2. (titig)

1431 Words
CHAPTER TWO “Hindi maigalaw ni Louie ang kaniyang mga kamay para buksan ang sasakyan. Nagtatalo ang puso at isipan niya sa kung ano ba talaga ang susundin at gagawin niya. Kaya ipinikit niya ng mariin ang kaniyang mga mata para magdasal para sa desisyong nabubuo sa ‘kanyang isipan, at sa pagpikit niyang iyon ay bumalik sa ‘kanya lahat ng masasayang ala-ala nilang mag tiyo, lahat ng hirap at sakripisyong pinagdaanan nito para lang mapalaki siya ng maayos. “Sh*t! mura niya, saka idinilat ang mga mata at mabibilis ang kilos na tumakbo pabalik ng bahay nila. Hindi niya yata kakayanin if pati ang tiyo Ed niya ay mawawala pa sa’kanya. Sa dami ng sacrifices na ginawa nito para sa ‘kanya maybe this is the right time para siya naman ang mag-sacrrifice para dito. Malapit pa lang siya sa likuran ng bahay nila, ay naririnig na niya ang pagmamakaawa ng kaniyang tiyo Ed. Dahan-dahan siyang pumasok sa may kusina nila at naglakad ng dahan-dahan para hindi makalikha ng anumang tunog. Halos mamilog ang kaniyang mga mata ng makitang napapalibutan ang tiyuhin niya ng mga lalaking puro armado habang ang isang matandang lalaki ay nakarelax lang na nakaupo at nakatitig lang sa ‘kaniyang tiyuhin. “Parang awa niyo na po Don Adson, ako na lang po ang magtatrabaho para makabayad sa mga utang ko, huwag na po ang anak ko. Pagmamakaawa nito sa matanda. Nakita naman niya ang pag-igting ng mga panga nito saka tumayo. ‘Mukhang hindi yata tayo nagkakaintindihan Ed, apo mo para sa apo ko ang kabayaran sa lahat ng utang mo! At kung hindi mo maibibigay yuon, I’m sorry to say this but I don’t have a choice but to kill you!!!.. galit na wika nito sabay bunot ng baril at itinutok sa ulo ng tiyuhin niya. Kita naman niya ang pagpikit ng tiyuhin niya. “Alam mong sa lahat ng ayaw ko ay ang niloloko at pinagsisinungalingan ako diba? Tonong pa nito. “Don Adson parang awa niyo na… “Ilalabas mo ang apo mo? o ipuputok ko ito sa bungo mo? sagot!!! “Patayin niyo na lang ho ako pero hindi ko makakayang gawin iyon sa anak ko, maha------ hindi na natapos ng tiyuhin niya ang sasabihin dahil isang malakas na suntok ang dumapo dito na siyang ikinahandusay ng tiyuhin sa sahig. “Matigas ka! Then your wish is my command! Narinig niya ang pagkasa ng baril nito at itinutok ulit sa tiyuhin niya, akmang kakalabitin na sana nito ang gatilyo ng sumigaw siya. No!! sigaw niya dito. Kahit binabalot siya ng takot ay nakuha niyang lumabas sa kaniyang pinagkukublian. Ako ang kailangan niyo hindi ba? Andito na ho ako, huwag niyo lang papatayin ang tiyo Ed ko.” Naluluha niyang sabi dito. Nak, ba’t ka bumalik? Rinig niyang tanong ng kaniyang tiyuhin ng makalapit siya sa mga ito, pero hindi niya iyon pinansin pa. Glad your’e back iha. Nakangiti na nitong sabi saka ibinigay ang hawak nitong baril sa isang tauhan bago siya nilapitan. I’m sorry if sa ganito tayong sitwasyon nagkakilala, but I’m not a monster my soon to be daughter in law.” Wika pa nito. “Tumayo ka na diyan Ed at ayusin mo na ang mga gamit niyo at sa mansiyon na kayo tutuloy. Dahil hindi na pwedeng maalintala ang kasal ng dalawa.” Baling nito sa tiyuhin niya na ikinakunot ng kaniyang mga noo. Lalo na ng mabilis tumayo ang tiyuhin niya at naglakad patungong kwarto nito. Natakot ba kita iha? Tanong nito na nakapagpabalik ng diwa niya. Tumango na lang siya bilang sagot dito dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya nang hininga dahil sa kabang nararamdaman. Uno! baling nito sa isang tauhan na nakatayo lang banda sa may pintuan,.. ipasok mo na ang mga gamit ng Ma’am Louie niyo sa sasakyan at isunod niyo na lang ang mga gamit ni Ed, mauuna na kami umalis. Halika na iha, yaya nito sa ‘kanya. Alangan man ay sumunod na lang siya sa matandang Don. Baka pag nagmatigas siya ay mag transform nanaman ito sa pagiging masama. Okey ka lang ba iha? Tanong ng matandang Don nang makapasok na sila sa sasakyan nito. O..opo.. nauutal niyang sagot dito habang nakayuko. She heard him sighed. Mukha nga talagang natakot kita, I’m sorry. Hinging-paumanhin nito ulit sa’ kanya. “Believe me or not, I don’t wanna scare you, but I don’t have a choice but to do that.” Wika nito na ikinaangat niya ng tingin sa matandang Don. Bakit niyo po pinipilit na maikasal ako sa anak niyo? To think na kaya niyong pumatay para lang doon? Pwede ko naman pong pagtrabauhan sainyo ang utang ng tiyo Ed ko eh.---- “Nah,gusto ko man yang sagutin yang mga tanong mo iha pero siguro hindi na muna sa ngayon. Forgive me sa nagawa ko, but let me assure you na hindi ako masamang tao kagaya ng nasa isip mo. May mga bagay tayong nagagawa dahil kailangan. ‘Pero makikinig po ako if sasabihin niyo saakin kung bakit? Magkapareho talaga kayong dalawa” nakangiti nitong sabi na ikinakunot ng kaniyang noo. Sabihin na lang natin na ikaw ang kailangan ko para sa anak ko. At ang anak ko ay talagang nakatakda na para sayo. He added and smiled bitterly saka itinutok na lang ang tingin nito sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakarating sila sa mansiyon nito na hindi na nag-imikan pa. Let’s talk privately inside my office iha”. Baling nito sa ‘kanya pakapasok nila sa loob ng mansiyon. Alangan man, ay sumunod na din siya sa Don papunta sa sinasabi nitong office. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa karangyaang nakikita sa loob ng mansiyon. Pero feeling niya may kulang. Yung tipong ang lungkot ng awra. Ipinagkibit-balikat na lang niya ang nararamdaman ng pagbuksan siya nito ng pintuan. Get in, and sit down. Utos nito na sinunod naman niya. Again, welcome to your new home iha, bukas na ang kasal niyo at wag kang mag-alala dahil lahat naman ay naka-ayos na. Saglit lang po, bakit po kayo nagmamadaling maikasal kami agad ng anak niyo?. Ni hindi pa nga po kami nagkikita, isa pa po baka may girlfriend po---- Hindi mo na dapat iniisip pa ang mga yan iha”, putol nito sa sinasabi niya. Ang isipin mo na lang ang kasal niyo bukas. Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng office ng Don at iluwa doon ang lalaking napakadilim ng mukha habang nagtatagisan ang bagang nito na lumapit sa matandang Don. “Oh, your’e here, mabuti naman at nandito ka na---- “Enough! Bulyaw nito. “Why you keep on pushing this f*cking marriage! ? ‘Watch your mouth young man! “No! stop this for once dad! Stop controlling my life! For F*cki’n sake! I’am not a kid anymore, na lahat ng desisyon sa buhay ko ay manggagaling sayo!!!.. I have my own life! Halos magsilabasan ang mga ugat nito sa leeg dahil sa galit. Nakatanga lang si Louie na pinagmamasdan ang mag-amang nagsusukatan ng tingin sa harapan niya. ‘Ina’y! kung ang matandang Don ay nakakatakot ang awra pag nagagalit, mas lalo na pala ang isang ito” nawika niya sa kaniyang isip. Bumalik lang siya sa kaniyang huwisyo ng tumayo ang Don at ibinagsak nito ang baston na hawak-hawak kanina. “ Life?! Yang buhay mo na ang isang paa ay nasa hukay? Na araw-araw kung sino-sinong mga babae ang kasiping mo! Na araw-araw umaasa kang babalikan ka ng babaeng yun! Yan ang life sayo!?! Don’t you ever dare na tumanggi ngayon sa gusto ko Blaze!! Hinayaan kita sa mga ginagawa mo, sa pagpapakabaliw mo at wala kang narinig saakin na kahit ano pa man! Kung ito lang ang paraan para magtino ka, at ayusin ang buhay mo ay gagawin ko makita ko lang na okey ka!. Subukan mo lang na hindi sumipot bukas, mawawala lahat kung ano mang meron ka ngayon! You know what I mean son!. Nanginginig sa galit na wika ng ama nito saka mabilis na lumabas ng opisina. “That’s bullsh”t! sigaw nito sabay dampot ng vase na nasa ibabaw ng mesa at inihagis iyon sa pader! Ayyy!! Malakas na tili niya dahil sa takot at gulat na naramdaman lalo na ng gumawa ng malakas na ingay ang pagkabasag ng vase dahil sa pagtapon dito ng lalaking nasa harapan niya na ngayon ay salubong ang kilay at nagbabaga ang mga matang nakatingin sa ‘kanya. At sa unang pagkakataon, biglang nag iba ang t***k ng puso niya lalo na nang magsalubong ang kanilang mga titig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD