagaya ng ginawa nila, ibinalot niya rin ang itim na tuwalya sa baiwang niya. Doon niya narinig ang pagsinghap ni Shane, tila parang nakakita ito ng multo. "K-keith." Nanginginig pa nitong pagtawag sa kanya.
Iniyuko na lamang niya ang kanyang ulo sa kahihiyan. Alam niyang kitang-kita at sariwa pa ang naiwang pasa sa baiwang niya. Halatang-halata ang mga mapupulang marka ng dalawang kamay sa maputla niyang balat. Kaya naman kaagad niyang inangat ang tuwalya para matakpan ang mga ito.
Para bang isa na siya sa pinaka maruming tao sa buong mundo. Ngunit kibit balikat na lang siyang ibinaba ang kahel na pajama, at pasikreto niyang iniwan ang natitira niyang panloob. Itinupi niya iyon nang maayos at inilapag kasama ang kahel na baro sa kanyang kama.
Pinilit na lamang niyang hindi pinansin ang mga binabatong tingin sa kanya. Lalo na nang makita niya ang mga napaka itim na mata ni Kane habang nakatingin sa hubad niyang katawan. Kabaliktaran iyon ng tingin na galing kay Shane, puno ng awa at pag-aalala.
"Pumila kayo nang maayos. 1485, mauna ka sa harapan. Sundan mo naman 84, 83. Dito ka sa gilid ko, 82." Mabigat na pag-utos ng pulis.
Hindi naman makuha ni Keith ang sinasabi nito, ngunit nang makita niyang nasa huli si Shane, ay sumunod na lamang siya, at doon nga sa gilid ng pulis. "Lakad."
Agad silang nagsimulang maglakad. Sinundan na lamang ni Keith ang mga yapak nila habang nakayuko ang ulo niya. Tila parang damang-dama niya ang masalimuot na hanging dumadampi at pumapalibot sa kanya. Lalo na nang mapalingon at mapansin niyang maraming mata ang nagmamasid sa kanyang direksyon.
Tiniis na lamang niya ang sandaling iyon hanggang sa marating nila ang paliguan. Malawak at may kanya-kanyang cubicle sa loob. Marami na ring naliligo, kaya naman amoy na amoy ang mga matatapang na sabom, dahilan upang maikusot ni Keith ang kanyang ilong. "Dito na kayo maliligo. May tatlong cubicle pa dito. Ikaw 82, doon ka sa kabilang linya."
Halos manlaki ang mga mata ni Shane sa narinig, habang si Keith naman ay walang kaalam-alam. Hindi niya alam na siya ang tinutukoy nito. "Ako na lang roon. Dito ka na Keith." Pagprotesta niya habang pinanlilisikan ng mata ang pulis.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito, at hinawakan ang batuta. "Sinusuway mo ba ang utos ko?" Pagtanong nito nang may awtoridad, ngunit hinawakan lamang siya nito sa kuwelyo.
"Ano bang gusto mong mangyari? Itigil mo na yang pag-arte mo." Hindi na napigilan pang magalit ni Shane. Nginisian lamang siya nito, sabay umiling.
Akmang magsasalita naman na ito nang marinig nila ang pag angal ni Jake. "Babe, easy lang. Baka masugatan na naman yang maganda mong kamay." Pagpapakalma nito sa nobyo, na sya namang agad na bumitaw mula sa pagkakahawak nito sa kuwelyo.
Tahimik namang nanonood si Kane sa gilid, at hinayaan ang tatlo. Nakatuon lamang ang pansin niya kay Keith. Ngunit nanlaki ang mga mata nito nang narinig nilang magsalita ito.
"S-saan po ba?" Simpleng tanong ni Keith, ngunit alam niyang pinapangunahan na siya ng kaba. Nakita niyang ngumisi ang pulis, at binitawan ang batuta nito.
"Keith!" Maangal na pagtawag ni Shane. Halata ang dismaya sa mga mata nito. Ngunit ano nga bang alam niya? Dalawang araw pa lamang siyang namamalagi dito, kaya hindi niya pa alam ang mga masalimuot na nangyayari sa loob nito.
"Sundan mo 'ko." Simpleng ani ng pulis bago ito maglakad.
Hindi naman na nag-atubiling sumunod si Keith habang iniiwasan ang mga malalagkit na tingin sa kanya ng mga presong naliligo doon. Halos kilabutan siya nang mapansing may dalawang lalaking may mga pasa sa mukang nakatitig sa kanya. Umiwas na lamang siya nang tingin at patuloy na sinundan ito.
Napatigil na lamang siya nang tumigil ang pulis sa isang cubicle bago nito binuksan ang pinto. "Pasok na." Anito, sabay kindat sa kanya.
Kaagad namang siyang pumasok sa loob nito. May kung anong nagbibigay ng disgusto mula sa pagtingin sa kanya nito. Hindi niya ito mawari, ngunit isa lang ang alam niya. Hindi niya iyon gusto. Mas gusto niya pang tignan ang mga Iritadong mata ni Kane kesa doon.
Sinimulan niya nang tanggalin ang nakapulupot na tuwalya sa kanyang baiwang bago ito isabit sa isang sabitan sa loob. Nakita niyang kumpleto ang mga gamit panligo doon, kaya naman ipinihit na shower. Agad namang nabalot ang katawan niya ng malamig na tubig nito.
Magsisimula pa lamang siyang kunin ang sabon nang may marinig siyang nagbubulungan mula sa labas. Akmang babaliwalain niya na ito, nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng kanyang cubicle. Halos manlumo siya nang makita ang muka ng lalaki kanina. Puro ito pasa, at halata ang galit sa mukha.
Para siyang nawalan nang kakayahang tumayo dahil sa biglaan nitong pagpasok. Kitang-kita niya ang hubad nitong katawan, kaya naman napaatras na lamang siya. Nagsimulang manginig ang pangangatawan niya sa takot, lalo na nang makita nito ang kakaibang pagtingin nito sa kanya.
Para itong gutom na liyon. Kaagad nitong sinarado ang pinto, at dahan-dahang naglakad papalapit sa binata. Hindi na ito makapagsalita pa, at bakas na rin ang mga nangingilid nitong luha.
"S-shane!" Nagmamakaawa nitong pagsaklolo, ngunit parang ang mga malalakas na paglaslas lamang ng mga tubig ang naririnig sa paligid.
"Nakikita mo ba tong mga pasang ginawa ng kaibigan mo?! Ikaw ngayon ang magbabayad rito." Gigil na tanong ng lalaki bago nito hinablot ang pupulsuhan ng binata.
Halos maputol ang hininga ni Keith nang malamang ito ang lalaking narinig niya kahapon lamang. Hindi na niya napigilang lumuha. Halos mapasigaw na siya dahil sa higpit ng hawak sa kanya nito.
Isa na lamang ang naisipan niyang gawin. Iyon ang pagtakbo, ngunit sa higpit pa lang ng hawak sa kanya, ay parang napaka imposible na nito. Ganon pa man, sinubukan niya pa rin ito.
Nagbilang muna siya sa isip, bago niya kinagat ang kamay na nakapalupot sa kanyang pupulsuhan, dahilan upang mapabitaw ito kasabay ng pagdaing nito sa sakit. Agad na man niyang tinungo ang pintuan, halos hindi na niya alam ang gagawin. Malabo na rin ang paningin niya dahil sa mga luhang bumubuhos mula sa mga mata niya.
Akmang bubuksan niya na ito nang maramdaman ang pagpulupot ng braso ng lalaki sa kanyang baiwang bago ito inihampas sa pader ng cubicle.
Nakaramdam na lamang siya ng matinding pagkahilo nang maramdaman niya ang pagsuntok ng malaking kamao nito sa kanyang sikmura. Kitang-kita niya ang mga tinta ng dugong pumulandit mula sa kanyang bibig. Halos mamilipit siya sa sakit na nagmumula sa kanyang sikmura.
Para itong binubutas ng kung ano, habang patuloy ang pagsuka niya ng dugo.
Hindi na niya nakayanang maglaban pa dahil sa nararamdamang sakit. Tila nakaramdam na rin siya ng pagkaantok, at pagbigat ng kanyang mga talukap.
Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang pag-asulto sa kanyang leeg.
Parang kandila, ay unti-unti siyang nawalan ng dingas, kasabay ng panghihina ng katawan.
"May oras ng pagligo mamaya, Keith. Wag kang hihiwalay sa amin, ah?"