Kabanata Dalawa

1992 Words
Lumipas ang mga buwan naka coma padin ang Daddy niya. Sa tuwing makikita niya ito, siya ang nahihirapan. Hindi niya matanggap ang sinapit nito. Ano nga ba ang tunay ng dahilan at nabaril ang Daddy niya. Ayun sa balita tinamaan ng ligaw na bala ang Daddy niya, sa pagpapalitan ng bala ng baril ng dalawang magkalabang grupo ng mga drug leader ayun duon nagka onsehan daw kaya naghabolan sa hi-way at isa ang Daddy niya sa tinamaan ng bala. Pero hindi siya naniniwala dahil wala ang Daddy niya sa hi-way nasa isang kalye ito ilang metro ang layo sa hi-way at ang sariling baril nito nasa tabi ng kotse nito. Ayun sa report ng mga inbestigador hindi lang ang Daddy niya ang humawak ng baril nito dahil may nakuha duon ibang fingerprint. Ibig sabihin may umagaw ng baril ng Daddy niya at yun ang ipinutok dito. Sabi ng mga kaibigan niya hintayin nalang daw niyang magising ang Daddy niya dahil ito lang daw ang makapag sasabi kung ano talaga ang tunay na nangyari dito at kung sino ang bumaril dito. Pero hanggang kailan siya maghihintay, kung patay na ang Daddy niya. "Hello Roi..yes wala padin.. no hindi ganun yun.... sige but i need your help bro... yes kahit magkano..okay.. see you.." kausap niya sa kabilang linya, gusto kung malaman kung sino talaga ang bumaril kay Daddy hindi ako titigil hanggat hindi siya nabibigyan ng hustisya. Kung kinakailangan ako mismo ang papatay sa nagtankang patayin si Daddy gagawin ko buhay ang kinuha niya kaya buhay din ang kabayaran at syempre dahil negosyante ako malaki ang tubo ng inutang mong buhay ng aking ama. Bulong niya sa lawalan. "Mr. Villaneza paano mong ma-manage lahat ng business n'yo kung mag-isa kalang? wala kang katuwang sa buhay? wala kang sariling pamilya" nang-uuyam na tanong ng isa sa mga stockholder nila. Habang nagme-meeting sila. Buhat ng ma-hospital ang Daddy niya lagi na siya nito pinag-iinitan. Keno-question nito ang pagiging single niya dahil alam niya patay na patay ang ng iisang anak nitong babae sa kanya. Second College palang siya nang mag-umpisa siyang akitin ng anak nito. Kaya ng malasing siya ng magkayayaan mag-bar duon na may nangyari sa kanila ng anak nito buhat nuon ayaw na siya nitong tantanan kahit anung iwas niya, matanda ang anak nito ng limang taon sa kanya dati ng nakarelasyon ng babae ang amain ng kaibigan niya. Bakit naman niya papatulan ang ganuong klase ng babaeng kung sino sino ng lalake ang sinamahan nuon. Mr. Villaneza anong masasabi mo sa suggestion ni Mr. Perez na kailangan mo ng mag-asawa bilang isang CEO." tanong ng isa pa nilang board. "No need. single or married magagawa ko ang obligasyon ko sa kompanya ko sa katunyan nga naiangat ko pa ito ngayon. Lumaki din ang profits natin ngayon. Kung hindi kuntento si Mr. Perez sa performance ko bilang CEO pwede niyang i-pullout ang share niya sa kompanya ko hindi ako natatakot or let say bibilin ko lahat ng share ni Mr. Perez. Napakaliit lang naman ng share niya." malumanay niyang wika kaya naman napasinghap ang mga tao sa loob ng conference room. Namutla din si Mr. Perez kasama ang anak nito na nakatabi ng upo sa ama. "Atty. Corpuz paki ayus po lahat ng dokumenta ni Mr. Perez kung ayaw ibinta satin paki pullout nalang agad dahil hindi ko kailangan ano man galing sa kanyan" seryusong pahayag niya. "Gusto ko sa susunod na board meeting wala ng Perez dito na makikita ako maliwanag ba Atty?" dagdag pa niya. "Masusunod Mr. Villaneza." Ani Atty. At kilalikot na nito ang laptop nita at ng type duon. Natahimik naman lahat ng tao sa loob. Alam nilang seryuso siya. At pagsinabi niya gagawin niya at wala ng makapipigil sa kanya. "Hindi mo magagawa yan sa samin Clark pinakinabangan mo rin kami" malakas na pahayag ng babae. "At bakit hindi? kung nakinabang ako mas higit kayung nakinabang sa kita ng kumpanya ko at gagawin ko kung ano ang gusto ko. Kaya kung sino mang gustong kumalaban sakin sabihin n'yo na hanggat maaga." pasigaw na niyang pahayag, kaya nagsiyukuan naman halos lahat ng tao sa loob ng conference room, walang nagsalita kahit isa, maging si Mr. Perez hindi nakaimik. Alam nilang lahat na hindi siya kasing bait ng Daddy niya. "This meeting is adjure." aniya sabay tayo at diretsong lumabas ng pinto. Pagpasok niya sa opisina niya hindi muna siya naupo, tumayo siya paharap sa transparent na wall glass ng opisina niya tinawan niya ang malawak na siyudad. Ito ang ginagawa niya para pakalmahin ang init ng ulong nadaraman. Magkaiba sila ng ugali ng Daddy niya kung malambot ang puso ng Daddy niya, siya bakal sa tigas dahil narin siguro sa nangyari sa Daddy niya. Galit siya sa mga walang pusong bumaril dito, kaya hanggang ngayon comatose pa ito. Hindi siya natatakot sa tulad lang ni Mr. Perez na kaya siya ginigipit dahil sa anak nitong kulang na lang maghubad sa harapan niya. Tama na ang minsan may nangyari sa kanila ito naman ang may gusto nuon hindi naman siya. At kung makadikit sa kanya parang asawa na niya ito kung umasta, lahat nalang ng babaing nalalapit sa kanya inaaway. Hindi pa siya nasisiraan ng ulo para pakasalan ang babae. Bata pa siya gusto muna niyang mag enjoy sa pagiging binata. "Pababagsakin ko kayo tingnan lang natin kung anung mangyari sa inyo. Ako pa ang kinalaban ninyo. Hindi ako marunong magpatawad." Piping bulong niya. Kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang trabaho niya dahil maraming umaasa sa kanya. Tambak din ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa niya. Kailangan na din niyang pirmahan ang ibang dokumento, mamaya pupunta pa siya sa hospital. May flight pa siya sa isang araw para bisitahin ang ibang negosyo nila sa ibang bansa. Sa sampung buwan niyang mahigit bilang isang CEO kabisado na niya lahat ng gagawin, dagdag pa ang limang buwan bilang acting CEO ng mabaril ang Daddy niya. Nahirapan din siya bago naging CEO, maraming tumutol sa kanya dahil bata pa daw siya pero kinaya niyang lahat. Ngayon lahat ng kumalaban sa kanya makakatikim ng paghihiganti niya. Kaya humanda na kayo iisa isahin ko kayung lahat. Kailangan ko din hanapin at alamin kung sino ang taong sanhi ng pagka-comatose ni Daddy pagbabayarin kita sa sarili kung kamay ako mismo ang magpaparusa sa iyo. Ako ang papatay sayo gamit ang baril na ginamit mo kay Daddy. Maghintay kalang pagbalik ko. Kailangan ko lang maayus lahat ng mga negosyo bago ako magsimula maningil ng may utang. Naramdaman niyang may biglang yumakap sa likuran niya, hindi niya namalayang nakapasok ito, dahil narin siguro sa lalim ng iniisip niya. Marahan niya hinawakan ang mga kamay nito at pilit inaalis sa pagkakayakap sa katawan niya. Wala siyang maramdamang init o sadyang hindi lang niya gusto ang ganitong uri ng babae. "Babe galit kaba sakin, huwag mo naman ipa-pullout share namin, payag naman ako sa ganito lang tayo. I miss you babe." malambing nitong wika sa kanya. Hinarap siya nito at ikinawit pa sa leeg niya ang mga braso nito. "Excuse me madami pa akung gagawin makakaalis kana." Malaming niyang tungon dito. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa nito bigla nalang siya nito siniil ng halik na hindi niya napaghandaan. May marinig siyang pagtikhim sa likuran nila kaya naman naitulak niya ang babae. "So Mr. Villaneza totoo ngang may relasyon kayo ng aking anak bakit hindi pa kayo magpakasal na dalawa hindi naman ako tutol sa relasyon n'yo." nakangising turan ni Mr. Perez sa kanya. "Dad napag-usapan na namin ni Clark na next month na ang kasal namin kaya be ready Dad." taas kilay na wika nito, na shock siya sa narinig. "f**k!..who told you na magpapakasal ako sayo. Ikaw ang biglang manghalik" sigaw niya sa babaeng nakangisi parin ito sa kanya, ng lingunin niya ang ama nito wala na sa kinatatayuan. Kaya mas lalong napumura siya. Plinalo ng mag-ama yun. Pero hindi siya papayag sa gusto ng mga ito. "Get out!" sigaw niya dito. "I said get the f*****g out of you here." sigaw niya uli, kaya ng hindi parin ito tumitinag sa pagkakaupo sa harap niya. Dinakma na niya ang panga nito at mariing piniga yun sabay kaladkad sa babae palabas ng opisina niya atsaka niya pabalyang itinulak ang babae na naging sanhi ng pagsaldak nito sa tiles na sahig. "Huwag na huwag ka nang magpapakita pa kahit kailan man dahil hindi lang yang matitikman mo sakin. bitch.." sigaw niya sabay palibag ng dahon ng pinto na ng nagbigay ng malakas na ingay. Dinig padin niya ang pagbabanta ng babae. Nahilot niya ang sintido niya matapos niya mapirmahan ang ilang mga dokumentong kailangan. Hindi naging maganda ang araw niya ngayon. Masyado siyang nai-stress. May gusto siyang makita kaya ng mamadali na siya baka hindi niya ito abutan ito lang ang stress reliever niya, nagligpit na siya ng mga gamit niya, iuuwi nalang niya ang ibang trabaho para sa bahay nalang niya gawin, yun naman ang lagi niyang ginagawa. Ipinark na niya ang sasakyan niya sa gilid ng hospital kilalang-kilala na siya dahil araw-araw na siya nagpupunta duon. Tuloy tuloy na siya sa silid kung saan namamalagi ang kanyang ama. Nadatnan niya minamasahe ng private nurse ng Daddy niya ang binti nito "Good evening sir Clark, four minutes nalang po." anito habang patuloy na minamasahe ang binti ng kanyang ama, may oras ang bawat masahe nito sa bawat parte ng katawan ng Daddy niya. Masipag ang nakuha niyang nurse may malasakit sa Daddy niya. Dalawang beses sa isang araw nito minamasahe ang Daddy niya. Alagang alaga nito ang Daddy niya minsan nadadatnan niya itong kinakausap ang Daddy niya, binabasahan ng libro, minamasahe ang halos buong katawan para hindi na raw mahirapan kung magising ito kunting therapy nalang daw kailangan, ginugupitan ng buhok at kuko kasama na ang balbas at begote. Laging binibihisan minsan nakikita niya medyo nakatagilid ang higa nito para hindi raw magka-bed sore. Kaya naman hindi siya nanghihinayang sa binabayad niya dito binibigyan din niya ito ng bonus. Halos hindi na ito umuuwi sa bahay nila dito na ito natutulog, binabaunan nalang ng mga kapatid niya nakilala nadin niya ang tatlong kapatid nito. Ayun dito namatay sa isang aksedente ang mga magulang nito kasama ang walong buwang gulang na kapatid nila. Kaya ngayon ito na ang nagpapaaral sa mga kapatid niya, kasama daw ng mga ito ang lola nila sa bahay, meron din daw itong maliit na tindahan sa bahay nila na binabantayan ng lola nito. Kaya hindi kata-kata kung bakit napakasipag nito. "Ayus na po sir maiwan ko napo kayo muna. anito na pumutol sa pagmumuni-muni niya. "Wala bang naging pagbabago sa lagay ni Daddy?" tanong niya dito. "Ganuon parin sir normal naman ang vital niya sir sabi ni Doc. malaki daw ang posibelidad na magising ang pasyente pero wala pang katiyakan kung kailan. Pray lang tayo sir." anito at lumabas na ng kwarto. "Dad kumusta kana dito hindi kaba nagsasawang nakahiga nalang d'yan, gumising kana Dad bukas may flight nanaman ako tulog ka padin. Miss na miss na kita Dad gising na Dad mahigit isang taon kana dyan magbi-birthday ka nanaman ba d'yan sa kama mo? please dad wake up na po." pakiusap niya dito habang tumutulo ang masanang luha sa pisngi. Hindi niya mapigilan hindi umiyak sa tuwing makikita niya ang kalagayan ng kanyang ama. "Pagbabayarin ko ang may sala nito sayo Dad kinukumpleto ko lang lahat ng detalye at maninigil nako. Sa pagbabalik ko Dad uumpisahan ko ng manigil iisa-isahin ko sila. Uunahin ko ang taong may sala sa inyo ako mismo ang ang maninigil sa akin sila magbabayad, pagdurusan nila ang ginawa nila sayo Dad. Mahal akung manigil Dad." litanya niya dito. Kinoyum niya ang mga kamao at sumumpang maghihiganti sa lahat ng nagkasala sa kanila. "I'm not Clarkson Angelo Villaneza for nothing." mariin niyang wika sa kawalan, habang nagtatangis ang kanya bagang. . . . . . ............................................................ please follow my account and add my stories in your library... ....."Lady Lhee"...... ..thanksguys...loveu....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD