Kabanata Dalawangput Dalawa

2025 Words
Nawawalan na ako ng pag-asang makikita pa si Mommy anim na buwan ng mahingit pero wala paring mapagkakakilanlan tungkol kay Mommy. Nalibut na nilang lahat ng may posibilidad na pwede niyang puntahan o tinirhan pero wala padin maibigay na kahit katiting na information tungkol kay Mommy. "Sir wala po talaga kaming makuhang inpormasyon tungkol sa Mommy niyo maging sa mga probinsya, pinakalat ko narin sa iba pang probinsya ang mga tao ko pero wala talaga sir. Sa palagay niyo kaya maninirahan ang mother niyo sa mga liblib na lugar 'yun nalang kasi ang hindi namin mapupuntahan. Gusto n'yo sa parting Mindanao naman kami maghahanap." Mahabang paliwanag ni Agent Travis. "Kung kinakailangan halughugin niyo ang buong Pilipinas gawin n'yo para lang makita ang aking ina. Magbabayad ako kahit magkano" utos ko sa kanya. Aanhin ko ba ang mga pera ko wala naman na akung ibang pamilya para pag-laanan pa. Wala na ang babaing minsan pinangarap kung makasama ng habang buhay. Wala na akung pinaglalaanan pa ng mga ito Si Mommy nalang ang nag-iisang tao na pwede kung makasama at alayan ng kung anung meron ako. Araw-araw akung nagdarasan sa Panginoon na sana mahanap na ang aking ina. Siya nalang ang nag-iisang taong gusto kung makita at makasama at kung may sarili man siyang pamilya mamahalin ko rin. "Dennis alam niyo na ba kung sino sumabutahi ng airline ko? Gusto kung malaman kung sino siya at kung bakit niya ako kinalaban. Ano ang atraso ko sa kanya?" tanong ko sa assistant ko. Dahil hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino siya dalawang taon na ang nakakalipas ng mawala sa aking ang mga hotel at airline ko. "Wala pa sir mukhang ayaw magpakilala. Hindi siya lumalantad sa mga tao. Wala din makapagsabi kung babae o lalaki. Masyadong misteryosong tao sir." litaniya ni Dennis. Hindi naman ako maghahabol gusto ko lang siyang makilala. Kung magsusumikap pa ako kikitain ko rin ang kita sa mga nawala sakin. Nakakasama din ng loob ang nangayari pero wala akung magagawa pinabayaan ko ang lahat. Hindi ko inintindi na may mga buwitreng nakapalingid sa aking at handang sumalakay pagnalingat ako. Magtatayo nalang ako ng panay bagong negosyo. At hahanap ng gustong mag-invest saking mga negosyo. Pero sa ngayon gusto kung makita muna si Mommy dahil siya ang pinaka importante sa akin. Samantala busy naman si Ella sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila kailagan nilang bumawi dahil ilang buwan din niyang hindi naasikaso ang mga negosyo nila dahil sa kalagayan ng Mama Lorena niya kailangan niyang tutokan ang kalusugan nito. Kung hindi baka mawala na ito ng lubusan sa kanila. Sa ngayon twice a month nalang ang check up nito sa loob ng anim na buwan kaya tumagal pa sila dito ng one year sa Australia. Maganda naman naging resulta maging ang Nanay Caring niya'y matutuwa ng malamang ligtas na ito sa ano mang kapahamakan. Suggestion nga niya sa hacienda ito mamalagi dahil tahimik at sariwa ang hangin doon pero ayaw nito, gusto daw nito siya muna ang magpapatakbo uli ng mga negosyo nito. Masaya kung pinagmamasdan sila Mama Lorena katabi niya si Franz sa center table namin dito sa living room nagdra-drawing sila habang pinanunuod siya ni Mama, binigyan siya ng mga sketchbooks ni Rem. Marami ng alam na isulat at basahin si Franz bago ko pa nai-enroll dito dahil lagi siyang tinuturuan ni Mama magbasa at sumulat marunong na din siya magbilang. Itatapat namin ang bakasyon ng klase dito sa paguwi nila para hindi masayang ang isang taong pag-aaral niya. Bumalik na ang dating sigla ni Mama mamulamula na din ang kutis niyang maputla dati. Tumaba narin siya. Kaya masaya kaming malaman balik na sa dati ang kalusugan ni Mama. Isang taon na din mula ng maopera siya. Sa bakasyon uuwi na daw sila ako nalang maiiwan dahil may mga bago akung project dito. Magkasosyo kami ni Rem sa negosyo. After ng mailibing sa pinas ang Lola niya bumalik siya dito sa Australia dahil may negosyo din pala sila dito. Kinumbinsi niya akong magnegosyo nalang kaming dalawa. Magaling din siya sa negosyo kaya napapayag niya akung magtayo kami ng isang Hotel and Restaurant malapit sa isang sikat na beach. Maraming toristang dumadayo sa lugar maganda din ang view na alam kung papatok sa mga tao. Mahihinang katok sa pinto ang aking marinig kaya agad akung napatayo. Para pagbuksan kung sino man ang taong kumakatok. "Hi! good evening" bati niya agad sakin pagbukas ko palang ng pinto. "Ano naman ang good sa evening kagagaling mo lang dito andito ka nanaman." pag-aasar ko pa sa kanya. Pero ngumisi lang siya sakin at nagtulutuloy ng pumasok sa loob ng bahay. Sanay na sanay na siya dito sa bahay wala naman daw siyang ibang pwedeng puntahan maliban dito. "Papa Rem." sigaw naman agad ng anak ko ng makita siya. Siya ang nagturo sa anak kung Papa Rem ang itawag sa kanya. Magkasundo sila ng anak ko maging si Mama makuha niya ang loob. Mabait naman si Rem marunong makibagay. Matangkad siya at alaga sa gym ang katawan niya. Minsan isinasama niya akong mag-gym dahil hilig ko rin sumasama ako sa kanya. Noon una nagtataka pa siya kung bakit may alam ako sa martial art sabi ko nalang nag-aral ako nuong high school pa ako, hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na identity ko. Ayaw kung mag-usisa pa siya. Hindi ko rin naman gustong pag-usapan pa ang tungkol sa nakaraan ko. Ayaw ko na rin may makaalam kahit si Mama Lorena hindi pa rin niya alam. Alam kung hinihintay lang niya akung magkwento pero hindi pa ako handa. "Labas naman tayo minsan sama natin si Franz. Ipasyal natin siya." aniya sakin. "Lagi na nga natin ipinapasyal si Franz, sawa na nga yan sa kapapasyal." aniko sa kay Rem "Edi mag-mall nalang tayo tapos kain tayo." pagkukumbinsi pa niya sakin. "Yes I'll come with you Papa Rem." masayang wika naman ng anak ko kaya wala akung nagawa. "Puro ka lakwatsa" aniko at inirapan pa siya. "Pag-umuwi na sila sa pinas mamimiss ko si Franz kaya sinusulit ko na ngayon hanggat andito siya. aniya at makipag apir pa sa anak ko. Wala akung panama sa kanilang dalawa kung minsan maging si Mama Lorena kampi sa kanya. Kung minsan naman si Mama pa ang nagtutulak sakin kay Rem kesyo mabait daw ito at mapagkakatiwalaan. Magaling din daw sa negosyo. Alam ko na ang ibig ipakahulogan ni Mama dahil madalas niyang sabihin magiging mabuting asawa at ama si Rem at swete daw ang mapapangasawa nito. Pero hindi pa ako handang makipagrelasyon, tama na muna ang aking anak. Siya ang kaligayahan at buhay ko sa ngayon. Sariwa pa sa isipang ko ang mga bangutngot ng nakaraan. ..... Papasakay na ako sa kotse ko para puntahan ang ka-meeting ko. Nang may narinig akung tumatawag sa akin kaya napalingon ako sa may likuran ko. Sir! sir! can we talk, just a minutes." humihingal na saad ni Agent Travis sakin malamang nagtatakbo pa ito para habulin ako. Kaya tinanguan ko nalang siya. "D'yan na sir sa loob ng sasakyan n'yo" dagdag pa niya at nauna pa siyang pumasok sa sasakyan ko at umupo sa passenger seat kaya wala na akung nagawa kundi sumakay na din. Nakita ko naman may hinigot siyang nakatuping brown envelope sa loob ng coat na suot niya pagkaupo niya. "Sir paki check nyo yang mga picture, nakuha ko yang kahapon ng sunduin ko mga kapatid ko sa airport. Kasabay nila yan sa arrival area." aniya at inabot niya sa akin ang mga larawan ng isang babae bagamat may edad na'y nababakas mo pa rin ang angking kagandahan nito may hawak na batang lalaki ang isang kamay nito. "Sir may pagkakahawig sa inyo ang batang lalaki kaya nagkahinala akung siya 'yung pinahahanap niyo. Tama ba sir ako.?" tanong niya sakin habang titig na titig siya saking mukha. Maluhaluha naman ako ng makita ko ang mga larawan. May kung anung pakiramdam akong nadama na hindi ko maintindihan. Malakas din ang kabog ng dibdib ko ng titigan ko ang mga larawan isa-isa lalo na ang batang lalaki. "Ganyan din sir yun picture n'yo nuong bata pa kayo na pinakita n'yo sakin. Parang younger version niyo yun bata. Wala ba kayung kakambal? Baka naman anak niya yan." dagdag pa niya. "Hindi ko alam kung may kakambal ako. Wala naman nabangit ang Daddy ko. Ang alam ko nag-iisa lang ako. Siya nga ang aking ina." aniko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kung nagunahang maglandas sa aking pisngi. "Ano pang information nakuha mo sa kanya? Saan siya nakatira? Hindi mo ba inalam kung sino yun bata?" sunod sunod na tanong sa kanya. "Wala pa sir akung nakukuhang detalye tungkol sa kanya. Kaya nga pinuntahan ko kayo agad kung siya nga ang iyong ina." aniya "Yes she's my Mom. Please find her. Alamin mo kung saan sila nakatira. Gusto kung malaman lahat ng tungkol sa kanya sa lalong madaling panahon." utos ko sa kanya. "Give me three days sir. May kaibigan akong konektado sa mga dumarating at umaalis na mga pasahero ng mga eroplano. Madali nalang mahahanap yun kung kahapon lang sila dumating ng bansa." aniya na parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya. "Mauna na sir ako sa inyo pasensiya na sa abala." aniya at lumabas na ng sasakya ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak sa nalamang buhay pa ang aking ina. Nawalan na ako ng pag-asa pang makita siya. Naisip kung baka lumisan na rin siya sa mundong ibabaw hindi pala at buhay na buhay pa siya. At may kasama pang bata na malaki ang hawig sa akin. Sino ba siya, kanino kaya siya anak. Mga tanong na alam kung masasagot din pag dating oras. Palaisipan parin sa akin kung sino ang batang lalaki na kasama ng aking ina. Bakit nga ba kamukha ko siya may kapatid kaya ako. Mga tanong na hindi maalis-alis sa isipan ko. Gustong gusto ko na silang makita ng personal at mayakap. Sigurado akung kamag-anak ko ang batang lalaki. Iba ang nararamdaman ko para sa kanya parang sabik na sabik akung mayakap at mahagkan siya kahit sa letrato ko palang sila nakikita. Pinahid ko ang aking mga luha sa aking pisngi at muli kung tinitigan ang mga larawan na bigay sa akin ng agent ko. Bago ko tinago sa loob ng attachè case. At inis-start ang kotse ko pupuntahan ko pa ang ka-meeting ko. May ngiti ako sa mga labi habang bumibiyahe kunti nalang ang ipaghihintay ko magkikita na rin kami ni Mommy. Mayayakap ko na uli siya. "Dad malapit ko ng makausap si Mommy matutupad ko na ang hiling ninyo" usal ko sa hangin. Paano ko kaya ia-approach si Mommy. Ano nga bang magiging reaksyon ng aking ina pagnalaman niyang buhay na buhay ako at hindi totoong namatay tulad ng sinabi ni Daddy sa kanya. Mapatawad kaya niya si Daddy sa pagtatago niya sakin ng mahabang panahon sa pagsisinungaling nito sa kanya. Ano bang dahilan bakit magkahiwalay sila. Bakit hinayaan ni Daddy na hindi ko nakapiling si Mommy. Ano nga ba ang istorya nila. "Mr..Villaneza are you alright?" tanong ni Atty. Santos sakin isa sa ka-meeting ko. Dito sa private room ng isang sikat na restaurant. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala niya sa akin. "I'm ok Atty. medyo puyat lang." pagdadahilan ko sa kanila. Dahil kanina pa lumilipad ang isip ko. Dahil sa mga nalaman ko tungkol sa aking ina. Iniisip ko na kung paano ako magpapakilala sa kanya. Ano bang dapat kung gawin baka hindi ako paniwalaan ni Mommy na ako ang anak nila ni Daddy. Natapos ang meeting namin ng wala akung naintindihan. Kaya nag-request uli ako ng isa pang meeting para mapagisipan kong mabuti ang mga suggestion and proposal nila sa itatayo kung bagong project. Sino ba naman makapag-iisip kung ganito ang nararamdaman mo. Sabik, saya, at pangungulila ang nadarama ko. Kumakabog din ang dibdib ko dahil sa muli naming pagkikita ni Mommy. Natatakot din ako na baka i-reject niyang anak niya ako, na sa haba ng panahon ngayon lang ako magpapakilala sa kanya. . . . . . . . ......................................................... please follow my account and add my stories in your library. ..........."Lady Lhee".......... ...thanksguys....loveu....lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD