Kabanata Labing Apat

2104 Words
Naluluha akong pinagmamasdan silang lahat na masayang nagbibiruan at kumakain may mga batang naghahabulan, may mga kumain at meron ilang batang umiiyak dahil hindi naibigay ang gusto. At ang punong abala ang aking kinilalang pangalawang ina si Mama Lorena. Eto ang unang kaarawan ng aking anak na si Baby Franz. Gusto ko sanang simpleng pagdiriwang lang gaganapin pero ayaw pumayag ni Mama Lorena, mahalaga daw ang unang kaarawan. "Gising na ba ang atin prinsipe" tanong ni Mama Lorena. Dahil nakatulog siya sakin mga bisig sa pagod sa kalalaro kanina. "Opo bibihisan ko lang siya sandali." aniko at dali dali nakong pumasok sa loob ng bahay namin dito sa California, USA. May mga negosyo si Mama Lorena dito. Gabi ng nag-alisan ang mga bisita namin at mukhang pagod na pagod ang aking anak dahil himbing ng natutulog uli ma kahit anung gawing ko tulog na tulog parin. "May na-aalala ako na kamukha ni Franz. May hawig siya sa namatay kong anak na lalaki ang kuya Lorenz mo, ganyang ganyan din siya nuong isang taon gulang palang siya." madamdamin wika niya habang tigtig na titig siya sa mukha ng aking anak na natutulog. "Mama Lorena marami naman pong magkahahawig kahit hindi sila magka-dugo." aniko dahil makikita ko sa magandang mukha niya ang pangungulila niya sa anak niyang lalaki. Anak daw nito si Kuya Lorenz sa naging boyfriend nito at ng mag-dalawang taon daw si Kuya kinuha daw ng Daddy nito at inilayu sa kanya pero napabayaan naman daw kaya nahulog sa hagdanan na siyang naging sanhi ng pagkamatay nito. Kaya tuwing nakikita niya ang aking anak naaala niya ito. "Huwag na po kayo malungkot Mama andiyan naman po si Baby Franz." aniko para maibsan ang lungkot niya. "Tuloy pa ba ang plano mong umuwi ng Pilipinas sa isang buwan Ella" tanong ni Mama Lorena sa sakin dahil lagi kong sinasabing gusto ko munang magbasyon sa Pinas. Upang balikan ang mga taong nagkasala sakin. Inisa-isa ko na kung saan ko sila mahahanap sa tulong ng mga naging kaibigan ko dito. Through social media na track down ko ang mga location nila. "Opo Mama Lorena dadalawin ko lang po si Papa." pagdadahilan ko dahil hindi ko pweding sabihin sa kanya ang tunay na pakay ko sa pagbabalik ko ng Pilipinas, alam kong hindi siya papayag sa plano ko. Hangat maaari ayaw niyang makasakit ng kapwa niya. Walang puwang sa kaniya ang salitang paghihiganti, lagi niyang sinasabi saking kung sino man nagkasala sakin patawarin ko na daw alang-alang saking anak dahil alam niya galit na galit ako sa ama ng aking anak. Mas magaan daw ang pakiramdam at payapa daw ang pagtulog ng taong walang mabigat na dala-dala sa dibdib ani pa ni Mama Lorena sakin palagi. Tama naman siya duon, pero hindi parin napapanatag ang kalooban ko hangga't hindi ko nabibigyan katarungan ang ginawa nilang pag-aapi sa akin. Tinapakan niya ako at dinurog. Hindi man niya ako tinatanung tungkol sa ama ng aking anak alam kung alam niyang hindi naging maganda ang naging kapalaran ko sa piling ng ama ng aking anak base narin sa hitsuta ko ng mapunta ako sa kanila. At alam niya na ang tinatawag kung halimaw ay ang ama ng aking anak. "Iiwanan ko po si Franz sa inyo dahil baka po mahirapan pa siyang bumiyahe isang taon palang siya kayo na po muna ang bahala sa kanya." dagdag kung turan. Mas sanay si Baby Franz na siya ang kasama kaysa sakin dahil madalas wala ako sa bahay school at office na ang naging routine ko sa araw araw. Sakin na niya pinagkatiwala ang mga negosyo niya paminsan minsan nalang siya pumapasok sa opisina niya. "Bisitahin mo rin yun mga negosyo natin sa Pilipinas alam kung alam mo na ang iyong gagawin magpasama ka nalang kay Atty. delos Santos para mai-guide ka niya." bilin pa niya sakin. Kaya napatango nalang ako. "Balang araw sayo din mapupunta lahat ng mayroon ako para sa inyo yan ni Baby Franz. Wala naman akung mapag-iiwanan niya maliban sa inyong mag-ina sana ingatan mo at palaguin pa." saad niya na ilang beses ko ng narinig sa kanya. Ayaw naman daw niya ibigay sa mga ka-anak ng namayapa na niyang asawa na half Korean half German. Ito na ang takdang araw ng aking pagbabalik. Mapait na ngiti ang pinawalan ko sakin mga labi. Bago lumabas ng aking silid. "D-da..-da." mga pabulol-bulol na bigkas ng aking anak. Yun ding mga salitang yun ang una kung marinig na binibikas niya. At mas madalas pa niyang binibigkas ngayon. "Say Mommy Baby not Dada" utos ko sa kanya pero puro iling at may kasamang tawa lang ang tugon niya sakin. Kaya kinarga ko siya hinalikan ng paulit-ulit. "Da..-da" aniya ulit na natatawa pa. Kaya nga kung minsan mapapaisip ako paano paglaki niya at hanapin niya ang kanyang Daddy tulad din ng ibang bata na naghahanap din ng kalingan ng isang ama. "Sige na Iha ako na bahala kay Baby Franz, baka mahuli kapa sa flight mo. Mag-iingat kang mabuti alam kung hindi ka masyadong safe duon kaya nga hanggat maaari ayaw kitang payagan umuwi pa duon." nag-aalalang wika niya. "Huwag po kayung mag-alala kaya ko na po sarili ko ngayon." pagmamayabang ko pa kahit medyo kinakabahan din ako. Dahil ngayon lang ako bibiyahing mag-isa sa malayung lugar. Niyakap ko at hinalikan nalang siya sa pisngi niya matapos kung maibaba sa crib niya si Baby Franz. At dahan dahan nakong tumalikod hila-hila ko ang aking luggage palabas ng pinto. Pagtapak ko sa lupang sinilangan napangiti ako. Finally I'm back. I'm home." mahinang usal ko. Pero may dahilan kung bakit ako andito ngayon. Sa muli kung pagbabalik nanariwa uli sakin diwa ang mapait na naging karanasan ko sa piling ng mga taong walang puso. Mga taong walang alam gawin kundi ang manakit ng kapwa nila. "Ipapakita ko sa inyo kung papaano maghiganti ang isang Clarita Mae Zamora o Ella Lorraine Khan." bulong ko habang papalapit sa kinaruruonan nila Tay Doming na ngiting-ngiting sakin. Namiss ko sila. "Kumusta na po kayo Tay Doming?" bati ko agad sa kanya sabay abot ko sa kamay niya para magmano. "Naku iha Ella lalo kang gumanda ngayon mukhang nag-mature ka na." aniya at niyakap pa niya ako. "Bakit hindi mo sinama ang iyong anak?" aniya na mukhang nagtatampo. "Tay alam naman n'yong dilikado ang buhay ko laging may banta ng panganib. Hanggang nabubuhay pa ang taong gustong pumatay sakin hindi po ako safe kaya ayaw ko din malagay sa panganib ang buhay niya." paliwanag ko sa kanya. Nakita ko namang nagpatango-tango siya. "Sige na tayo na ng makapagpahinga ka malayu pa pinangalingan mo. Aniya at siya na nagdala ng mga luggage ko. "Tay musta na po kayo sa hacienda, si Nay Caring po?" tanong ko. "Dito nalang po muna tayo mamalagi o kung gusto niyo naman po sunduin nalang n'yo ako pag-uuwi nako sa hacienda" aniko. Dahil bukas makikipagkita ako kay Atty. delos Santos para sa pagbisita ko sa mga negosyo ni Mama Lorena. Bago ko puntahan ang mga taong sisingilin ko. Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko para may masakyan kami para puntahan isa-isa ang apat na babaeng nagpahirap sakin, ang mga babaeng ginawa akung alipin daig ko pa ang hayup sa piling nila. Mahaba biyahi at mga rough road din ang aking dadaanan patungo sa isang probinsya hindi ko lubos maisip kung bakit sa napakalayung probinsiya na ngayon nakatira ang mga babae ang pagkakaalam ko sa lungsod sila nakatira. Nang marating ko ang isang barangay nagmanman muna ako upang abangan ang subject. Dahil ayun sa aking source ganitong oras dumaraan dito ang babae. "Hi! musta kana? Remember me?". tanong ko agad sa kanya paglapit ko. "C..-cl-ara.!" gulat na gulat niyang bigkas na nauutal. "Meron pa bang iba? Kamusta na Olive buti naman natatandaan mo pa ako.? aniko kita ko ang pagtakas ng kulay ng mukha niya sa takot. "Bu-..buhay ka.? aniya na hindi parin nakakabawi sa pagkagulat. "Sakay kana kung gusto mo pang mabuhay ng matagal." utos ko sa kanya. Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ako. "Huwag kang mag-alala mamaya lang magkakasama nadin kayo ng mga kaibigan mo." saad ko sa kanya ng matalian ko ang mga kamay niya. "Magre-reunion tayung lima." aniko na may pagaasar kaya lalo siyang nahintakutan. Nangmatanaw ko na ang Isla halos maluha ako dahil naalala ko ang mapait na karanasan ko dito sa lugar nato. Halos dalawang araw din ang ginugol namin para makarating dito sa isla ang lugar kung saan una ko silang nakasama, gamit ang isang maliit na yateng pag-aari ng isa kong kaibigan. "Anong gagawin natin dito? Bakit mo kami dinala dito? Baka magalit si Clark." ani Zuzzy sa nanginginig na boses habang magkakahawak kamay silang apat. "Magre-reunion lang tayung lima. Ibabalik ko lang sa inyo kung anung ginawa ninyo sakin nuon magdadalawang taon na ang nakakalipas." angil ko sa kanila, kita ko sa mukha nila ang takot. "Bakit nawala yata ang tapang ninyo ngayon? Bakit hindi niyo ilabas ang tapang niyo ngayon ng magkasubukan tayo." utos ko sa kanila habang naglalakad kami patungo sa mansyon kung saan natikman ko ang lupit ng kamay sa mga taong kinamumuhian ko, mga taong sumira ng buhay ko. Matapos kung mabuksan ang pinto ng mansyon pinapasok ko sila. Para ipalasap sa kanila kung anung ginawa nila sakin. Walang patid na luha ang nakikita ko sa kanila mga mata habang paulit ulit siyang humihingi ng tawad sakin. Kung anung ginawa nila sakin ganuon din ginawa ko sa kanila upang maranasan niya kung paano kumain gamit ang bunganga sa maruming lupa habang sinsaktan. Itong napakagandang islang ito ang naging saksi sa madilim kung karanasan sa buhay. Inakyat ko ang magarbong hagdanan para isagawa ang pangalawa kung plano. Isa-isa kung ikinabit ang mga dala kung maliliit na Improvised explosive devices na ginawa namin ng mga kaibigan ko. Alam kung labag sa batas ito pero ito lang ang taging paraan para mabura ang nagsilbing alaala ng madilim kung nakaraan. "Dito kayo mananatili hanggang dumating ang amo ninyon halimaw" aniko sa kanila. "Anong ibig mong sabihin?" ani Mariz "Hindi kami pwedeng makita ni Clark dito." dagdag naman ni Daisy "May magagawa ba kayu kung anung gusto ko?" tanong ko sa kanila. "Please parang awa mo na huwag mo kaming iwan dito pinagsisihan na namin mga ginawa namin sayo, pinagdusahan na namin yun" pakiusap pa nila. Pero iniwan ko na sila sa malawak na sala, bahala na kung paano nila iligtas ang sarili nila. Tinalikuran ko na sila at lumabas ng bahay. Dinig ko pa ang mga balahaw nila. Pero binaliwala ko lang lahat yun dapat nilang pagdusahan ang ginawa nilang kasamaan sakin. Nagmakarating nako sa speedboat na ginamit namin papalapitt sa isla. Pinasadahan ko pa ng tinging ang magadang kapaligiran. Una kung pinasabog ang nasa bangdang likuran ng bahay sa ikalawang palapag. Mahina ang lilikhain ingay nuon mas malakas lang ang pabuga ng apoy dahil yun naman ang main purpose ko ang pasabugin ang mansyon na naging piping saksi sa kalupitan ng isang halimaw. Dito mabuo ang aking pinakamamahal na anak. Sa ikalawang pagsabog makita ko ng naglabasan sunod-sunod ang apat na babae pawang mga nakayuko at kanya kanya ng takip ng ilong habang inuubo. Wala naman akung planong patayin sila gusto ko lang ipakita sa kanila na hindi lahat ng tao kaya nilang apakan. Nang makita ko ng nalalagablab na ang taas ng mansyon at nasa safe na lugar na ang apat na babae gumayak nako para lisanin na ang isla. Ito na ang huling tapak ko dito pero bago pa ako makatalikod may nahagip ang aking mga mata na natamaan ng mangangalit na apoy. Ang mga kulay gintong letra na nakadikit sa pader kaya napakunot ang noo ko. Wala yun dati at mukha bago pa dahil sa kintab ng bawat letra "Clarita de Isla" basa ko ng malakas. Bago pa kainin ng apoy na may kakambal ng maitim na usok. "One down" ani ko pag akyat ng yate. "Maligaya kaba sa mga ginagawa mo?" tanong ng kaibigan ko pero hindi ko siya pinansin. "Baka pagsisihan mo yan pagdating ng panahon dahil anak mo ang makakalaban mo dyan." dagdag pa niya. Tanging siya lang ang nakakaalam kung sino ang ama ng anak ko pero wala siyang idea kung paano nabuo ang anak ko. Dahil ayaw ko ng pausapan kung paano ako binaboy ng ama ng anak ko. "Tayo na umalis na tayo dito, please." pakiusap ko sa kanya. "Ano na plano mo ngayon?" tanong niya sakin. "Next year uli pagplaplanohan ko pag mabuti. Gusto ko siyang pabagsakin. Para makilala naman niya kung sino kinalaban niya." . . . . . . ........................................................ please follow my account ... add my stories in your library ........."Lady Lhee"....... .....thanksguys...loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD