Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa mga sinasabi ng anak ko tungkol sa anak ni Mama Lorena na si Lorenz. Sino ba siya at bakit siya pumayag na tawagin na Daddy ni Franz. Maging si Mama Lorena sinasabing kamukha daw ni Franz si Lorenz pwede ba yun hindi naman sila magkamag-anak. Hindi naman sila magka-dugo. Matatanggap kaya niya ako bilang kapatid niya kahit hindi kami magka-dugo. Kukunin na kaya niya lahat ng meron kami. Ngayon nakita na ni Mama Lorena ang anak niya siguradong maiitsa-pwera na kami ng anak ko. Paano na kami ngayon, lahat ng pinaghirapan ko mapupunta na sa tunay niyang anak at mababaliwala na kami. Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip. Pero tama naman blood is thicker than water ika nga. Ako pinulot lang na isang basura. Ngayon may posibilidad na bumalik nala

