CHAPTER 5—18TH FLOOR

1207 Words
RYKER DAMIEN LEE POV Habang nakaupo ako sa swivel chair at nakatingin sa malaking glass window ng opisina ko, napabuntong-hininga ako. Paulit-ulit na lang ang iniisip ko—wala pa rin akong matinong secretary. Lagi na lang hindi tumatagal. Parang wala nang taong may sapat na disiplina para manatili sa posisyon na ‘yon. Pinatong ko ang kanang kamay ko sa mesa, saka tinawag si Niko, ang butler ko. Agad naman siyang pumasok, nakayuko at maayos ang postura. “Ano na ang balita sa pinahahanap ko, Niko?” tanong ko, halatang may inis sa tono. “Pasensya na po, boss… wala pa rin akong makitang tao para maging secretary ninyo,” sagot niya, maingat ang boses. “That’s bullshit!” Napailing ako, hinampas nang marahan ang mesa. “Sa lawak ng kumpanya ko, at sa dami ng tao sa labas, hanggang ngayon wala ka pa ring nahahanap? Are you kidding me, Niko? Almost three months na akong walang secretary!” Nagkibit-balikat siya. “I’m sorry, sir… hindi pa po ba ako sapat sa inyo?” Pinaningkitan ko siya ng mata, saka napangisi. “Nakakasawa na yang pagmumukha mo. Hanapan mo na ako ng secretary.” Napailing siya. “Pero sir, kapag nakahanap na ako, huwag mo naman sanang abusuhin. Tandaan mo, yung huling secretary mo—nabaliw dahil sa’yo.” Nagtaas lang ako ng kilay. “Hindi ko kasalanan kung mabaliw sila sa’kin.” Napangiti ako ng bahagya, alam kong totoo ang sinabi niya pero wala akong balak aminin iyon. “Btw, kamusta ang mga trainee na pumasok kanina?” tanong ko, iniiba ang usapan. “Pumasok po sila kanina, sir. Na-assign na rin kung saang floor sila mag-o-OJT, by pair po sila,” sagot niya. Tumango-tango ako. “Good. I want a full report by the end of the day. And Niko…” Tumigil ako sandali, tinitigan siya. “This time, make sure yung secretary na hahanapin mo—tatagal.” Pagkatapos naming mag-usap ni Niko, tumahimik ako sandali at pinagmasdan ang malinis at mamahaling interior ng opisina ko. Kahit gaano kaganda, minsan nakakasuya rin ang puro dito lang ako nakakulong buong araw. Bigla kong naisip, Why not take a look around? Matagal ko na ring hindi nili-libot ang main building. Gusto ko ring makita personally kung paano nag-a-adjust ang mga bagong trainee. “Niko,” tawag ko muli. “Yes, boss?” mabilis niyang sagot. “Samahan mo ‘ko. Lalabas tayo. Maglilibot ako sa kumpanya.” Tumayo ako mula sa upuan, kinuha ang coat na nakasabit sa gilid ng mesa, at isinuot ito nang maayos. Medyo napataas ang kilay ni Niko. “Uh… boss, sure ka ba? Baka mamaya, pagdating mo sa ibang floor, may matakot na naman sa presensya mo.” Napangisi ako. “Let them be scared. Mas mabuti na yung may takot kaysa masyadong kampante.” Binuksan ko ang pinto ng opisina ko, at agad kaming lumabas. Sinalubong kami ng mga empleyado sa hallway, agad silang yumuko bilang pagbati. Yung iba, halatang kinakabahan. Sanay na ako sa ganun—that’s respect, and I like it that way. Habang naglalakad papunta sa elevator, sinabi ko kay Niko, “Simulan natin sa upper floors. I want to see kung sino ang mga bagong mukha dito.” “Noted, boss,” sagot niya, habang pinipindot ang elevator button. Pagpasok namin, ako mismo ang pumindot ng 18th floor. May narinig akong mahinang reaksyon kay Niko, parang gusto niyang magsalita pero pinigilan niya. 18th floor, huh? Hindi ko pa alam, pero mukhang doon magsisimula ang isang bagay na matagal ko nang hinihintay. Pagbukas ng elevator sa 18th floor, unang tumama sa paningin ko ang maluwag pero busy na atmosphere ng lugar. Tahimik, pero may ritmong gumagalaw—mga tunog ng keyboard, mahinang tawanan sa kabilang dulo, at paglipat-lipat ng papel. Pero nang makita nila ako, bigla ang pagbabagong nangyari. Yung ilan, napahinto sa ginagawa. Yung iba, bahagyang nag-yuko ng ulo, halatang hindi alam kung titingin ba sila o magpapatuloy lang sa trabaho. Isa lang ang malinaw—lahat sila biglang nag-ingat sa bawat galaw. Good, naisip ko. They still remember who’s in charge. “Boss…” bulong ni Niko, parang gusto niyang paalalahanan na huwag masyadong matakot ang mga tao. Pero deadma ako. Sa dulo ng floor, napansin ko ang dalawang bagong mukha. Halatang mga bata pa, fresh, at hindi sanay sa corporate environment. Papaupo pa lang sila sa isang maliit na table na parang temporary workstation. Yung isa—mahaba ang buhok, maayos ang postura, at parang tahimik pero alerto. Nakasuot siya ng simpleng blouse at slacks, pero may dating. Yung isa naman—medyo mas expressive ang mukha, parang may kaunting reklamo sa kilos, pero halata ring hindi takot sa mundo. Habang papalapit kami, napansin kong nagbubulungan ang ilang empleyado sa paligid. Hindi ko kailangang marinig para alam kong pinag-uusapan nila ang presensya ko. Pagdaan ko sa mga cubicle, ramdam ko ang shift ng atmosphere. Lahat mas naging tahimik, parang biglang bumigat ang hangin. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang tik-tak ng wall clock at ilang mabilis na pag-type sa keyboard. Paglapit namin sa table sa dulo, tinapunan ko ng tingin ang dalawang bagong trainee. Pareho silang agad napatingin sa akin—diretso sa mata ko, halatang kinakabahan pero hindi nagpapa-apekto; biglang tumahimik, pero kita sa kilos na may curiosity siya. Habang tinitingnan ko pa rin sila napansin kong papalapit si Carmina—isa sa mga senior staff dito na kilala sa pagiging masunurin at mabilis kumilos kapag ako ang kausap. Nakangiti siya, pero halata sa kilos ang kaunting kaba. “Sir Ryker,” magalang niyang bati habang bahagyang yumuyuko. “Pasensya na po, pero gusto ko pong ipakilala sa inyo ang dalawang bagong trainees na na-assign dito sa 18th floor.” Saka siya lumingon sa dulong mesa kung saan nakaupo ang dalawang babae na kanina ko lang napansin. Para bang napako saglit ang tingin nila sa amin, halatang hindi inaasahan na makakausap ako sa unang araw nila. Tumayo agad yung mas tahimik at maayos ang postura—siya ang unang lumapit, marahang hawak ang ID na nakasabit sa leeg niya. “Good afternoon po, Sir,” mahina pero malinaw niyang bati. Sumunod naman yung isa, may kaunting pilyong ngiti, pero halatang pinipigilan ang sarili na maging masyadong komportable. “Sir, si Syrelle at si Reevana,” wika ni Carmina. “Magiging bahagi po sila ng OJT program natin for the next few months.” Tinitigan ko sila pareho. Hindi para takutin—pero para sukatin. Tahimik ang paligid; ramdam kong nakikinig ang ibang empleyado, naghihintay kung anong sasabihin ko. “Let’s see,” mahinang sabi ko, pero sapat para marinig nila. “Kung tatagal kayo rito, hindi lang galing sa trabaho ang kailangan—disiplina at tiyaga. Ayoko ng palamunin sa opisina ko.” Bahagyang nanlaki ang mata ni Reevana, habang si Syrelle ay mabilis na tumango na para bang sinusubukang ipakita na naiintindihan niya. “Carmina, ibigay mo na sa kanila ang mga gagawin nila,” utos ko. “Gusto ko makita agad kung gaano kabilis silang kumilos.” Tumango si Carmina, halatang nagmamadaling sumunod, habang ako naman ay tumalikod para ituloy ang pag-inspeksyon ng floor—pero hindi bago muling tumingin sa kanila at mag-iwan ng malamig na tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD