Third Person's POV
Bakas na ang panghihina sa mukha ni Keith, ngunit hindi ito kinaawaan ng mga pulis na kasalukuyang ginagabayan ang mga preso papunta sa isang malawak na palikuran. Nakapila nang maayos ang mga ito, hati-hati kada apat na selda.
Nanatili sa likod ni Jake ang nobyo nitong si Shane. Sa likod naman nito ay nakasunod si Keith, sunod nama'y si Kane, habang napalalibutan sila ng apat na polis, bitbit ang kanilang mga batuta.
Pansin ang irita sa mukha ni Kane dahil sa kabagalan maglakad ng binata sa kanyang harapan. Alam nitong nagugutom na ang lalaki, na lalo namang nagpa-pait sa kanyang ekspresyon.
Hindi na nito mapigilan magsalita. “Bilisan mo.” Mabigat nitong ani, na ikina-hinto ni Keith, dahilan upang tumama ang matitigas nitong dibdib sa likod ng ulo nito.
Pagtango na lamang ang nagawa ni Keith, at dahil na rin sa kahihiyan, sinubukan nitong bilisan ang mga yapak. Hindi naman niya inasahang maalarma ang isang police, naramdaman na lang niya bigla ang katigasan ng itim na batuta sa taas ng kanyang kanang balikat, dahilan upang mapahinto ito't bumanga muli sa bisig ni Kane.
“Wala kang matatakasan dito, bata. H'wag mo nang balakin.” Nakangising ani ng isang police.
Iniyuko na lamang ni Keith ang ulo, sabay tango sa lalaki. Doon niya naramdamang nakadikit pa rin siya kay Kane, kaya naman humakbang ito papalayo. Halos mapaso ang balot na likuran nito sa naramdamang init ng katawan ng lalaki.
Doon, ay nagpatuloy silang maglakad hanggang sa narating nila ang sinabing malawak na palikuran. Halos sampalin ng naghalo-halong amoy ang pang-amoy ni Keith, ngunit tila'y sanay na sanay na ang mga kasama nito. At sa kabilang banda, nalimutan na ng sikmura nito ang pagkagutom dahil sa naamoy.
Naramdaman niya ang mahinag pagsiko sa gilid niya, kaya naman napalingon ito. Nakita nito ang magandang ngiti ni Shane, atsaka ito nagsalita. “H'wag kang mag-alala, masasanay ka rin.” Sabay kindat nito.
Hindi napigilan ni Keith na ngumiti, at ganon na lamang ang gulat niya nang makaramdam ito muli ng pagligaya. Ngayon na lamang ito nakangiti. Tumango siya sabay balik ng tingin sa kanilang lilinisan.
Hindi maiwasang mapatingin si Keith papunta sa direksyon ng mga nagtatandaang lalaki, ngunit hindi nito alam kung ano ang mararamdaman. Sigurado siyang nakagawa rin ang mga ito ng kasalanan.
Napukaw naman ang atensyon niya nang magsalita ang isang police. “Kayong apat. Doon kayo maglilinis sa bandang gilid. Saktong apat ang mga kubeta roon. Kilos na!” Iritadong pagsigaw nito.
Wala namang nagawa ang apat, kaya agad na silang sumunod at naglakad papunta sa nakakasulasok na lugar. Doon nila nakita ang apat na pares ng kulay asul na guwantes, apat na tali ng mga basahan, at apat na pares ng sabon at 'disinfectant'. Tanging liwanag lang ng maliit na bintana ang nagpapaliwanag ng lugas kung saan sila naatasang maglinis.
Hindi naman na bago kay Keith ang mga bagay nayon dahil siya rin ang naglilinis sa bahay nila, mapa-labas o mapa-loob, kaya naman agad niyang sinoot ang pares ng guwantes, pati narin ang sabon at basahan. Hindi nito napansin na nakangiti na ang dalawa sa kanya, kabaliktad ng ekspresyon ng isa.
Pumasok na sila sa kanya-kanyang 'cubicle', at doon inumpisahan ang paglilinis. Halos masuka si Keith nang makita nitong punong-puno ng ihi ang kubeta, tila parang may sakit sa bato ang huling gumamit nito sa sobrang dilaw ng kulay.
Napatalon na lamang siya nang marinig niyang may sumigaw. Hindi nito sigurado kung sino, ngunit iritadong mukha ni Kane ang pumasok sa isip niya. Napagpasiyahan na lamang ni Keith na simulan ang paglilinis, kaya naman huminga ito nang malalim, sabay pigil sa paghinga.
Dali-dali niyang inabot ang 'flush' ng kubeta, at pinindot ito nang matagal. Doon na siya nakahinga nang maluwag nang mabawasan ang nakakasukang amoy nito. Ini-angat naman niya ang disinfectant, sabay spray sa kubeta. Pagkasunod ay sabon, at doon na niya sinumulang punasan ang kubeta.
Maya-maya nilang naririnig ang pagmumura ni Kane. Napaka talas ng dila nito, kaya naman ganon na lang ang gulat sa mukha ni Keith. Hanggang sa natandaan niyang nasa loob siya ng kulungan, at napagtanto niyang hindi lahat ng tao doon ay katulad ng mga alaga niyang bibe.
Biglang napatigil si Keith sa pagpunas sa naalala. Wala na itong balita kung ano mang nangyari sa bahay at mga alaga nila pagkatapos nitong mahatulan ng panghabang buhay na pagkakakulong. Wala na siyang uuwian pa. Kaagad siyang umiling para hindi na lumalim pa ang mga iniisip niya, dahil nararamdaman na naman niya ang kirot at bigat sa dibdib.
Huminga nalang siya ng malalim at tinuon ang pansin sa paglilinis.
Akmang magtatagumpay na siya sa planong maglinis nang marinig niya ang pag-uusap ng mga hindi kilalang boses sa labas ng cubicle.
“Nakita mo ba yung bagong salta? Ang bata bata pa, diba?” Narinig nitong sabi. Hindi niya na kailangan pang isipin kung sino ang tinutukoy dahil siya ang pinakabagong salta dito.
Babaliwain nalang sana niya ang mga naririnig, ngunit ginulat siya ng mga sumunod na sinabi ng lalaki. “Malamang sa malamang hindi pa nagagalaw ng kahit na sino 'yon? Ang kinis ng balat, eh!” Komento ng isa pang lalaki.
Tila naging isang matigas na istatwa ang katawan ni Keith. Nagsimulang dumagundong ang dibdib nito sa kaba, mata'y hindi mawari kung saan lilingon. Para bang ang mga pangyayari kaya niya nagawang patayin ang kapatid ay bigla nalang bumalik sa kanyang isip, sariwa at kitang kita niya.
“Mamaya, sigurado akong pwede nating i-request 'yon kay boss! Matagal-tagal na rin nang nakatikim ako ng bata bata.”
Hindi na nakayanan pa ni Keith ang mga naririnig kaya mahigpit nitong tinakpan ang mga tainga niya. Kitang-kita ang panginginig ng katawan nito, at ang pagsimula ng pag-iyak nito. At tuluyan na itong napasigaw nang maramdamang may humawak sa likuran nito.
“Keith? Okay ka lang?” Dahil sa higpit ng pagtakip nito sa mga tainga at sa malakas na pagtibok ng puso niya, hindi na nito narinig pa si Shane.
Ganon na lamang ang gulat ni Shane nang makitang nanginginig sa takot ang binatang tinuring na niya agad bilang kaibigan. Nagsalubong ang mga kilay nito, mga panga'y bigla na lang umigting sa galit. Lalo na nang marinig nito ang boses ng mga lalaki.
Agad siyang tumayo at pinuntahan ang mga lalaki. “Malang sa malamang. Hindi magtatagal ang pagka-birhen non—”
Bigla na lamang natigil ang pagsasalita ng mapayat na lalaki nang may lumipad na kamao sa mukha nito. “EH GAGO KA PALANG PUTANGINA KA, EH!” Kitang-kita ang panggigigil sa mukha ni Shane at ilang ulit na pinagsusuntok ang lalaki.
Ang isang lalaki nama'y walang nagawa kundi manood. “SUBUKAN MO LANG SIYANG GALAWIN, HINDI MO MAGUGUSTUHAN ANG LASA NG KUBETA!” Hindi nito tinigilan ang pagbitaw ng mabibigat na suntok hanggat hindi nito nakikitang dumudugo ang mukha ng lalaki. Hindi na rin nagawang lumaban ng lalaki dahil sa pagka-bigla.
Kung hindi pa aawat ang nobyo nitong si Jake, ay baka nakapatay na siya sa galit.
“Wow, babe. Tama na 'yan. Ano bang nangyari?” Maingat na tanong ni Jake habang pinipigilan ang nobyo. Hindi maiwasang mapangiti ni Jake dahil sa kahit sa maliit nitong tangkad, nagawa pa rin nitong magpa-taob ng nakakatangkad sa kanya.
“EH ETO KASING GAGO NA 'TO! PUTANGINA MO ILAYO MO YANG KAIBIGAN MO SA'KIN, BAKA MAPATAY KO PA KAYONG DALAWA!” Galit na galit na sigaw ni Shane, tila hindi nito mapigilan ang sariling galit.
Kaagad namang binuhat ng lalaki ang duguan nitong kaibigan, parang nawalan ito ng malay. Mabuti na lamang at nasa canteen ang mga bantay nila.
“Babe, kalma na. Easy lang.” Mahinang ani ni Jake, sabay yakap sa nobyo nito. Iniikot niya ito, atsaka hinagod ang likod upang mapakalma. “Ano bang nangyari't galit na galit ka? Patingin nga ng kamay mo.”
Umiling at ipinakita nito ang kamaong ginamit niya, at nang maalala niya kung bakit niya ito ginamit, agad ito kumalas sa pagkakayap at tumakbo pabalik kay Keith. Nang makita niya ang binata, para bang mas nasaktan pa ito. Wala na ito sa cubicle kung saan niya iniwan.
Naroon ang nanginginig na katawan ni Keith, nakaupo sa lababo. Napabuntong hininga na lamang ito, at tahimik na lumapit sa binata. Hindi ni Shane maiwasang ituring ang binata na parang munting bata. Idagdag mo pa ang paghikbi nito, at ang mga pagpunas nito sa luha.
“Keith, hayaan mo na 'yong mga panget na 'yon.” Mahinang ani ni Shane habang ginugulo ang buhok nito. Pinilit na lamang nitong ngumiti nang tumingin sa kanya ito.
Pagtango lamang ang naisagot ni Keith, dahil na rin sa hirap pa itong magsalita dulot ng pag-iyak. Tila hindi rin nito maatim na tumingin nang matagal kay Shane, lalo na nang makita nito ang bahid ng dugo sa kanang kamao.
“Hehe, eto ba? Hayaan mo na lang to, hindi naman ganon ka-sakit. Tsaka nainis lang talaga ko sa mukha nong panget na 'yon.” Pagpapaliwanag ni Shane nang mapansing nakatingin si Keith sa kanyang kamao.
Bigla naman niyang naalala ang isa pa nitong kaibigan. “Nakita mo si Kane?” Tanong nito habang nililingon ang ulo, sabay tingin kay Keith.
Sa hindi matukoy na dahilan, iniyuko nito ang ulo, para bang may iniiwasan, dahilan upang magtanong muli si Shane. “Oy, okay ka lang ba? N'yare sa'yo? Namumula ka, ah.” Sinubukan nitong hulihin ang mga mata ng binata.
Nagulat na lamang ang dalawa nang bumukas ang pintuan ng cubicle kung saan naglilinis si Keith, kani-kanina lamang. Doon, ay nakita ni Shane ang hinahanap na kaibigan. Nakasimangot pa rin ito nang lumabas.
“Tumahan ka na diyan, malapit na ang tanghalian.” Matipid na ani nito habang tinatanggal ang mga guwantes sa kamay.
Nanlaki naman ang mga mata ni Keith sa narinig. “H-ha? Hindi pa 'ko tapos.” Pagpapaliwanag ni Keith habang pinipilit tumingin sa mga masusungit na mata ng lalaki. Ngunit parang hindi niya ata talaga kayang tagalan ang tumingin dito.
“Tsk. Ako na ang gumawa. Ayaw mong tumigil sa pag-iyak, para kang bata.” Iritadong ani nito, na ikinayuko naman ni Keith dahil sa kahihiyan.
Napatingin na lamang si Shane sa dalawa. Akmang magsasalita na ito nang pumasok ang nobyo nito habang nakangisi. “Kinausap ko na yung pulis, syempre sa'kin naniwala. Ikaw naman Kane, wag mo nang titigan itong si Keith. Kawawa naman, baka matunaw.” Pilyong komento nito, dahilan para pandilatan ito ng mga mata ng lalaki.
“Ikaw naman babe, dapat tinatawag mo muna ako. Edi dapat, ako na lang yung bumat sa mokong na 'yon.” Patawang ani nito, sabay hawak sa baiwang ng nobyo.
“Edi nadagdagan na naman ang kaso natin?” Pagsabat nito. Napalingon na lamang siya kay Keith nang makitang nakatitig sa kanya ito.
Tila parang gusto nito magsalita, ngunit nito mahanap ang tamang sasabihin, kaya naman napayuko nalang muli ito sa hiya.
“Keith? May problema ba? Ayos ka lang ba?” Nagsalubong ang mga kilay nito nang umiling ang binata, tila ayaw ata nitong nahihiya atang magsabi.
“S-salamat.” 'Yon na lamang ang lumabas sa mga labi ni Keith. Hindi nito maatim na tumingin dahil nararamdaman pa rin niyang nakatitig ang mga iritadong mata ni Kane.
Napansin naman iyon ni Shane, dahilan upang mapangiti ito. “Natatakot ka ba kay Kane?” Napansin niyang nanliit si Keith sa tanong, kaya naman napatawa ito nang mahina, sabay tingin kay Kane. “Nag-aalala lang yan sa'yo.”
Tumango na lamang si Keith, sabay sinubukang tumingin sa lalaki. Nakita niya itong iritado parin. “Nag-aalala ako na baka hindi tayo maka-kain ng tanghalian dahil sa'yo” Mabigat na ani nito, habang nakatiklop ang mga maskuladong braso.
“Nakausap ko naman na yung pulis. Sila rin naman ang may kasalanan. Mga libog na libog na sa katawan.” Paninigurado ni Jake.
“K-kailan nga pala ang araw ng p-pagdalaw?”
Nagulat ang tatlo sa biglang tanong ni Keith, habang nakatingin sa mga ito nang may pag-asa.
“At sino namang bibisita sa'yo?” Tanong ni Kane habang nakataas ang isang kilay nito.
Napakagat na lamang ng pang-ilalim na labi si Keith dahil sa tanong. Yumuko na lamang siya at umiling. Wala silang kamag-anak sa naiwan niyang bahay dahil nasa malayong lugar ang mga ito at hindi na rin naman niya na kokontak.
Sa pagkalaalam ni Keith, kinalimutan na ng mga kamag-anak niya sila, simula pa nang nagtanan ang mga magulang niya. Kaya naman wala na talaga itong inaasahang bumisita, lalo na ngayong preso na siya. Isang binatang sinayang ang kinabukasan.
“Bakit mo pala naitanong, Keith?” Mahinang tanong ni Shane.
Umiling si Keith, sabay sinubukan nitong magsalita nang hindi naluluha. “G-gusto ko lang s-sana malaman kung may nagpapakain sa mga bibe ko. W-wala na kase a-akong balita.” Halos hindi na marinig ang boses nito dahil sa bigat ng nararamdaman.
Tila parang naguluhan ang tatlong nakapaligid sa kanya. Sa kabilang banda naman, mas lalo lang naawa si Shane, at parang alam na kung anong nangyari sa binata, kaya naman nilakasan nito ang loob na magtanong. “Keith, nakakuha ka ba ng abogado bago makulong dito?”
Agad nabalot ng katahimikan ang tatlo, tila hinihintay nila ang pagsagot nito.
Para bang nadurog ang puso ni Shane nang marinig ang responde nito. “W-wala kaming p-pera. Y-yung scholarship ko nalang ang inaasahan namin ni kuya.”
Narinig nila ang iritadong pagdaing ni Kane. “May Kuya ka naman pala, eh. Bakit sabi mo walang dadalaw sa'yo.” Iritadong tanong nito, hindi maiwasang panlisikan niya ng mata ang binata.
Imbis na makarinig sila ng sagot, tanging paghikbi at pagsinghot lamang ang natanggap ng mga ito mula kay Keith. Sa oras na 'yon, ang tanging nais ni Keith ay ang malamon na lamang ito ng lupa, tila parang nabilaukan siya sa tanong.
May kuya ka naman pala...
Ganon na lamang ang pagpapasalamat ni Keith nang marinig nila ang pagtawag ng tatlong pulis sa kanila.
“Oras na ng tanghalian, mga preso. Bumalik na kayo ngayon sa dating pila.” Agad na inayos ni Keith ang sarili, sabay baba nito mula sa lababo.
Akmang lalakad na ito nang hawakan ito ni Shane sa kanang balikat. “Baka pwede nating pakiusapan ang mga pulis na kunin na lang yung mga alaga mo. Kawawa naman, eh.” Desperadong pang-aaliw ni Shane. Tila may tinamaang parte sa puso niya dahil sa miserableng nangyari sa binata.
Tumango na lamang si Keith saka sumunod sa tatlong lalaki.