SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Habang naghihintay ako ng taxi sa harap ng Lee Global Enterprises, hindi ko pa rin maiwasang kumulo ang dugo ko sa mga nangyari kanina. Halos ako lang talaga ang gumawa ng lahat ng dapat naming tapusin bilang mga OJT sa 18th floor. Si Reevana? Ayun, parang modelo lang na naka-display sa gilid—maganda nga, pero halos wala namang ambag. Kung hindi lang talaga para sa grades at sa pangangailangan sa requirements sa school, malamang kanina pa ako nagreklamo. Alas singko na ng hapon, uwian na naming mga OJT students. Samantalang yung mga regular na empleyado, mamaya pang alas sais ang uwian nila. In fairness, bilib din ako sa tiyaga nila, pero ngayon… gusto ko na lang umuwi at mahiga. “Bye, Sy! See you tomorrow!” Napalingon ako sa nagsalita—walang iba kundi si Reev

