KABANATA DALAWA

2682 Words
Third Person's POV [ 1 Buwan bago ang insidente ] Ala-singko na ng hapon nang madampian ng kahel na sinag ng araw ang mga makikinis na balat ni Keith, dahilan upang maipikit niya ang kanyang mga tsokolateng mata. Suminghap siya ng sariwang hangin at nag isip-isip kung anong oras siya uuwi. Naka upo at nagmumuni-muni siya sa ilalim ng puno ng narra, tanging pagsipol lamang ng hangin ang naririnig niya sa paligid, kaya naman napaka payapa ng kanyang mukha. Kinuha niya ang kanyang mga kamay mula sa bulsa, at ipinatong ito sa mga malalambot na damo. Napaka payapa nga kung titignan. Walang problema at malayo sa bahay nila. Napa isip na lamang si Keith kung gusto niya nga bang umuwi pa o mag papakasasa nalang sa kapayapaan ng lugar na paborito niya. Akmang ngingiti na ang mga mapupula niyang labi nang pinigilan ito ng tunog ng cellphone. Doon, binuksan niya ulit ang mga mata upang silipin ang cellphone niya. Napakunot-noo siya nang hindi tumigil ang pagtunog ng kanyang mumurahing cellphone, at saka ito kinuha mula sa itim na backpack niya. "Kuya..." Mahinang pagbulong nito. Kahit man magtagal siya sa pagiisip, alam ni Keith na hindi puwedeng hindi niya ito sagutin, lalo na't wala siyang maayos na paalam bago siya umalis ng bahay. Hindi na siya nag isip, at sinagot niya na ito. Hinintay niya ang makamandag na boses ng kuya niya, ngunit napakunot-noo siya ng marinig ang tila masayang tinig nito. "Keith! May good news ang kuya! Nasan ka ba? Uwi ka na, oh? Gusto ko ikaw unang makaalam nito!" Bakas sa mukha ni Keith ang pagkagulat. Alam niyang sila na lang dalawa ang magkasama, at siya na lang talaga ang mapag sabihan nito. "Sige po, Kuya. Uuwi na po ako." Napalunok siya ng laway, tila parang may nagniningas na pagasa sa kanyang loob. "Oh sige, mag ingat ka sa daan, ah? Mag luluto ako ng paborito mong ulam!" Nagulat si Keith sa sinabi ng nakatatandang kapatid dahil halos isang taon na itong hindi nagluluto. Akmang tatanggi na sana si Keith nang marinig niyang ibinaba na ang tawag, kaya naman kaagad na siyang tumayo, at pinagpagan ang pang upo. Hindi sinasadyang salubungin niya ang sinag ng araw, dahilan upang mag ningning pa ang mga tsokolateng niyang mata. Nagmamadaling isinukbit niya ang kanyang backpack sa likuran, atsaka tinungo ang luma niyang bisikleta. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o dapat ba siyang maniwala, dahil simula nang mawala ang kasintahan nito, tuluyan nang nagbago ang pagkatao nito. Nabaon sa utang, nawalan ng trabaho, at ang pinaka malala ay nag umpisa itong humilig sa pag gamit ng mga masamang gamot. Ito ay nagbunga ng pang aabuso sa kanya. Simula sa panghihingi ng pera, hanggang sa umabot na ito sa pagiging pisikal, ang pinagmulan ng mga pasa niya sa katawan. Umabot na sa puntong hindi na kaya ng kanyang katawan, ginusto na ni Keith na sumuko na lamang at hintayin ang kamatayan. Ngunit nang maalala niya ang dahilan kung bakit nagka ganon ang kuya niya, pinilit niyang intindihin na lamang ito. Sa kabilang banda, ay napaka mapagmahal ng kuya niya. Sadyang nawalan lang ng gana mabuhay. Alam ni Keith na sa kabila ng lahat ng mga pang aabuso nito, ay nandoon pa rin ang mapagmahal niyang kuya. Kaya naman nang marinig niya ang sinabi nito, kani-kanina lamang, ay tila para bang may pag asang nagniningas sa kaloob-looban niya. Hindi niya maiwasang ngumiti sa naiisip. Dali-dali niyang pinaandar ang bisikleta patungo sa daan pabalik sa kanilang bahay. Napansin ni Keith na lumulubog na ang araw, kaya naman binilisan niya pa ang pagpapatakbo sa bisikleta nito. Naalala niya tuloy ang laging bilin ng kanyang nakatatandang kapatid. Huwag magpapa-gabi sa daan. Ilang minuto pa ay narating na ni Keith ang bahay nila sa loob ng liblib na lugar, kung saan napapalibutan ng puno at kakahuyan. Doon, siya ay sinalubong ng mga nagliliitang bibe, kasama ang nanay ng mga ito, dahilan upang mapangiti si Keith. Tila'y napaka lapit ni Keith sa mga munting hayop, nagpapakita lamang na ang mga ito lamang ang naging kasama niya sa paglaki. Lumapit si Keith papunta sa isang puno, at siya nama'y sinundan ng mga ito. Hindi maalis ang ngiti sa mga labi ng binata ng makakuha siya ng sapat na pagkain ng mga ito, sabay hagis sa lupa, kung saan ito nag-sidumugan. "Cute." Aniya, at tuluyan na ngang tinungo ang kanilang munting tahanan. Hindi pa man nakaka-apak ang mga paa ni Keith sa loob, ngunit sinalubong na siya ng napakabangong amoy na nagmumula sa kanilang kusina. Tiyak ni Keith na nagluluto nga ang kanyang Kuya. Dahan-dahan niyang nilakad ang loob ng bahay, bakas sa mga yapak ni Keith ang pag-iingat. Hanggang natanaw na niya ang kusina. Tila naramdaman ng Kuya Brandon niya ang kanyang pagdating, kaya naman humarap ito nang may kasamang ngiti. Ngiting halos malimutan na ni Keith dahil sa sobrang tagal nito nawala. "Nandiyan ka na pala, Keith. Maupo ka na muna diyan, tapos na din naman na 'to." Masiglang pagtanggap ng Kuya Brandon niya. Nakaramdam si Keith ng halong pagkagulat at tuwa, dahilan upang hindi siya makapagsalita. Tumango na lamang siya at pinuntahan ang upuan. Iniyuko ni Keith ang kanyang ulo nang mapansin niyang palapit na ang kuya, dala-dala ang dalawang platong may pagkain na. "Kumain na muna tayo, Keith. Mamaya ko nalang sasabihin sa'yo." Mahinang ani ng Kuya Brandon, na siya namang itinango niya. Dahan-dahang itinaas ni Keith ang kanyang mga kamay papunta sa kubyertos at tinidor, habang ang mga mata niya'y pilit na iniiwasan ang mukha ng nakatatandang kapatid. Doon, ay tahimik na kumain silang dalawa, tanging pagtama lamang ng mga plato at kubyertos ang naririnig sa loob ng kusina. Hindi maiwasang sumulyap ni Keith nang tumayo ang Kuya niya, para kumuha ng dalawang inumin. Halos pigilan niya ang nakatatandang kapatid, takot sa posible nitong gawin. Sariwa pa ang ala-alang iniwan ng kapatid, tinangka nitong painumin ng isang basong tubig na may ipinagbabawal na gamot. Kaya ganon nalang ang lakas ng pagkabog ng dibdib ni Keith, halos mawalan na siya ng gana sa naalala. Hindi maiwasan ng mga mata niya na tumingin. Doon niya nalaman na wala itong nilagay na kahit ano, dahilan upang mawala ang mga mabibigat na bagaheng nasa dibdib niya. Sa pagbalik ng kapatid, ay may matipid na ngiti sa mukha nito. "Kapag gusto mo pa, nagtabi ako ng isa para sa'yo." Aniya nito habang tinuturo ang piraso ng binti ng manok. Tahimik na nagpatuloy ang dalawa kumain, ngunit hindi pa rin maiwasan ni Keith na mag alala para sa sarili. Hanggang sa matapos nalang siya kumain. Nakita niyang tapos na rin ang Kuya Brandon sa pagkain, ang likod nito'y nakasandal sa upuan habang nakapikit at hinihimas ang tiyan. Ngayon lang ulit napansin ni Keith ang payapang kalagayan nito. Hindi namalayan ni Keith na nakangiti na ang mga labi niya. Akmang tatayo na siya upang linisin ang pinagkainan nilang dalawa nang bumukas ang mga mapupungay na mata ng kanyang Kuya at pigilan siya. "Ako na bahala diyan, umupo ka na lang muna. Mukang busog na busog ka." Patawang ani ni Brandon bago kinuha ang mga platong ginamit nila. Nakakatawa man na pakinggan, ngunit ngayon lang napansin ni Keith ang pagbabago sa itsura nito. Wala na ang mga makakapal na sobrang buhok, kasama ng balbas at bigote nito, dahilan upang mapansin ang napaka batang mukha nito. Hanggang sa napansin niyang nakaayos ito. Nakasuot ng puting sando, at itim na shorts. Ganon na lamang ang tuwa na nararamdaman ni Keith sa nakikita. Naalala na naman niya ang mga panahong binibisita pa ng mga kababaihan ang kanyang kapatid, makita lamang ang mukha nito. Minsan na ring napagkamalan ang kapatid na babaero dahil dito. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, dalawang babae lamang ang minahal nito. Ang kanilang yumaong mapagmahal na ina, at ang nakababata nitong babaeng kaibigan na kalauanan ay naging kasintahan nito. Hanggang dumating na lang ang hindi nila inaasahan. Natagpuang walang buhay ang kasintahan nito sa sarili nitong bahay. Base sa nalalaman ni Keith, ang yumaong babae ay nagahasa ng lasinggero nitong ama kaya ganon na lamang ang galit ng Kuya niya sa ama ng kasintahan niya. Napabuntong hininga si Keith, at pinilit na itinaboy ang naiisip. Hindi na dapat niya ito inaalala pa, lalo na ngayong nakikita na niya ang ka-kaunting pagbabago ng nakatatandang kapatid. Sana lang ay magpatuloy na ito. Bumalik ulit ang kaba sa dibdib ni Keith nang makitang pabalik na ang Kuya Brandon niya. Umupo ito at masayang tumingin kay Keith. Pilit na ginatihan ni Keith ng ngiti ang kapatid, at hinayaan itong magsalita. Tumikhim ito bago kumuha ng puting papel sa bulsa, at inilatag ito sa kahoy na lamesa. Binaliktad at iniharap nito ang papel kay Keith. "Sorry, natagalan ata si kuya." Aniya sabay hawak sa sarili nitong mga kamay. Ganon na lamang ang tuwa na nararamdaman ngayon ni Keith, tila nandiyan na agad ang nagbabadyang mga luha niya. Kita sa papel ang mga sulat ng doktor, at isang logo ng animoy isang rehabilitasyon. Hindi napigilan ni Keith na tumayo at lapitan ang kuya Brandon niya. "Kuya..." Nanginginig nitong ani bago ipinulupot ang dalawang braso sa balikat nito. Binalot niya ng mahigpit na yakap ang nakatatandang kapatid, at doon na nga bumuhos ang mga luha niya. Hindi na niya maatim na magsalita, at ginantihan naman ng Kuya Brandon niya ng isang mahigpit na yakap. "Sorry, Keith, ah. Gusto ko na talagang magbago. Para na rin sa 'tin." Ani nito sabay halik sa buhok niya. At nagpatuloy nga 'yon, o ang akala ni Keith. Matapos ang tatlong linggo, ay nanatiling kalmado ang Kuya Brandon. niya. Ito na rin ang nagluluto araw-araw, habang nag aaral naman si Keith. Hindi maipaliwanag ni Keith ang tuwang nararamdaman. Hindi na rin siya nagpa-pahuli sa pag uwi dahil alam niyang nag aalala ang kuya Brandon niya. Hanggang isang hapon, umuwi si Keith galing sa unibersidad na kanyang pinapasukan, dahil sumasakit ang sikmura niya. Nilalagnat at nawawalan ng gana kumain. Sinalubong siya ng Kuya, nag aalala at parang balisa. "Saan ka ba galing, Keith? Ang taas ng lagnat mo." Pag aalay nito sa kanya hanggang sa makarating sila sa kwarto nito. "Mahiga ka muna diyan, at kukuha lang si kuya ng gamot." Napatango na lamang si Keith, at nahiga sa luma niyang kama. Sa sobrang sakit ng ulo niya, napapikit na lamang siya at hinawakan ang masakit na sikmura. Sa pagbalik ng kapatid, ay may dala na itong isang baso ng tubig at isang tableta ng gamot. "Oh, inumin mo na ito, at magpahinga ka na rin. Ako na bahala sa mga bibe mo." Nakangiting ani nito sa kanya, sabay abot ng gamot at baso. Dahan-dahang ininom ni Keith ang tubig, kasama ang isang tabletang gamot. Inabot naman niya pabalik ang baso, atsaka nahiga na. "Goodnight, Kuya..." Mahinang ani ni Keith bago siya humiga sa kama niya. "Goodnight, Keith." Ani ng Kuya Brandon niya, sabay labas ng kwarto, at tinungo ang kanilang banyo para maligo. Ang akala ni Keith ay madali na siyang makakatulog, ngunit mas lalong sumakit ang ulo niya, kasabay ng kanyang sikmura. Hanggang sa nagsimula siyang umubo. Sa tindi ng sakit na nararamdaman, hindi mapigilan ni Keith maiyak. Namimilipit na sa sakit. Hanggang napagpasyahan niyang hanapin ang kapatid para humingi ng tulong. Pinilit niyang tumayo mula sa pagkaka higa, at mas lalo pang sumakit ang ulo niya. "K-kuya..." Nanginginig na pagtawag ni Keith habang pinipilit tumayo. Kada yapak niya ay siya namang dagdag ng sakit ng sikmura niya. Narating niya ang kusina, at doon napagpasyahan niyang uminom ng tubig. Dumiretso agad siya sa gripo at pinuno ang basong naiwan sa kahoy na lamesa. Sa isang lagok ay naubos agad niya ang inumin. At sa paglapag niya ng baso pabalik sa lamesa, doon niya nakita ang mukhang pulbos na kulay puti, at sa gilid nito ay may lalagyan ng gamot. Hindi kaya... Agad niyang kinuha ang lalagyan ng gamot, atsaka binasa ito. Nalaman niya agad na ang paracetamol na dapat niyang inumin ay tinapon ng kapatid sa lamesa. Nanlumo at nababalisa na lang siya sa nakita, pilit na iniisip kung ano na lang ang pinainom sa kanya ng Kuya Brandon niya. Akmang babalik na sana siya ng kuwarto nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng kanilang banyo. Lumalabo na ang paningin ni Keith, ngunit nakilala niya agad ang korte ng siluheta ng katawan na 'yon. "K-kuya, an-ano toh?" Doon, ay bumalik ang dagundong sa kanyang dibdib, habang naglalakad papalapit sa kanya ang kapatid. Nakatapis lamang ang pambaba nito ng itim na tuwalya, mga mata'y nagtatangkang gumawa ng masama. Kada hakbang nito, ay siya namang pag atras niya, hanggang sa tumama na ang likod niya sa kanilang lababo. "Shh... Si kuya nang bahala sayo." Pagbulong ni Brandon na ikinalaki ng mga mata ni Keith. Laking gulat na lamang ni Keith nang simulang ilapat nito ang malamig na palad sa kanan niyang pisngi, dahilan upang manghina ang mga tuhod niya. Nagsimula na ring manginig ang pangangatawan ni Keith. Halos maputol ang kanyang hininga nang hawakan nito ng mahigpit ang kanyang likuran niya. "Sabi ko naman sa'yo, diba? H'wag kang magpapa gabi sa daan?" Walang nagawa si Keith kundi tumango. "Kumusta ba ang mga pagkain na hinahain ko sa'yo? Lasang droga ba?" Aniya sabay tawa nito. Tila parang nabingi si Keith sa narinig, para bang bigla na lamang siyang sinasampal ng realidad. Pagkain nga ba ang kinakain niya? Bakit nga ba siya nagpauto? Akmang itutulak na niya ito nang mas hinigpitan pa ng nito ang hawak sa likuran niya, habang hinihimas-himas ito. Hindi na sapat ang natitirang lakas ni Keith, kaya naman hanggang pag iyak na lang ang nagawa niya. Naramdaman niya muna sa balat kanyang leeg ang mainit nitong hininga bago pumalit ang mga labi nito. Ramdam niya na din ang matigas na tumutusok sa kanyang tiyan. Tila nawala na ito sa tamang pag iisip, habang nanginginig naman si Keith sa takot, at pandidiri sa kanyang kapatid. Tila hinampas siya ng mga memorya ng mga panahong binubug-bog siya nito, at lalo na nang kamuntikan nitong gahasain siya. Mukhang magtatagumpay na nga ito, wala ng lakas para itulak ang nakatatandang kapatid. "Hayaan mo na si Kuya. Matagal-tagal na rin kasing nakaraos ang kuya mo, eh." Nakangising ani nito habang patuloy ang paghalik sa kanyang leeg. Nagsimula na rin nitong tanggalin isa isa ang mga butones ng uniporme ni Keith, hanggang ilabas nito ang makikinis nitong balat. Pinagpatuloy nito ang pag atake, hanggang sa namatay nalang ang mga pag iyak ni Keith, tila naubusan na talaga ito ng lakas. Lalo pa itong kinabahan nang itinalikod siya nito, dahilan upang maharap niya ang bintana ng kanila lababo. Natural ay wala siyang nakita sa labas, dahil nasa liblib silang lugar. At nang ibinaba niya ang tingin sa kanilang mga hugasin, doon niya nakita ang isang bagay na tila ba'y kumikinang. Napansin niyang abala ang kapatid niya sa pang aabuso sa likuran niya, kaya naman tinitignan niya pa nang mabuti ang nakikita. Sa kanyang isipan, sapat na 'yon para takutin ang kapatid, kaya naman kaagad niya iyong kinuha. Hindi malabong kutsilyo nga iyon. Nagbilang muna si Keith sa isip bago niya pinilit iikot ang katawan upang harapin ang kapatid, sabay tago ng kutsilyo sa kanyang likuran. Doon niya nakitang hubo't hubad na pala ang kanyang nakatatandang kapatid, kaya naman mas lalo siyang kinabahan. Gagawin niya ba talaga 'yon? Napatanong na lamang siya. Hindi na nag aksaya pa ng segundo si Keith, at itinutok na niya ang matulis na bagay sa kapatid. Ngunit lingid sa kanyang plinano, sumakto ang tama nito sa leeg ng kanyang kapatid. Binitawan ni Keith ang kutsilyo, sabay kusot sa mga mata niya. Hindi pa niya naibubukas ang mga mata, pero narinig na niya ang pagdabog sa sahig. Napa kunot noo si Keith sa tunog, at nang binuksan na niya ang mga nanlalabong mata, nagulat siya nang makitang naghihingalo na ang Kuya Brandon niya, kasama ng mga dugong dumadaloy sa kanilang sahig. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, ngunit isa ang tiyak niya. Akmang gagalaw na si Keith nang makaramdam siya ng sobrang panghihina. Huling nakita niya ay ang pagsaklolo ng kanyang nakatatandang kapatid, hanggang sa nawalan na siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD