Kabanata Labing Lima

2079 Words
Dumadagundong na boses ang bigla nalang umaligawgaw sa loob ng isa pribadong opisina. Na halos mapatid na ang mga litid sa leeg ng taong galit na galit, kulang nalang lahat ng taong matamaan ng matalim niyang titig ay bumulagta. "Who the hell did that!?" sigaw niya sa assistant niya na hindi na malaman kung saan susuling dahil sa takot. Takot dahil baka sa kanya ibunton ang galit nito. "Ayon Sir sa report may apat na taong namataan malapit sa dalampadigan. Hindi pa masiguro kung sino ang nga 'yun. Gamit ang motor na binili ko pa sa kakilala ng kaibigan ko. Isa itong Yamaha YZF R1. Papunta kung saan ako nanirahan ng matagal na panahon. Para kumpirmahin kung totoo nga bang wala na si Papa. Padating ko sa amin bayan nagmatyag muna ako mukhang malaki na ang pinagbago may dalawang gusaling malalaki na mukhang pabrika. Lumapad na rin ang dating makitid na kalsada. Umikot pa ako ng ilang beses ng makita ko na bukas ang isang kalawaging gate pinasok ko ang motor ko ng walang sabi-sabi. Agad akung bumaba ng aking motor at mabilis kung isinara ang gate na nag-iingay dahil sa kalumaan. "Nana Teresing ako po ito si Clara." pagpapakilala ko sabay hubad ng itim kung helmet, dahil nakita ko siyang parang hihimatayin na sa takot. "Diyos kung bata ka tinakot mo ako." aniya na tutup pa ng mga kamay ang dibdib kaya natawa ako sa naging reaksyon niya. "Kumusta na po kayo dito? Si Papa po anung nangyari" tanong ko. Nakita ko ang pagbabago ng anyo ng mukha niya kaya mahulaan ko na kung anong nangyari. "Maupo ka muna Clara. Kumain ka naba?" tanong niya na parang ayaw niyang pag-usap ang tinatanong ko. "Salamat nalang po Nana Teresing. Nasaan po si Donna?" tanong ko nalang habang nakatanaw ako sa kabilang bakod sa aming bahay. Bakod lang pagitan ng mga bahay namin. Natanaw ko ang owner type jeep ni Papa na mukhang hindi na nagagamit, ganuon din ang kotse ko na regalo pa sakin ni Papa nuon nag debut ako. Nakita ko ang bahay naming mukhang malinis sa paligid. Sariwang sariwa din ang mga halamang ako mismo ang nagtanim. "Pumasok si Donna iha mamayang hapon pa uwi nuon." aniya. Bakas sa mukha niya ang takot. "Sino pong naglilinis sa bahay namin?" tanong ko kanya. "Ako ang naglinis niya tuwing umaga maging yung loob ng bahay niyo. Tambayan naman nila Joaquin yan kalkonahe niyo. Yun naman mga sasakyan n'yo paminsan-minsan pinapaandar ng Tatang mo para hindi daw ma-stuck." litaniya niya. "Hindi po ba nakikisaka lang kayo?" tanong ko sa kanya dahil alam kung wala silang sariling bukid. "Oo nakikisaka lang kami sa katunayan isang hektarya nalang nasasaka namin ngayon dahil ginagamit na ng anak ng may-ari yun lupa baka nga sa isang taon wala na kamin sasakahin." aniya na may lungkot sa mukha. "Kabisado naman po ninyo kung saan yun mga bukid namin di po ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman dahil nadadaanan ko yun pag nagpupunta ako sa bukid na sinasaka namin." aniya "Ganito nalang po. Pwede po bang kayo na magsaka sa mga bukid namin kaysa nakatiwang-wang?" aniko nakita ko naman biglang umaliwalas ang mukha niya. "Yun pong ibubuwis niyo sa bukid namin ipabayad po ninyo sa Munisipyo para sa buwis ng mga lupa namin maging itong bahay namin, yun iba ihulog niyo sa bank account na ibibigay ko sa inyo." turan ko. "Totoo bang ipagkakatiwala mo samin ang mga lupa niyo? Malaki ang sakahin niyo?" tanong niyang hindi makapaniwala. "Hindi naman po kailangan buwisan niyo ako ng malaki basta meron lang po akong kitain sa mga lupa kahit kunti para may pera naman ako pag umuwi nako dito." paliwanag ko sa kanya. "Kayo na din po bahala sa bahay namin hanggat wala ako. Babalik po ako dito uli. Isa lang po hihilingin ko inyo." dagdag ko pa "Sabihin mo iha at kung kaya ko bakit hindi." aniya. "Huwag na niyong mababangit kahit kanino na magpunta ako dito, gusto kung tayo lang nakakaalam na nakipagkita ako sa inyo. Manatili pong lihim ang lahat lalo na sa mga taong nagtatanong tungkol sakin. Wala kayung sasabihin kahit na ano, maliwanag po ba?" seryoso kung tanong sa kanya. "Makakaasa ka Clara sarado ang bibig ko." aniya at itinaas pa ang mga kamay na para bang sumusuko. "Saan po nakalibing si Papa?" tanong ko pero nagyuko lang siya at lumamlam ang mga mata. "Sa tabi ng Mama mo iha." aniya at tuluyan ng tumulo ang mga luha niya sa mga mata, kaibigan siya ni Papa. "Sige po hindi na po ako magtatagal alam naman po niyo siguro na hindi ako ligtas dito. Mag-iingat po kayo dito." aniko at nagmano nako sa kanya bilang pag-galang nadin at pamamaalam pero niyakap niya ako. "Ikaw ang mag-iingat mabuti. Huwag mo kaming alalahanin dito." aniya habang mahigpit niya akung yakap na umiiyak. Isinuot ko na ang helmet ko nagmaglakad siya sa may gate maingat niyang binuksan yun at nagpalinga-linga pa bago nilakihan ang bukas ng gate upang makadaan ako. Kumaway pa ako sa kanya at pinaharurut na ang aking motor. Gabi ng makarating ako sa City kaya ibinagsak ko nalang ang katawan kong pangal sa malambot na kama. Kailangan ko pang gumising ng maaga bukas para umattend ng ipinatawag kung board meeting. Isusunod ko rin ang meeting para sa mga head department. Bago ako magtungo sa hacienda. Pagpasok niya sa building ng mga Khan sinupladahan pa siya ng mga receptionist. Tinaasan din siya ng kilay ng isang babae. Dahil sadyang may pagka-astig siya kumilos, dumiretso siya papasok sa loob. "Excuse me do you have a scheduled appointment?" mataray na tanong nito sa kanya nang-tangka niyang lampasan ang mga ito pero hinarang pa siya nito. "I don't need any appointment to anyone." angil ko sa kanya. Hinaklit niya ako sa braso at pabalyang isinalya sa isang gilid kaya bigla ko siyang binigyan ng isang malutong na sampal. Naikinagulat niya. Sanay nako sa sakitan marami nakong hirap at sakit na natamo sa mga walang k'wentang tao kaya hindi ako papayag pang may mananakit pa sakin. "At sino ka para saktan at pigilin ako. Ano ka ba dito?" mariing tanong ko sa kanya. "Guard!..guard!" sigaw naman ng isang babae. "Palabasin n'yo yan at huwag na huwag niyo ng papasukin pa yan dito kahit kailan." utos niya. "Don't touch me or else you all fire." banta ko sa kanila at dumiretso ng lakad pero nakakailan hakbang palang ako ng maramdaman ko nalang na may humila sa buhok ko sa may likuran ko kaya hinawaka ko ang kamay niya at mariing pinisil yun bago ko pinalipit kaya nabitawan niya ako at napatili siya at saka ko siya tinulak ng malakas kaya mapasaldak siya sa tiles na sahig. "Sisiguraduhin kong mawawalan na kayo ng trabaho simula sa araw na ito at wala naring ibang kumpanyang kukuha sa inyo." aniko at tinalikuran na sila. Bago pa ako nakapasok sa opisina ni Mama Lorena hinarang nanaman ako ng nagsusungit na secretary niyang nakikipang harutan sa isang lalaki. "Hey! who are you? and where do you think your going." mataray din niyang tanong sakin at pinameywangan pa niya ako kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. "Ituloy mo nalang ang pakikipagladian mo." aniko sa inis at nilampasan na siya para sana pumasok sa loob ng opisina pero hinarang niya ako sa pintuan, kaya itinulak ko nalang siya ng malakas na ikinasubsub niya. Ibinalibag ko ang dahon ng pinto ng malakas pagpasok ko.. Bakit ba ganito dito dahil ba wala ang boss kaya lahat sila kung umasta mga boss narin. "I just want to introduce to you the one and only daughter of Madam Chairwoman Lorena Khan ... Miss Ella Lorraine Khan, our new CEO." pagpapakilala sakin ni Atty. Delos Santos. Isa-isa akung kinamayan at binati ng mga tao sa loob ng bulwagan maliban nalang sa nag-iisang babaing lumait sakin na nakatayo malapit sa pinto. Nakataas ang kanyang mga ginuhit na kilay. "Humanda ka sakin mamaya huling taas mo ng kilay yan sakin." piping bulong ko. "Thank you everyone. Have a seat please." aniko sa kanila. At i-discuss ko sa kanila ang mga patakaran kong gustong mangyari maging ang bago kung proposal para sa intatayo bagong project. Gusto kong maging pormal at seryoso sa kanila para respituhin nila ako bilang CEO. Hindi ko kailangan ipakita sa kanila ang aking kahinaan dahil yun ang gagamitin nila para apakan ako. Nakita ko ring may anumalyang nangyayari kaya matatagalan ako dito upang maresolba ang problema dahil kung hindi babagsak ang negosyo na pinaghirapan ni Mama Lorena. Kailanga ko din mapanagot kung sino ang mga magnanakaw. "Atty. Delos Santos gusto ko pong makausap ang mga tao ito." aniko kay Atty pagpasok ko sa opisina ko dahil kasunod ko lang siya. Ang mga taong na-encounter ko kanila ibinigay ko ang mga pangalang nakuha sa ID nila. "Magsiupo kayo" utos ko pagpasok palang nila ng opisina ko at pinasadahan sila ng tingin isa-isa. Pawang mga nakayuko lang sila na akala mo napakababait. "Hindi ko teno-tolerate ang mga empleyado kung arogante. Now all of you, pack all your things and you're fired." mariin kong saad sa kanila at itinutoktok na ang paningin sa laptop sa harapan ko kailangan kung malaman kung sinong traydor dahil malaking pera ang nawawala buwan-buwan. "Ma'am sorry na po." halos sabay sabay nilang wika. Ngayon para silang basang sisiw, kanila para silang mga tirge sa tapang. "I said leave." angil ko sa kanila. Nag-iiyakan silang lumabas ng aking silid. Hindi ako dapat maging malambot sa kanila dahil sasamantalahin nila yun. Kailangan kung makausap mamaya si Mama Lorena upang ipaalam ang sabutahing nagaganap. Mahirap mahabol ang malaking halagang nawawala, ilan taon ng ganito ang nangyayari. Kung hindi ko pa nakita ang mga record na ibinigay sakin ni Atty. at ang mga record na pasimple kung pinakuha hindi ko malalamang may nakawang magaganap. Mukhang matagal ng nangyayari ito. Dahil hindi na nagagawi si Mama Lorena dito. Tanging si Atty. nalang namanahala pero kung may kasalanan din si Atty dito mananagot din siya sakin, hindi ko siya sasantohin dahil alam kung malaki ang binabayad sa kanya ni Mama Lorena. . Hindi ako makakauwi agad mamimiss ko ang aking anak. Kailangan kung gumugol ng ilang buwan bago maayus ang gusot dito. Maaga palang pumapasok na nako trying to find out who's the culprit sa mga anumalya dito sa kompanya sabi ni Mama Lorena titingnan daw niya kung makakauwi siya dito para tulungan ako. Hindi ko rin pwedeng pagkatiwalaan si Atty dahil isa siya sa pinaghihinalaan ko. Kaya hindi ko pa sinasabi sa kanya ang matuklasan ko. Dahil siya ang pinagkakatiwalaan ni Mama. "Kung mananatili ako dito paano ang pag-aaral ko graduating nako. Ilang buwan nalang gra-graduate nako, sayang ang panahon. Wala naman ibang magaasikaso ng mga business ni Mama Lorena." bulong ko sa kawalan habang nakatanaw sa malawak ng siyudad. "Ma'am may naghahanap ko sa inyo Dwayne Francis Zamora daw po." ani ng bago kung secretary na parang hindi makabasag pingan pero ang damit iisang dangkal. "Pwede ba sa susunod ayaw kung makikitang nagsusuot ka ng ganyan kaiksing damit dito sa opisina ko wala ka sa bar or club. Isuot mo yun mga office uniform." aniko dahil naiirita ako sa suot niya lalo na nangmakita ko kung paano siyang magpapungay ng mga mata kay Dwayne "Anong masamang hangin nagdala sayo dito? tanong ko sa kaibigan ko. Natuklasan kung hindi lang pala kami magkaibigan lang sila pala ang dahilan kung bakit kami nalipat sa probinsiya nuon. Isang dati rin sundalo ang nanay niya na nagkaroon ng ralasyon kay Papa at siya ang naging bunga. Pinakita rin ng Mama niya ang birth certificate niya may pirma ni Papa. Wala nakong magawa kung di tanggapin siya dahil napakabait din nila sakin. Gusto nga niyang sumama sa puntod ni Papa pero sabi ko saka nalang. Isa siyang model na nakilala ko sa America, nag-aaral din siya dati kung saan ako nag-aaral hanggang naging magkaibigan kami. Nang ipakilala niya ako sa Mama niya ng minsan dumalaw ito duon. Duon ko nalamang kagkapatid pala kami. Mas matanda siya ng dalawang taon sakin. Dahil hirap daw magbuntis si Mama nuon at hindi agad sila nakabuo ni Papa kaya natukso daw si Papa na makipagrelasyon sa iba para magka-anak. Ibang klase rin si Papa. May lihim din palang lalokohan, mga lalaki nga naman pag nalingat ang asawa gumagawa ng milagro. Pero maganda narin dahil nagkaroon ako ng kakampi at kapatid. . . . . . . ........................................................ ....please follow my account ..add my stories in your library ......."Lady Lhee"...... .........thanksguys....loveu...lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD