Nagising akung may mga malilit na kamay na humahaplos saking mukha kaya bigla ko 'yun dinakma. "Huli ka!" sigaw ko na ikigulat ng aking anak. "Mom.." aniya na nakasimangot. May sumpong nanaman siya. Kaya niyakap ko nalang at hinalikan. "Mom enough." reklamo niya. "How's school?" tanong ko naman ng makita siyang makasimangot parin. "Wait lang po may ipapakita ako." aniya at nagtatakbo ng lumabas ng kwarto ko. "What's this?" tanong ko sa kanya ng iabot niya sakin ang brown envelope kaya inilabas ko ang mga papel sa loob nuon nakita ko naman na test papers yun. Kaya binuklat ko isa-isa. "Wow! Ang galing naman ng baby ko manang mana talaga sakin." komento ko ng makita kung marami siya perfect score. "Sabi po ni Daddy sa kanya daw ako nagmana kasi matalino daw siya." aniya at tumulis pa

