Kabanata Dalawangput Isa

2040 Words
Isang pagyug-yug ang gumising sa himbing kung pagkakatulog. "Elllaaa! Elllaa! wake up." tawag niya sa pangalang kung may pagmamadali. "Hhhmmm.." tanging tugon ko dahil antok na antok pa ako. "Ella ang Mama mo." ulit niya tawag sakin na may kalakasan na kaya mapabalikwas ako ng bangon na muntik ko pang ikahulog mula sa hinihigan ko buti nalang nasalo ako ni Rem. "Gumagalaw na ang mga daliri niya. anas niya sa mukha ko kaya nagmamadali na akung bumangon at naglakad palapit sa kama ni Mama Lorena. "Mama" bulalas kung bigla nangmakitang gumalaw ang isang kamay niya nakita ko namang pinindot ni Rem ang emergency red button sa may ulunan ni Mama Lorena. Ilan minuto lang nagpasukan na ang mga Nurse at Doctor. Hinila naman ako papalayo sa kama ni Rem para magbigay daan sa Doctor at nurse nakita kung kinuhanan ng vital si Mama. Nakita ko ring kumurap-kurap ang mga mata niya. "Lorenz anak" dinig na dinig kung tawag ni Mama sa namamaus na boses. Kaya naiyak ako dahil ako ang andito pero iba ang tinatawag niya. Nakita kung pumikit siya uli ng mariin at ng idilat niya ang mga mata niya. Tumingin siya sa gawi namin ni Rem dahil inaalalay niya ako. "Lorenz" bigkas niya uli. Kaya mas lalo akung naiyak. Maramdaman kung niyakap ako ni Rem para patahanin banayad din niyang hinahagod ang aking likod. "E-el-la." tawag niya na parang hirap pa niyang sambitin. Kaya lumapit na ako sa kama niya. "Mama Lorena." tawag ko sa kanyang umiiyak hinawakan ko pa siya sa kamay. Nakita ko naman ngumiti siya. "Mama ano pong masakit sa inyo? Nagugutom na po ba kayo?" sunod-sunod kung tanong sa kanya. "Anak nauuhaw ako" aniya sakin. Masayang masaya ako at nagising na si Mama Lorena kahit hindi ako ang una niyang tinawag. Matapos siya painumin ng kunting tubig. Nakatulog uli siya dahil daw sa gamot. Muli'y pinagmasdan ko ang magandang mukha niya na natutulog mas maaliwalas na ngayon. Wala narin ang nasal oxygen cannula sa ilong niya. Tanging swero nalang ang makakabit sa isang kamay niya. "Ayus ka lang ba? Sino nga pala tinatawag niya kanina? tanong ni Rem sakin. "Si Kuya Lorenz." aniko. "Nasaan na siya bakit hindi mo tawagan at papuntahin dito." saad niya. Na ikinasimangot ko naman. "Saan ko siya tatatwagan eh nasa ilalim na siya ng lupa may signal ba doon?" pangiinis ko naman sa kanya na ikinangisi niya. "Baby palang ng mamatay siya ayun kay Mama." dagdag ko. "Sorry akala ko andito lang siya." aniya ng peace signed pa siya. "Ang Lola mo musta na siya. Ayus lang ba siya?" tanong ko nalang. Alam kung nag-aalala din siya sa Lola niya ayaw lang niyang ipahalata, ayaw niyang nakikita ko siyang umiiyak pero alam kung nagdurugo din ang puso niya dahil hindi na daw magtatagal ang Lola niya oras nalang daw ang binibilang nito. Hindi na rin daw nakakakilala. At ang taging tinatawag na pangalan ay ang matagal ng namayapang asawa nito. Ganuon talaga ang buhay may hangganan ang bawat isa. May nakalaan para sa kanila kung hanggang saan lang tayo. Mahirap man tanggapin pero wala tayung magagawa pagbinawi na ang hiram nating buhay. Tulad nalang ni Papa kung saan man siya ngayon sana maligaya siya, alam kung magkasama na sila ni Mama. Siguro masaya nadin siya para samin dahil nakilala ko na ang aking kapatid na matagal na tinago ni Papa samin. Siya siguro yun pinupuntahan niya pag dinadalaw niya ako noon nasa college pa ako. "Mama Lorena may masakit pa po sa inyo? Nagugutom po ba kayo?" sunod sunod na tanong ko kay Mama Lorena ng makita kung gising na siya. "Medyo makirot lang itong surgery ko. Pero kaya ko pa naman." nakangiti na niyang sagot hindi katulad kanina na walang akung makitang emosyon sa mga mata niya. Hindi ko maaninag kung anung gusto niya ipahiwatig. "Tatawagin ko lang ang Doctor Ma, itatanong ko kung anung pwede n'yong kainin." aniko. Dahil sabi ng Doc hindi pa siya pweding kumain ng mga solid food. "Sino nga pala yung kasama mong lalaki kanina? Nasaan na siya?" tanong ni Mama. "Si Rem po yun d'yan sa kabila ang room ng Lola niya. Hindi ko po siya nakikita simula kanina. Baka nagbabatay siya sa Lola niya." Paliwanag ko kay Mama. "Bakit po n'yo siya hinahanap?" dagdag tanong ko. Umiling-iling lang siya. "Kailan ba tayo lalabas dito? Nasaan nga pala si Franz? Sinong nag-aalaga sa kanya?" sunod-sunod na tanong ni Mama Lorena kita ko sa mga mata niya ang pag-alala. "Under observation pa po kayo i-che-check pa nila kung magtutuloy-tuloy na daw po 'yun magandang heartbeat n'yo although normal namal na daw lahat pero kailangan mag-ingat din tayo baka daw po mga one week pa bago kayo makalabas. Hindi po muna tayo uuwi sa pinas kailangan magpalakas muna kayo dito." mahabang paliwanag ko kay Mama Lorena dahil mukhang maiinip na siya. "Huwag po kayung mag-alala kay Franz anduon naman 'yung yaya niya. Katatawag ko sa kanila kangina. Namiss ka na daw Franz Ma." dagdag ko pa. Para hindi na siya mag-alala pa. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Rem gusto ko man puntahan sa room ng Lola niya hindi ko naman magawa at walang kasama si Mama lalo na kung magpupunta siya ng toilet dahil wala na siyan catheter kailangan alalayan ko pa siya. Nahihirapan din siyang bumango dahil sa sugat niya. Hinintay ko munang makatulog ng mahimbing si Mama Lorena bago ako lumabas ng kwarto niya. Gusto kung makita si Rem kahit saglit lang. Nag-aalala din ako sa kanya baka kung anung nangyari na. "She's gone. She's die peacefully in her grandson loving arms." .. "s**t" ang tanging sambit ko matapos kung marining sa isang Taiwanese nurse na wala na ang lola ni Rem. Ni hindi ko man lang napasalamatan ang nurse na napagtanungan ko basta nalang ako napaupo sa bench sa may tabi ko. Nanamatay na pala noong isang araw pa ang Lola ni Rem ayun pa sa nurse. Kaya pala hindi na niya ako pinupuntahan hindi ko man lang siya nadamayan. Pagbalik ko sa kwarto ni Mama Lorena himbing paring siyang natutulog kaya kinuha ko ang aking laptop at naupo nalang sa tabi ng kama niya. Dito ko mino-monitor ang takbo ng mga negosyo namin, dito ko na inasagot ang mga e-mails na natatanggap ko. Kailangan kung makita ang in and out cash flow ng mga negosyo namin dahil ayaw ko ng maulit pa ang nangyari noon. Lahat ng makikita kung gagawa ng kalukohan tatanggalin ko agad sisigurohin kung magdurusa siya. "Mama Lorena pinayagan na po kayong lumabas ng Doctor n'yo bukas pero kailangan ko kayung ibalik next week for follow up check up. Apat na linggong sunod daw po ang gagawing check up sa inyo. Kaya every week po pupunta tayo dito. Siguro mga three to four months pa tayung mag-stay dito bago makauwi sa pinas." paliwanag ko kay Mama dahil nakukulitan na ako sa kanya maya't maya nalang niya akung tinatatanong kung kailan siya lalabas. "Naiinip na ako dito lagin nalang akung nakahiga. Parang nanghihina ako lalo dito. Namimiss ko na si Franz." aniya. Naiintindihan ko naman siya, ako nga rin naiinip na andito lang ako nakakulong sa kwarto niya na puro gamot lang maamoy ko. "Kakausap palang n'yo kay Franz kani-kanina lang na miss niyo agad." bulalas ko. Kahit ako miss miss ko nadin ang anak ko. "Nasanay na akong siya ang lagi kung kausap at kasama kahit may kakulitan ang anak mo. Naalala ko sa kanya ang kuya Lorenz mo. Kung nabubuhay lang siya sigurado akung magkakasundo kayong dalawa." aniya. Nakita ko nanaman ang malamlam na mata ni Mama sa tuwing maalala niya si Kuya Lorenz. Kung nabubuhay kaya siya tatanggapin din niya kaya kami. Aampunin din niya kaya ako, sirugo hindi na dahil may anak siya. Baka sa lansangan kami ngayon nakatira ng anak ko. Malaki ang pinagbago ng buhay ko mula ng kupkupin niya kami, pinag-aral niya ako, binigyan ng magandang buhay, pinagkatiwalaan sa mga negosyo niya. Wala na akung mahihiling pa kung hindi ang mapahaba pa ang buhay ng taong pinagkakautangan ko ng kung anung meron ako ngayon kami ng anak ko. Kaya lahat gagawin ko para sayo Mama Lorena. "Na-c-cr ako" dinig kung sabi ni Mama kaya nilingon ko siya at tumayo nagdahan dahan na siyang bumangon tukop ng isang kamay niya ang kanyang dibdib na may sugat. Nagmakalapit ako sa kanya hinawakan ko siya sa isang braso. Atsaka ko hinila ng isang kamay ko ang stand ng swero niya. "Ayus lang ba kayo? Masakit pa ba sugat niyo? sunod sunod na tanong ko. dahil nakita kung hinihimas pa niya ang dibdib niya. "Hindi na masakit baka lang masagi kaya hinahawakan ko." aniya. Masakit daw kasi pagnasasagi niya. Dahan dahan na siyang naglakad papasok sa cr nakasunod naman ako tulak-tulak ko ang kinasasabitan ng swero niya. Ganito lang ang ginagawa ko sa tuwing pupunta siya sa banyo, buti nalang hindi siya nagdi-diaper. Hindi ko na din siya sinusubuan siya na ang nagsusubo sa sarili niya nililinis ko nalang katawan niya. "Mama iwan muna kita dito aayusin ko lang mga papers na kailan natin para makalabas na tayo." aniko ko kay Mama Lorena ngayon ang araw ng discharge niya. Kaya nakahinga na kami ng maluwag ni Mama. Kahapon pinaubus nalang 'yung laman ng swero niya para makauwi na kami. Ito na nga kaya excited na akung makauwi kami. "Ayus na ba nakabayad kana ng bills niyo? Kung may problema pa magsabi ka lang baka makatulong ako." aniya sakin nagmasalubong ko siya dito sa hallway. Siya na ang nagprisintang susundo at maghahatid sa amin ni Mama sa bahay namin. "Ok na hinihintay ko nalang 'yun discharge papers namin at yun reseta ng iinumin gamot ni Mama." tungon ko sa kanya. "Pasuyo naman paki puntahan nalang si Mama sa kwarto niya wala siyang kasama doon." dagdag ko nalang para hindi na siya mag-alala pa. Lagi nalang siyang andyan sa tabi ko nakaalalay samin ni Mama. Alam kung nagdadalamhati pa siya sa pagpanaw ng Lola niya. Isang linggo lang siya sa pinas bumalik na siya dito dahil may naiwan daw siyang negosyo dito. Kahapon lang siya dumating dito. Pero nagmalaman niya andito pa kami sa hospital pinuntahan pa kami kagabi at tinitulongan parin niya kami ni Mama. "Ikaw na umalalay kay Tita ako ng magbubuhat niyang mga gamit 'nyo." aniya at kinuha na niya mga gamit namin. Madami rin kasi akung dinala mga gamit dahil isang buwan kaming namalagi dito sa hospital. Tulak tulak ko ang wheelchair ni Mama papalabas na kami ng hospita kasunod namin ang isang nurse na umaalalay din sa amin habang si Rem nauuna sa amin bitbit niya ang mga gamit namin. "Salamat naman at makakauwi na rin ako. Ayaw ko na d'yan sa hospital nakakabagot." reklamo pa ni Mama pagkasakay niya sa kotse ni Rem. Kaya natawa naman ako. Kita kung masigla na si Mama. "Mama babalik pa tayo ng hospital next week for your check up." aniko baka makakalimutan niyang may weekly check up siya. "At least hindi na ako magtatagal dyan." katwiran pa niya. "Samahan ko na kayo sa check up niyo Tita." sabad naman ni Rem. "Naku hijo masyado na kaming nakakaabala sayo may mga nesgosyo ka pang inaasikaso." tungon naman ni Mama. "Wala po 'yun Tita hindi naman po ako busy. Gusto ko po ginagawa ko. Hayaan na po niyo ako. Pamilya ko narin po kayo" aniya kaya tinaasan ko siya ng kilay pero kinindatan lang niya ako. Mabait naman talaga si Rem. Gusto daw niyang makilala ang anak ko kaya nagpipilit sumama sa bahay namin. Wala rin akung magawa sa kakulitan niya maging si Mama hinahayan lang siya, mabait naman daw sabi pa ni Mama. At palagay ang loob niya kay Rem. Sana daw tulad nalang daw ni Rem ang piliing kung maging karelasyon. Maaasahan at mapagmahal daw paano naman kung malaman niya ang mga nakaraan ko kung paano ako pahirapan ng isang halimaw. Kung paano niya ako binaboy. Baka pandirihan lang niya ako pagdating ng araw. Ako din ang magiging kawawa lalo na ang aking anak baka isisi pa nila sa anak ko ang lahat dahil siya ang bunga ng kahayupan niya. .. . . . . . . ......................................................... please follow my account and ... add my stories in your library.. ............."Lady Lhee"............. .....thanksguys....loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD