Third Person's POV
[Kasalukuyang panahon]
Pagkamulat pa lamang ng mga mata ni Keith, ay nakaramdam na siya ng pagkasuklam sa sarili. Hindi na niya ininda pa ang tumataas na tindi ng sakit sa kanyang sikmura, pati na ang pagkirot ng sariwa niyang sugat sa likod ng ulo, kung saan naka diin ito sa katigasan ng unan sa kulungan.
Doon na lamang napagtanto ni Keith na nasa kulungan na nga siya, nang maamoy niya ang kaibahan ng simoy ng hangin sa loob ng maliit na silid na ito. Hindi na ito katulad ng sariwang hanging naamoy niya, pitong araw lamang ang nakalipas.
Hindi niya mapigilang lumuha sa halo-halong nararamdaman. Gusto man niyang sabihing tama ang ginawa niya, hindi niya ma-itangging nakapatay pa rin siya. Hanggang sa nagsimula siyang kwestiyunin ang mga nagawa.
Kung hinayaan niya na lamang ang nakatatandang kapatid, siguro ay buhay pa ito hanggang ngayon, at siya nama'y nakakapag aral pa rin. Ngunit sa kabilang banda, siguro ay isa na rin siyang adik na lulong sa ilegal na droga. Isang parausan ng init ng katawan ng sarili niyang kapatid.
Tinangka na rin ni Keith na depensahan ang sarili sa korte, ngunit ang katotohanang nag positibo ito sa paggamit ng droga, ay isa nang napakalaking bagay upang mapagbintangan siya. Masyado siyang nagpabulag sa biglaang kabaitan ng nakatatandang kapatid, na hindi na niya napansin ang araw-araw na drogang hinahain sa kanya.
Doon na nga tumulo ang kanyang mga luha, kasabay ng pagsikip ng kanyang dibdib. Napa-dakma na lamang siya sa manipis na sapin ng kanyang matigas na higaan. Tiyak ni Keith na hanggang ngayon ay laman pa rin siya ng mga tabloid at dyaryo dahil sa kanyang nagawa.
Mamatay tao.
Sa pag-singhap niya ng hangin, ay siya namang pagdabog ng isang bagay sa kanyang taas. Napatigil na lang siya sa pag iyak, sabay upo nang may pag iingat. Sa paglibot ng kanyang mga mata, napansin niyang may isa pang kamang dalawa ang palapag.
Doon niya nalamang may kasama pala siya sa loob ng silid na ito. Nang makita niyang nakatingin sa kanya ang dalawang lalaki, ini-yuko agad niya ang ulo upang iwasan ang mga mata ng mga ito. Nagulat at nalito nalang siya nang makita niya ang mga mukha nito. Ang isa ay mukhang ka-edad niya, at ang isa nama'y mukhang ka-edad ng yumao niyang kuya.
“Oy, bagong salta, anong kaso mo?” Nanlaki ang mga mata ni Keith sa biglaang tanong ng isa.
Hindi mahanap ni Keith ang tamang sagot sa tanong na hindi niya inaasahang marinig, lalo na't sariwa pa ang mga ito. Nakahinga siya ng malalim nang marinig niyang iniba ang tanong nito.
“Sorry... ano na nalang pangalan mo?” Tumingala ulit si Keith, at doon niya napansing napakabata ng itsura nito.
“K-keith... Keith Sebastian.” Matipid niyang ani, sabay sulyap sa isang lalaki mula sa itaas na higaan.
“Nice to meet you, Keith. Shane nga pala.” Masiglang ani ng lalaki, mga mata nito'y tila mas naging singkit, dala ng malaki nitong ngiti.
Napatawa naman ang lalaki sa taas, sabay pitik sa tainga ng lalaki sa ibaba ng kama. “Jake.” Matipid nitong ani, sabay kaway ng kanan nitong kamay.
Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Keith. Tila ba'y nagkamali siya ng akala. Kitang-kita niya kung paano siya nginitian ng dalawa, para bang wala sila pinoproblema. Nagulat na lang si Keith ng marinig niya ang pagtawa ng Shane.
“Anong nangyari sa ulo mo? Mukhang masakit yan, ah.” Pagtanong ni Shane, dahilan ng pagkunot noo ni Keith.
Dahan-dahang inangat ni Keith ang kanang kamay papunta sa likod ng kanyang ulo, at doon niya naramdaman ang bendang nakapulupot sa ulo niya. Doon niya naalala na may bumato sa ulo niya. Agad niyang pinunasan ang tumulong luha mula kanyang mga mata.
“N-nabato, ata. Hindi ko rin sigurado.” Nauutal niyang sagot, at nabigla na lamang siya nang tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo, sabay punta sa kama nito.
“Nabato? As in, may bumato ng bato sa ulo mo? Hindi ba dapat nasa hospital ka ngayon?” Dahan-dahang napa-usog si Keith dahil sa biglaang pag-lapit ni Shane.
Marahan siyang tumango. “Mukhang okay naman na. Napakabait naman ng mga police nayon para dalhin pa 'ko sa hospital.” Pagpapaliwanag ni Keith, sabay tingin sa lalaking nasa taas.
“Sabagay, may punto ka. Ano nga bang karapatan ng tulad nating mgakriminal para pumunta pa sa hospital?” Nabalot agad ng katahimikan ang lugar pagkatapos nitong magsalita. Napasagitsit na lamang ito nang makita ang reaksyon ni Keith. “Hala, sorry. Hehe, nadala lang.”
Hindi mapigilang maluha muli si Keith sa narinig, ngunit agad niya itong pinunasan gamit ang kanang kamay. “O-okay lang.” Naramdaman na lamang niya ang pagtayo ni Shane, atsaka bumalik ito sa sariling kama.
“Wag ka mag-alala, masasanay ka rin dito.” Mahinang ani ni Shane sabay tingala sa lalaking nasa taas ng kama niya.
Pilit na sinubukan ni Keith na wag lumuha, dahil ayaw na rin naman niya. Lalo na nang marinig na naman niya ang pag-dabog sa taas ng kama niya. Akmang titingala na sana siya nang makita niya ang mahahabang binti nito. Nakita niyang bumaba ang lalaki mula sa taas, dahilan upang bumalik ang kaba sa kanyang dibdib.
Lalo pang nadagdagan ang kaba ni Keith nang marinig niya ang boses nito. “Pwede ba? Kagabi niyo pa ko pinupuyat dalawa. Hanggang ngayon ba naman?” Iritadong ani nito. Para bang buryong-buryo na ito sa kanyang buhay.
Lalo pang nanliit si Keith nang makita niya kung gaano katangkad ang lalaki.
“Hehe, sorry na, Kane. Eto kasing si Jake, hindi ako tinigilan kagabi.” Natatawang paliwanag ni Shane sabay tingin kay Jake, gamit ang mga nanlilisik niyang mata. “Kapag ako lang hindi nakalakad nang maayos mamaya sa cleaning operation natin mamaya, malalagot ka talaga sakin.” Dagdag pa niya.
Napatawa naman si Jake sa narinig. “Parang di mo naman nagustuhan?” Pilyong pang-aasar niya.
Si Keith sa kabilang banda, ay walang nagawa, kung hindi nakinig at nalito sa kanilang pinag-uusapan. Mas pinagtuunan niya ng pansin ang nasabing cleaning operation.
Halos maputol ang hininga niya, nang makita niyang taimtim na nakatingin ang lalaki sa kanya. Agad iniwasan ni Keith ang itim nitong mga mata. Isama mo pa ang iritadong ekspresyon nito.
Habang patuloy na nag-aasaran ang dalawa sa gilid, nakaramdam ng panliliit si Keith nang mapansin niyang nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. At nang magsalita muli ito, tiniklop nito ang mga maskuladong braso.
“Hindi ba parang napaka bata mo pa?” Striktong tanong nito habang nakataas ang isang kilay, tila kinukwestyon ang sinasabi niyang 'bata'.
Hindi naman sigurado si Keith kung siya nga ba ang tinatanong ng lalaki, kaya naman tiningala niya ang kanyang ulo, para makita kung sino nga ba ang kausap nito. Laking gulat na lamang niya nang malaman niyang siya nga ang tinatanong nito.
Gayunpaman, tanging pag-tango lang ng ulo ang nai-sagot ni Keith, dahil sa sobrang kahihiyan. Inuyuko agad niya ang ulo, tila ba'y hindi niya kayang tagalan ang pagtingin sa lalaking ito.
“Kaya mo bang tumayo? Kung kaya mo, tumayo ka diyan, at sundan mo 'ko” Matipid na ani nito, na siya namang ikinagulat ni Keith.
Hindi katulad ng dalawa, ang lalaking ito ay para bang mahirap pakisamahan, masungit, at...marahas. Hindi agad nakasagot si Keith dahil sa kaba. Tinignan muna niya ito nang may pagkalito, hanggang sa tumama ang mga mata niya sa nang ku-kuwestiyong mga mata ng nito.
“Tatayo ka ba, o bubuhatin pa kita?” Ganon na lamang ang gulat sa mukha ni Keith, matapos marinig ang mga sinambit ng lalaki.
Tumayo na lamang siya, at hindi na nagsalita pa, habang iniiwasan ang mga mata nito. Nang nilingon niya ang dalawang nagtatalo, nakita niyang nakatingin din ang mga ito sa ginagawa niya, dahilan upang makaramdam siya ng pagkahiya.
“Sundan mo 'ko.” Matipid na ani ng lalaki, sabay lakad papunta sa isang sulok ng silid.
Nanlaki ang mga mata ni Keith nang makita nito ang isang maliit na kubeta at isang maliit na timba kung saan salo-salo nito ang tubig na tumutulo mula sa isang gripo.
“Gusto ko lang ituro sa'yo yung kubetang paghahatian nating apat. Limitado lang ang oras natin dito sa loob ng selda, kaya naman mas mabuting ilabas mo na lahat bago tayo tawagin para sa cleaning operation.” Halos mamula ang mukha ni Keith sa narinig dahil ni-kailanman ay hindi siya nakipag hati ng kubeta.
Ang tanging nagpakalma lamang ng t***k ng puso niya, ay ang kalinisan ng kubeta na ito. Pati na rin ang itim na kurtinang nakatali sa pader.
Akmang magsasalita na siya nang makita niyang binaba ng lalaki ang kahel nitong pantalon. Kaya naman agad na umiwas ng tingin, at nagmamadaling bumalik si Keith sa higaan niya. Napabuntong hininga siya sa sobrang bilis at dami nang mga nangyayari.
Para bang kahit saan niya ilibot ang mga mata, tanging mga bagay na nagbibigay sa kanya ng dahilan upang magsisi ang mga nakikita niya. Mula sa maduming lapag, hanggang sa bubong nilang napaka baba. Isama mo pa ang tunog nang tubig na unti-unting tumutulo.
Tila nagbabadya na namang bumuhos ang mga luhang pumagod sa kanya. Hindi niya maiwasang sisihin muli ang sarili. Doon ay napagpasyahan na lamang niyang humiga. Hindi niya tiyak kung dadalawin pa ba siya ng antok, o tuluyan na lang siyang kainin ng konsensya at pagsisisi.
Nakakasuklam mang isipin, pero parang gusto na niya humiling na sana umabot siya sa puntong katulad na siya ng dalawang lalaking masayang nag-uusap sa kabilang kama. Tila parang walang pinagsisihan sa mga ginawa nila bago dito mapunta.
“Oy, Keith. Matutulog ka na naman?” Mahinang tanong ni Shane, na siya namang kina-upo ni Keith. “Mas maganda kung hintayin mo na lang, malapit na rin kasi tayong tawagin. Baka pag-initan ka ng mga police dito.” Dagdag pa nito.
Tumango na lamang si Keith, sabay hawak niya sa kanyang sikmura.
“Kailan ka pa ba huling kumain?” Nag aalalang tanong nito kay Keith, tila agad niyang napansin ang maliit na galaw nito.
Doon na lamang nagulat si Keith. Kailan pa nga ba huling nakatanggap ng pagkain ang kawawang sikmura niya? Dala ng nakaka-traumang pangyayari, halos hindi na ito dinatnan ng pagkagutom. Ilang araw na nga ba siyang nangungulila?
Nangungulila... Nakita man lang ba niya ang burol ng kapatid? Tila mas lalong naguluhan si Keith dahil ang mga mapanghusgang tanong at pagsusuri lamang ang tanging natatandaan niya. Binigyan nga ba siya ng makakain?
Tila nabagsakan ng langit at lupa ang mga balikat ni Keith, kasabay ng pagkulo ng sikmura. Ni hindi na niya maatim na tumingin pabalik kay Shane, at sagutin ang katanungan nito. Para bang ang simpleng tanong na 'yon ay napakalaking bagay kay Keith.
Doon na lang niya naramdamang gutom na gutom na nga siya.
Wala itong nagawa kundi ngumiti nang mapait, sabay sulyap sa presong mukhang nag-aalala sa kanya. “H-hindi ko na rin m-matandaan, e-eh.”
Ganon na lamang ang gulat sa mukha ni Shane, para bang kinurot ang puso niya. Hindi na rin nito napansin na tumulo na ang mga luha niya mula sa mga nag-aalala niyang mata.
Agad niya 'yong pinunasan, sabay ngiti kay Keith. “Mamaya k-kakain tayo.” Ani ni Shane, para bang nangangako ang boses nito.
Tumango na lamang si Keith, at gumanti ng ngiti kay Shane. Bigla na lang magustuhan ni Keith na magtanong. “Ilang taon ka na pala, Shane?”
Hindi maiwasang mapangiti ni Shane, at sumagot agad ito. “19 na 'ko. 21 naman 'yong unggoy na 'yon. 21 rin si Kane. Ikaw ba?”
“18.” Matipid nitong sagot. Gusto man niyang magtanong pa, hindi na niya kayang hindi pansinin ang kumakalam na sikmura.
Pinilit na lamang niya ngumiti, at hinayaang tanungin siya ni Shane.
AUTHOR'S NOTE
NAWA'Y PATAWARIN AKO NG AKING MGA TAUHAN. AMEN.