"Ako na mag-pill up ng live birth." aniya at agad niyang kinuha sa kamay ko ang form na kabibigay lang ng nurse. "May pangalan naba kayo para kay baby?" dagdag tanong pa niya na may ngiti sa labi. Alam kung ito ang gusto niya ang may signature siya sa birth certificate ng anak namin. Kaya tumingin ako kay Franz na masayang kinakausap ang kapatid niya. "Franz ano daw name ng baby brother mo?" tanong ko sa kanya dahil siya daw magbibigay ng pangalan ng kapatid niya. "Izaiah Franklin Wyatt. Tama ba Wyatt? ok lang ba sayo 'yun name mo? Do you know the meaning of your name?" nakangiti niyang tanong sa kapatid niya dinig ko naman umingit ito. "See! He like it! He love his name." dagdag pa niyang tuwang tuwa. "Ok listen to me my little brother. Your name Isaiah means God is Salvation, Franklin

