Kabanata Apat

1851 Words
Pagbaba palang niya ng hagdan ng private plane niya dama na niya ang mainit na klema ng panahon tanda na nasa sariling bayan na siya. Inilibot pa niya ang paningin sa malawak na kapaligiran ng NIA, bagong nagtuloytuloy na naglakad balabas. Paglabas niya natanaw na niya ang mga sundo niya. Sinalubong at binati pa siya ng mga ito pero parang wala lang siyang nakita at nadinig diretso lang siya sumakay sa sasakyan niya ang mga tao nadin niya ang nag-ayus ng mga bagahe niya. "Tata Tony sa hospital po tayo" utos niya sa driver niya. na agad naman tumalima Tulad ng nakagawian na niya dumeretso na siya sa kwartong tinutuloyan ng kanya ama. Pagpasok niya sa silid ng ama nakita niyang kinukuhanan pa ng vital ang kanyan ama. Kaya napa kunot noo siya, tahimik lang niya pinagmasdan ang private nurse nito. "good afternoon sir, normal naman po ang vital wala parin pagbabago." anito kaya tinanguan nalang nito. Paglabas ng private nurse ng Daddy niya kinausap nanaman niya ito. "Daddy kumusta na kayo d'yan hindi paba kayo nagsasawang nakahiga nalang d'yan, gumising na kayo Dad. ang tagal niyo ng nakahiga dyan." pambugad niyang bati dito pagkalabas ng nurse. "Daddy smooth naman po ang takbo ng negosyo natin sa Europe maging ang mga hotel sa Canada." aniya pa. "Alam niyo naba Dad na nakakuha na ako ng detalye sa taong bumaril sa inyo kilala ko na sila Dad pagbabayarin ko sila Dad sa ginawa nila sa inyo. Ito na ang simula Dad humanda na sila sakin." aniya dito habang hawak hawak ang halos walang buhay nitong kamay na namumutla. Habang abalang nagwa-washing si Franko ng kanya owner type jeep na puro putik dahil ginamit niya ito sa bukid. Nilapitan siya ng kapitbahay niyang si Tasing. "hoy Franko hindi mo ba napapansin lagi ng may mga motor at mga kotse laging dumadaan dito sa satin, mukhang dayo lang yun mga yun." pagbibida ni Aling Tasing. "matagal ko ng napapansin yan, Tasing palagay ko duon yan mga yan nagpupunta sa ginagawang building sa may dulohan , gagawing pablika yata yun. sagot ni Franko. "sabi kasi ni aling Maring yun may ari ng karenderya dyan sa may kanto nagtanong daw minsan yun mga naka motor sa customer niyang kumakain kung may kilala daw ba silang Franko Zamora. eh di ba ikaw yun?" asik nito "Bakit daw ako tinatanong? sino bang mga yun?" balik niya tanong. "kaya nga sinasabi ko sayo bakit ka nila tinatanong, may nagawa kabang atraso" ani Tasing "ano naman nagawa kung mali nakita naman n'yong lagi ako sa bukid. Bahay bukid lang ako." litanya niya. Siya man napapansin na din niyang laging may umaaligid na naka motor at kotse sa lugar nila. Simula pa ng isang buwan napansin na niya yun, inisip nalang niyang nagpupunta yun sa ginagawan pabrika. Hindi naman niya pwedeng sitahin yun dahil wala naman ginagawang masama dumadaan lang sa kalsada nila. Napaisip tuloy siya sino ba ang mga taong yun. Dayo lang ang mga yun mukha din mamahalin ang mga sasakyan o baka sadya lang na binibigyan ng hindi magandang kahulugan ang pagtatanong ng mga tao dahil hindi nila kilala ang mga yun. Pero bakit siya ang tinatanong ng mga ito. Ano ba ang kaugnayan niya sa mga ito. Sa pag-aalala nakiramdam siya sa paligid nagtanong nadin siya sa mga kapit bahay nila tungkol sa mga dayo. "Ka Pedring musta na kayo dito mukhang may kasayahan kayo ah" bati ni Franko sa kapitbahay nila. "Ikaw pala Franko halika magmiryenda ka muna birthday kasi ng isang apo ko. Saan ba lakad mo niyan?" tanong ni Ka Pedring "Nadaan lang ako Ka Pedring papunta akong bukid ngayon." aniya dahil gusto niyang makasagap ng tsismis binagbigyan niya ito, naupo siya sa mahabang upuang kawayan. Sa paguusap nila ni Ka Pedring. "yun bang mga taong naghahanap sayo nakausap mo na?" tanong nito. "Sino naman taong naghahanap sakin Ka Pedring wala naman akong nagiging bisita maliban nalang yun mga taga dito rin satin, mga kapit bahay lang natin." aniya. "naku nuong isang buwan pa yata yun may nagtanong sakin dito kung kilala daw ba kita, aba'y sabi ko oo, tinanong din akong kung nasaan ka eh di sabi ko nasa bukid ka. alam mo ba nuon sabihin kung ipapatawag kita para mag-kausap kayo ang sabi ba naman sa ibang araw na lang babalik. Pasensiya kana pero duda ako sa mga taong yun. Nuon una akala ko magpapatulong sayo magpapasok sa sundalo dahil may mga kalakihan din ang mga katawan pero nuon sinabi kung ipapatawag kita nagsialisan sila. Kaya mag-iingat ka Franko. Baka may nasagasaan ka nuong panahong nasa serbisyo kapa." babala pa nito sa kanya. Totoong marami silang nakabangang tao nuong nasa serbisyo pa siya, yun mga taong lumalabag sa batas pero matagal ng panahon na yun. Tahimik na ang buhay niya ngayon, silang mag-ama. At kuntento na siya sa buhay nilang mga-ama ngayon. Nakaupo siya sa swivel chair niya at tutuk na tutok siya sa laptop niya sa pagsagot sa mga E-mail niya, marami rami na din diya sasagutin E-mail kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ng isang babaeng biglang humalik sa kanya. "hi! hon miss you na" ani malambing na boses ng babae, kumandong pa ito sa kanya. "what the hell are you doing here? sigaw niya dito sabay tulak niya sa babae. "ouuch ano ba masakit yun" singhal ng babae sa kanya, kaya sa inis niya bigla niyang hinablot ang buhok nito patayo kinaladkad niya ito palabas ng opisina niya. "Dennis ayokong ayukong nakikita pang papasok dito sa building ko ang mag-amang Perez na yan maliwanag ba?" sigaw niya sa assistant niya. "noted sir" anito sa malakas na boses. inalalayan na nito ang babae palabas ng building. "ibalik mo samin ang mga ninakaw mo Clarkson hindi mo kami kayang pabagsakin." naghihisteryang sigaw ng babae habang kilakaladlad ito ni Dennis palayu. Habang abala siya sa pagrerebisa ng mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa niya hindi niya maiwasang sumagi sa isip niya ang pagplaplano sa gagawin niyang maitim na balak na paghihiganti. Kailangang matapos ko ng lahat ng ito para masimulan ko na ang aking plano humanda kana Franko Zamora ikaw ang unang makakatikim ng galit ko isusunod ko ang iyong anak mararanasan niyo kung paano ako magparusa. "Kailangan ko ng matinung report ng Finance department" aniya pagpasok ng secretary niya. "sabihin mo kay Mrs. Roque siya ang magdala ng mga report dito" mariin niya utos dito kaya dali daling lumisan ang secretary niya. Kung hindi lang magaling at masipag ang secretary niya matagal na niya itong dinispatsa, ilang beses naba siya nitong inakit kulang nalang maghubad na ito sa harapan niya, naawa lang siya dito, may sakit ang ina nito, ito din ang nagpaparal sa dawala nitong kapatid. "tsk." naiiling nalang siya "babae nga naman" bulong niya. Sa nakalipas na dalawang linggo sa pagiging abala. Nakapag desisyon na siya bukas ng umaga sisimulan na niya ang plano. Maaga palang gising na siya kailangan niya kumilos dahil kating kati na siya pagbayarin ang mga tao sa likod ng paghihirap ng kanyang ama. Naligo na siya at nagbihis. Suot ang itim na leather jacket, black jeans nagsout na din siya ng black helmet nagmasiguro ng ayus na ang lahat sumakay na siya sa kanyang Black Ducati Testa Stretta NCR Macchia Nera. Gamit ang Global Positioning System tinalunton na niya ang daan patungo sa pakay niyang tao. Kailangan kong pag-aralan ang bawat mong galaw para walang sabit. Sisigoruhin kung mawawala kana sa ibabaw ng mundong ito kailangan mas mauna kay Daddy. Nabibilang na araw mo Franko Zamora. Pagkaraan ng mahigit tatlong oras nakarating din siya sa lugar nakita niya tahimik at payapa ang kapaligiran kung siya ang tatanungin magangdang mamalagi dito. Sariwa ang hangin tahimik, kaya siguro nagpunta ang Daddy niya dito. "Dad kaya kaba nagpunta dito dahil maganda ang lugar? Gusto mo ba dito Dad, meron kabang kilala dito o baka may dinidiskartihan ka dito." tanong niya sa isip niya habang nakahinto siya sa tabi ng kalsada sa ilalim ng puno ng narra, tumingala pa siya nakita niyang naninilaw yun sa kapal ng bulaklak nagkalat din ang mga bulaklak ng narra sa kalsada. Napalinga linga pa siya habang suot parin ang helmet niya. Tanaw niya ang tahanan ng pakay na tao. Two storey house yun kulay puti at asul maganda ang disenyo maraming iba't ibang halamang mamumulaklak, may isang puno din sa harap, hindi kataas ang bakud, itim ang gate may grahe din sa gilid ng bahay may kotseng naka-cover meron din hand tractor na gamit sa bukid. Ayun sa impormante niya may owner type jeep ito na laging gamit, ibig sabahin wala sa bahay ang pakay niya tao. Kung hindi hapon gabi na daw ito kung umuwi dahil nag-iisa lang daw ito sa bahay ang ang nag-iisang anak na babae nito sa manila daw naglalagi buhat nang magaral ito duon. Napabuntong hininga nalang siya ng maalala ang anak nito. Kailangan kung pag-aralan mabuti ang kilos nito. Sumakay nako uli sa aking Ducati, nagpasya akong ikutin ang lugar habang nanghihitay, nagbabakasaling makita ang pakay ko. Habang sakay ako ng motor ko napaisip ako kung saan ba ang bukid nito, pero kailangan kong maging maingat dahil kung hindi ako ang malalagay sa alanganin. Hindi baling magpabalik balik ako sa lugar masiguro ko lang na malinis kung magagawa ang lahat. Ng sumapit ang dapit hapon nakita kung may paparating na isang sasakyan kaya nagkunwari akung nasiraan kunutingting ko ang aking sasakyan habang ang aking mata'y pasimpleng nakatingin sa isang jeep na paparating papunta sa gawi ko mabangal lang ang takbo nito. "iho nasiraan kaba? may maitutulong ba ako?" tanong niya saking pagkahinto ng sasakyan niya sa tapat ko, ibinaling ko ang aking tingin sa taong nagsalita nakita kong nakangiti ito. "ayus lang ho medyo may naipit lang" sagot ko at tumayo na para makita kung mabuti ang mukha nito, tama ito ang ang taong pakay ko. Gusto ko ng sakalin ito nagpipigil lang ako dahil may mga bata paparating sa gawi namin. "ganuon ba siya sige mauna nako, kung may problema ka sabihin mo lang ayun lang ang bahay ko." anito sabay turo sa bahay niya. "mukhang dayo ka rito d'yan kaba galing sa may ginagawang planta? ano ka ba d'yan Architect o Engineer?" dagdag niya pang tanong sakin. pero hindi ko na siya pinansin nakunwaring hindi nadinig ang sinabi niya nagsuot nadin ako ng helmet at ng signed na aalis na kaya bumusina naman ito. Halos dalawang linggo kung minanmanan ang bawat kilos niya ng makabisado ko na ang bawat lakad niya kung saan nagpupunta at kung anong oras at araw. Tiyempo nalang ang kailangan ko, yun walang taong madadamay, yun walang taong makakakita sakin. Pumuwesto na ako upang isakatuparan na ang aking mission, nagsuot ako ng bonet na itim tinakpan ko ang plaka ng aking motor ikinubli ko ito sa isang malaking puno. Sinipat ko siya sa aking dalang lens na nakakabit sa hawak kung baril, sisiguraduhin kung walang masasayang na bala. Nakiramdam pa ako sa paligid at ng makita ko na ang target. Bang!.. Bang!... Bang!... . . . . ..........................................................please follow my account add my stories in your library.. ....."Lady Lhee"..... ....thanksguys..loveu..lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD