"Uncle Frank mukhang gumagayak kayo ah? saan ba punta niyo?" tanong ni Joaquin
"Luluwas ako pa Maynila mamayang madaling araw dadalawin ko si Clara ko na miss ko na anak ko." aniya habang nag-aayus ng mga dadalhin niya para sa anak. Nakasanayan na niyang dalawin ito dalawang beses isang buwan. Nasa ikatlong taon na ito sa koleheyo sa isang University sa Manila.
"Uncle Frank ikimusta nalang n'yo ako kay ate Clara, siguro mas lalong gumanda yun ngayon natira ng maynila" ani Joaquin.
"naku eh dati naman maganda na ang ate Clara mo, mas pumuti pang lalo ngayon, inilalaban nga daw siyang sa mga beauty contest ayaw naman at nahihiya daw, ewan ko sa Ate Clara mo masyadong mahiyain." pahayag nito na nanghihinayang. Kung sasali ito susuportahan niya ito may pera naman silang gagastusin, malaki kinikita niya sa walong ektaryang bukid nila na naipundar nila ng namayapang asawa may pension pa siya. Sila lang naman mag-ama wala naman siyang bisyo, paminsan-minsan umiinom kasama mga kaibigan pag may okasyon lang naman, hindi siya palainom kaya nga madali siyang malasing.
"dadalhin niyo ba uncle yan jeep niyo?" tanong ni Joaquin.
"Hindi na magcu-commute nalang ako kunti lang naman itong dadalhin ko" sagot niya dito " babalik din ako sa hapon baka pasyalan ko din yun kumpate kung General. Kung alam ko lang kung saan hospital dinala yun bago kung kaibigan pupuntahan ko yun, kaya lang baka sa abroad pa dinala ng pamilya yun, mukhang mayaman eh." litanya niya. hanggang ngayon nanghihinayang parin siya at hindi niya nalaman ang pangalan nito.
"Uncle sapalagay niyo ba nabuhay yun taong nabaril?" painosenteng tanong nito.
"oo buhay yun malakas yun, kumayaw pa sakin bago sumakay ng ambulansya." pahayag niya. Naalala niya na halos ayaw bitawan ang kanyang kamay ng lalake. Alam niyang nagpapasalamat yun ayun sa buka ng bibig ng tao. Napabuntong hinunga nalang siya.
"Kung puntahan niyo kaya sa mga hospital Uncle, isa isahin niyo lahat ng malaking hospital sa City, baka makita niyo rin." suhesyon ni Joaquin.
"Naku mahirap yun madaming hospital sa City baka abutin ako ng isang araw sa kahahanap, hula ko nga dinala yun sa ibang bansa, ganun ang mayayaman sa abroad nagpapagamot." anito na naiiling. "kung talagang gusto niya tayong makita siya ang gagawan ng paraan para makita tayo dito. total mayaman naman siya madali nalang para sa kanya yun." dugtong na wika pa niya. Ito ang may utang na loob sa kanila, kaya dapat ito ang gumawa ng paraan para magkita sila o bumalik sa lugar nila.
Samantala sa mansyon nililinis mabuti ni Clark ang 1911 Colt 45 Pistol ng Daddy niya binaklas pa niya ang mga parts nito, isa isa niya nilinisan yun, ang barrel, frame, magazine, grip, trigger at lahat pinunasan mabuti sinigurong walang kalawang at makinis na makinis, puno din ng bala ang magazine nito. Talagang pinaghahandaan na niya ang paghihiganti wala ng makapipigil pa sa kanya maliban nalang kung gigising ang Daddy niya ngayon, pero imposible yatang mangyari.
"Ito na Daddy, ito ang gagamitin ko sa taong dahilan kung bakit hanggang ngayon naka kulong ka parin d'yan sa kwarto mo. Pagbabayaran niya ng malaki ang ginawa niya sa inyo, hindi niya kilala kung sinong binangga niya. One month lang Dad, pag balik ko at hindi kapa nakagising dyang, hahantingin ko na siya at pagbabayarin, ako mismo ang papatay sa kanya para maramdaman naman nila kung gaano kahiram mawalan ng mahal sa buhay. Uubusin ko ang buong pamilya niya. Lahat gagawin ko para maipaghiganti ka Dad." usal niyang mag isa sa kawalan. Habang hawak hawak ang baril at itinututuk kung saan saan na parang may pinupuntirya..
Hinihintay lang niya ang dokumentong makapag bibigay sa kanya ng lead upang matuntun ang salarin. Planado na niyang lahat ng gagawin lahat ng kailangan naihanda na niya.
Maaga siyang nagising, ngayon ang flight niya gamit ang privare plane nila. Paglabas niya ng mansyon nakita na niya si Mang Tony nakatayo ito sa tabi ng kotse niya naghihintay sa kanya, pagkakita nito sa kanya agad na siya nitong nilapitan at kinuha ang luggage niya.
"Tata Tony daan muna tayo ng hospital" utos niya, gusto muna niyang magpaalam sa Daddy niya bago ang flight niya. Sa loob ng mahigit isang taon nasanay na siyang nagpupunta ng hospital para kausapin ito o magpaalam dito tuwing may lakad siya o may mga gagawin importante. Dati sa telepono lang ayus na pero ngayon hindi na pwede hindi narin siya nito nasasagot kahit anong kausap niya dito.
Paglapag ng private plane niya sa London Heathrow Airport inayus na niya ang dapat ayusin, pumila na din siya gusto na niyang magpahinga muna dahil napagod siya sa haba ng biyahe, para bukas bibisitahin niya ang mga negosyo nila.
"Papa" sigaw ni Clara pagkakita sa ama, agad niyang niyakap ito, hinalikan din niya ito sa pisngi. Binati din ang Papa niya ng mga kasamahan niya sa dorm nila puro babae sila doon, apat sila bawat kwarto. Malaki din ang kwarto nila may sariling banyo may maliit na kitchen may kanya kanya silang study table.
"kumusta na kayo dito, wala bang nagiging problema" tanong niya sa mga kasamahan ni Clara.
"wala naman po, ayus lang po kami dito" sagot ng isa.
Bawal pumasok sa loob ng kwarto ng anak niya lalo na kung lalaki pero siya pumapasok siya para i-check ang loob ng kwarto ng mga ito, tinitingnan niya ang mga bintana ang cr lahat bawat sulok in-inistection niya. Sanay naman na ang mga kasamahan ng anak niya sa kanya katunayan anak din ng isang militar ang isa sa kasama ni Clara. Pag nasiguro na niya ayus lang bababa na siya meron naman visiting area sa baba maluwang din yun.
Niyaya niyang pumunta ng mall ang anak dahil araw naman ng linggo at walang itong pasok. Kaya gusto niyang ipamili ito ng mga gamit tulad ng damit at iba pang pangangailangan nito.
"May gusto ka pabang ipabili anak sabihin mo na ng mabili na natin. Yung bang bistidang yun gusto ba yun magada yun" aniya dito sabay turo na naka-display na mga damit.
"Pa pasok nalang tayo sa loob tapos pili din kayo ng damit nyo, huwag naman puro ako nalang binibilhan niyo dapat kayo din bumili ng para sa inyo." wika nito at hinila na siya ni Clara papasok sa loob. "Pa ito oh bagay sa inyo, kunin mo 'to Pa." pamimilit pa ni Clara sa Ama.
Kumain din sila sa isang restaurant. Hapon na ng ihatid niya si Clara sa tinutuloyan nitong domitoryo.
"Anak Clara mag-iingat ka lagi at huwag gala ng gala mag-aral kang mabuti ha" bilin niya dito bago umalis.
"kayo po Pa ingat din kayo, baka po gabihin kayo ng uwi wag na po kayung matatagal kila ninong." pagpapa-aalala niya sa Papa niya.
Hinatid pa niya ng tanaw ang Papa niya bago siya pumunta sa kwartong tinutuluyan.
Habang ka-meeting niya ang mga head department niya nakatanggap siya ng text muna sa kaibigan.
from: Roi: please check your e-mail
from me: ok thanks.
Hihintayin muna niyang matapos ang meeting nila bago siya magbukas ng E-mail niya dahil gusto pa niyang ma-review lahat ng mga report ng ng bawat department ayaw niyang magkaroon ng problem. Sa tatlong linggo niyang pamamalagi sa Europe nakita niyang maayus naman napapatakbo ng mga pinakakatiwalan niyang tao ang negosyo nila. Bukas sa Canada naman ang punta niya para bisitahin ang dalawang hotel nila bago umuwi ng Pilipinas. Ang plano niya sa Canada nalang siya magpapahinga ng isa o dalawang araw para makapag relax naman siya, bago umuwi. Inunat pa niya ang mga braso at tumayo inayus din niya ang damit na medyo nalukot, ganoun din ang kanyan necktie.
Pagdating niya sa tinutuliyang penthouse naligo muna siya dahil gusto niya ihanda ang sarili sa mababasang report ng inbestigador kung gaano karaming tao ang patutumbahin niya, iisa isahin niya ang mga ito kabayaran sa nangyari sa Daddy niya.
Naikuyum niya ang mga kamao nagtangis din ang mga ngipin niya ng makita niya ang report ng inupahan niya tao para hanapin ang taong may ari ng fingerprint na nakuha sa baril ng kanyang ama.
Franko Zamora ex- Marine officer
widower
daughter- Clarita Mae Zamora
Third year College AB Political Science at..
Hindi na niya tinapos basahin pa ang report pagkakita niya sa mga larawan ng mag-ama. Meron din duong larawang nakahawak ito sa baril ng Daddy niya habang nakahiga sa damuhan ang Daddy niya may dugo sa mukha at dibdib malapit sa sarili nitong sasakyan. Kaya lalo siyang nagpupuyos sa galit. Napasutok pa siya sa table niya.
"Bakit?..bakit ikaw pa?" mariin niya wikang paulit ulit habang nakatitig sa naka-ngiting larawan ni Clarita. Ang babaeng lagi niyang tinatanaw sa malayo, ang lagi niyang sinusundan, ang pangarap niyang ligawan, ang unang babaing nagpatibuk ng puso niya, ang babaeng gusto niyang makasama ng habang buhay, ang gusto niya maging ina ng kanya mga anak balang araw. Hindi pa man pero wasak na wasak na siya.
Halos maluha siya sa isiping ang ama nito ang naging dahilan ng mahigit isang taon ng paka-comatose ng Daddy niya. Bago siya nag flight pa Europe hinintay pa niya itong makalabas ng unibesiting pinapasokan nito dahil gusto niyang makita ito, masaya na siyang natatanaw ito kasama pa nito ang ka-klase pag umuuwi malapit din sa school nito. Pinagmasdan niyang mabuti ang larawan ng ama nito. Malaki ang katawan nito mukhang hindi basta basta mapapatumba, matankad din ito. Mukhang sanay talaga sa gera. Ang pinagtata niya bakit umalis ito sa sirbisyo at ngayon isa nalang farmer, meron bang naging record ito. Isa itong highest enlisted rank na military. Hind idinitalye sa report ng hawak niya ngayon hindi rin nakalagay kung ano kinamatay ng asawa nito, ang nakalagay lang wala itong immediate family member, so sila lang mag-ama. Ngayon alam na niya dalawang tao lang makakatikim ng parusa niya, ng paghihiganti niya.
Humanda na kayung mag-ama sa pag uwi ko d'yan makikita na ninyo ang impeyerno, ako mismo ang magdadala sa inyo. Tiim bagang niyang wika. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Sino mang makakita sa kanya ngayong paniguradong matatakot sa mala demonyo niyang anyo.
Nakabuo na siya ng plano para sa anak ng taong lumapastangan sa Daddy niya. Parurusahan niya ito, ito ang makakatikim ng matinding parusa niya. Makilala mo ngayong kung paano magalit at maghiganti ang isang Clarkson Angelo Villaneza, humanda ka Clarita Mae Zamora, pero uunahin ko ang tatay mong kriminal.
.
.
.
.
.
...........................................................please follow my account
and add my stories in your library.
......"Lady Lhee".....
....thanksguys...loveu....lrs..