Tunog ng table bell ang nagpalingon samin sa gawi ni Clara matapos niyang buksan ang isang maliit na bintana na may isang maliit din lamesa sa tapat nito at isang lalaki ang lumapit duon. Matapos niyang kausapin ito tumayo na siya at pumasok sa isang kwarto kaya sinundan ko siya. Kita kung binuksang niya ang isang kabinet sa baba. Alam na alam ko kung anung kinukuting-ting niya at ng mabuksan niya ang kaha inilabas niya duon ang ilang bugkos ng pera at inilagay niya sa isang bag na itim. "Mahal anung gagawin mo?" tanong ko sa kanya. "Babayaran ko mga palay sa labas, nakakahiya kanina pa sila naghihintay." aniya at nauna ng lumabas ng kwarto. Binuksan niya ulit ang maliit na bintana bago pa siya naupo sa tapat nito at muling pinatunog at kanyang table bell. Lumapit naman ang isang may ed

