Episode 2

2501 Words
DAHAN-DAHAN niyang isinara ang pinto ng banyo at sumandal doon. She was very tired and very much hurt. Ilang sandali lang ay lumakad siya papunta sa harap ng salamin na nandoon at tiningnan ang mga bakas ng sakit na pinagdaanan. Wala na siyang pakialam sa mga sugat na iyon, ang mahalaga ay nakaligtas na siya, pero wala pa ring kasiguruhan dahil nais siyang ibalik ng lalaking nasa labas sa pamilya niya. Wala na siyang babalikan dahil wala na ang pamilya niya maliban na lang sa nag-iisang taong pinahalagahan niya ng nakalipas na taon. Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Kailangan kong gumawa ng paraan para manatili ako sa bahay na ito kahit sandaling panahon lang. Kailangan kong manatili dito para makaisip ako ng paraan para makuha ka Alexandre at mapagbayad sila sa mga ginawa nila. I must live and you must stay alive. Tumulo na ang kanina pa niya pinipigilang luha. “Please, don’t give up Alexandre. Alam kong hindi ka niya sasaktan hangga’t hindi niya ako nakikita. I love you so much,” pinahid niya ang luha sa mukha at muling tumingin sa may pinto. Jeremy Fabella, pag-alaala niya sa pangalan ng lalaki. Napaismid siya, paano nangyari ang bagay na ito? Bakit kailangang sa kamay pa ng isang Fabella siya napadpad? “Don’t worry, you’ll be safe with me,” naalala niyang wika nito sa kanya. Nasabi na rin sa kanya iyon ng isang taong minahal niya bago mangyari ang bangungot na ito sa buhay niya, pero nasaan na ito ngayon? Iniwanan siya nito ng wala man lang pasabi, nalaman na lang niya isang araw na umalis na ito ng bansa at may iba ng babae. Hindi niya na alam kung ikinasal na ba ito o kung ano. Napaismid siya saka umiling. Jeremy and Daniel Fabella, naisip niya. Mag-kapatid nga talaga sila. “Men… ang hilig mangako, hindi naman kayang panindigan.” Maya-maya ay narinig niya ang pagkatok ng lalaking nasa labas. “Miss, ayos ka lang ba diyan sa loob?” Wala na siyang ibang pagpipilian, kailangan niyang gumawa ng paraan para manatili dito. Agad niyang hinawakan ang sikmura at nagdududuwal sa lababo. Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumapit sa kanya ang lalaki. “Miss, anong nangyari? Ayos ka lang ba? M-May masakit pa ba sa’yo?” taranta nitong tanong. Hindi niya maiwasang konsensiyahin sa gagawin niyang kasinungalingan, pero kailangan. Tumingin siya dito at umiling. “I-I don’t have any place to stay. I-I’m…” hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. Pero mukha namang agad nitong nakuha ang gusto niyang iparating. Bumaba ang tingin nito sa kamay niyang nakahawak pa rin sa tiyan niya bago hindi makapaniwalang ibinalik ang tingin sa kanyang mukha. “You’re..?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. “I’m pregnant.” Hindi pa rin nito naitago ang pagkagulat na nasa mukha. “A-And you don’t have any place to stay? Bakit? Nasaan ang pamilya mo? Ang asawa mo?” “My parents died in an accident, and I don’t have a husband either. Hindi kami kasal at wala na siya. He went outside the country. I don’t know where he is.” Galit itong tumingin sa kanya. “He left you knowing that you’re bearing his… his child?” Nagulat siya sa tinging ibinigay nito sa kanya. Why, this man is very much handsome kahit galit. Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang buong itsura nito. He was handsome. No, not just handsome, he was very gorgeous and hot. Bumabakat sa white V-neck shirt nito ang maganda nitong pangangatawan. His dark eyes were very expressive. “What?” he snapped. Napayuko siya sa pagkapahiya. Ano bang iniisip ko? “H-Hindi niya alam,” sagot niya sa tanong nito. Napailing ito. “And you’re here, begging me to let you stay here, in your current condition? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao dito?” “I’m sorry. I just need—” Marahas itong napabuntong-hininga. “Magpahinga ka na. Then find some other place to stay.” “Pero—” hindi niya na naituloy ang sasabihin nang bigla na lang itong tumalikod at lumakad palabas ng kuwarto. NAKAUPO si Jeremy sa sofa nang dumating ang mama niya mula sa bayan. Tumayo siya at agad na kinuha ang mga bitbit nito. “Ano ang mga ito?” tanong niya. “Mga damit iyan para sa babaeng nakita mo kanina. Kailangan niya ng maisusuot habang narito siya sa atin. Gising na ba siya?” “Paalis na siya. Kausap ko siya kanina.” “Ano? Bakit aalis na agad siya? Maayos na ba ang lagay niya?” nag-aalalang tanong ng mama niya. “Dahil gusto ko siyang umalis,” malamig niyang sagot dito. “Hindi natin siya kilala, hindi natin alam kung saan siya nagmula at hindi rin natin alam kung anong problema ang ibibigay niya sa atin.” Napasinghap ang mama niya. “Jeremy! Kailan ka pa naging ganyan kababaw? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” “Just stay out of this, Ma. Para na rin sa’yo ang ginagawa ko,” inilapag niya sa mesa ang mga pinamili nito. “I just want her out.” PABABA na sana siya ng hagdan nang marinig niya ang sinabi ni Jeremy sa Mama nito. “You want her out? What’s gotten into you? Bigla ka na lang umasta ng ganyan. Ano ba ang mga pinag-usapan niyo?” tanong dito ng mama nito. “She said she wants to stay here kasi wala na siyang mapupuntahan. She said she doesn’t have a family anymore that they died in some kind of an accident.” “Ganoon naman pala, hindi ka ba naaawa sa kanya? Kailangan niya ng matutuluyan, malaki ang bahay na ito. Hindi naman siya makakasikip dito.” “Ma, she’s pregnant. At malay ko ba kung nasaang lupalop na ang ama ng dinadala niya,” halos pasigaw na nitong sabi. “So, that’s it. Kaya ka nagagalit ay dahil buntis siya at walang ama ang bata? Anak, mas kailangan niya tayo sa kondisyon niya ngayon. Hindi ka ba naaawa sa walang malay na bata kung pababayaan natin siya na walang matutuluyan?” “They can rent an apartment somewhere. Doon sa hindi sila makikita ng mga humahabol sa kanya. Ako ang magbabayad noon, huwag lang dito.” “Jeremy, ano ba talagang masama kung buntis siya?” “Wala akong pakialam kung buntis siya. Kaya lang ay walang ama ang bata, ano na lang ang sasabihin ko sa mga tao dito? Nagpatira na naman ako ng—” “Tell them it’s yours,” suhestiyon ng mama nito. Alam niya na nagulat si Jeremy sa suhestiyong iyon dahil maging siya ay nagulat din. “Ano?” hindi makapaniwala ang tonong iyon ni Jeremy. “Ma—” “That’s final Jeremy. Hindi aalis ang babaeng iyon sa pamamahay na ito. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao and you will listen to me,” ma-awtoridad na pagtatapos ng mama nito. “Kumain na tayo. Mamaya ay kakausapin ko siya.” Wala na siyang narinig na salita mula kay Jeremy pero alam niyang galit ito. Tumalikod na siya at humakbang pabalik sa kuwartong pinanggalingan. I’m really sorry, Mr. Fabella. Kailangan kong magsinungaling. Kailangan ko lang manatili dito. NARINIG niya ang mahinang katok sa pinto ng kwartong kinalalagakan niya at nakita ang pagpasok ng isang babaeng sa tingin niya ay nasa early fifties na nito. Sa kabila ng edad ay maganda pa rin ito at nasa mukha ang pagiging isang disenteng tao. Ito siguro ang mama ni Jeremy na kausap nito kanina. Nakangiti ito sa kanya at may hawak na tray ng pagkain. Gutom na siya pero hindi niya iyon napagtuunan ng pansin nang makita niya si Jeremy kasunod ng mama nito. Hindi ito nakangiti, hindi rin naman mukhang galit. Nakatitig lamang ito sa pagkakaupo niya sa kama at bahagya niyang ikinailang iyon kaya itinuon niya ang paningin sa mama nito na nakalapit na sa kanya. Sumandal lamang sa dingding malapit sa pinto si Jeremy. “Hija, dinalhan kita ng makakain mo. Siguradong gutom na gutom ka na.” Ipinatong nito ang tray ng pagkain sa tabi niya. “Here, kumain ka muna, para mabawi mo ang lakas mo.” Tiningnan niya ang tray sa tabi. Ngayong naaamoy niya na ang pagkain ay saka niya lamang naramdaman ang matinding pagkagutom. Kagabi pa siya hindi kumakain. Ibinalik niya ang tingin sa mama ni Jeremy. “Salamat po, pasensiya na din po kayo sa abalang ginawa ko sa inyo. Huwag po kayong mag-alala,” sumulyap siya kay Jeremy. “Bukas ng umaga, aalis na ako.” “Pero sabi sa akin ni Jeremy, wala kang matutuluyan. Hija, hindi mo naman kailangang umalis kaagad. Lalo na diyan sa kalagayan mo ngayon, you’re pregnant. Ilang buwan na ba ang dinadala mo?” Natigilan siya sa tanong nito kaya bigla siyang nagyuko ng ulo. “T-Two months,” bulong niya. Nararamdaman niya pa rin ang matiim na pagtitig sa kanya ni Jeremy kaya hindi niya magawang mag-angat ng ulo. “H-Hindi niyo na po ako kailangang kupkupin dito, ayoko na pong makaabala pa ng malaki.” “I insist. Kung ano man ang sinabi sa iyo ni Jeremy kanina, huwag mo na lang intindihin iyon. You can stay here as long as you want. I can take care of you and your baby. You can use the guest room for your stay; it is right next to this room. Kay Jeremy ang kuwartong ito at nasa baba naman ang sa akin, malapit sa library. Mahirap na kasi para sa akin ang umakyat ng umakyat,” tumawa pa ito. Ikinagulat niya ang kaalamang kuwarto pala ni Jeremy ang kinalalagyan niya. Kaya pala panlalaki ang disenyo at amoy nito. Napatingin siya sa mama nito nang haplusin nito ang mga sugat niya. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng mga sugat na ito? Ano bang nangyari sa’yo, hija? Sinabi ni Jeremy na sinabi mong may gustong pumatay sa’yo,” puno ng pagtataka at pag-aalala ang mga mata nito. Nagyuko siya ng ulo. “I’m so sorry, ma’am. Pasensiya na pero…” muli siyang tumingin dito, may luha na sa mga mata. “Hindi ko magagawang sabihin… I’m sorry.” Tumango ito, nasa mukha ang pag-unawa sa hindi niya pag-kuwento ng nangyari sa kanya. “Naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala, hija. Ligtas ka sa haciendang ito,” iyon lang at tumayo na ito mula sa pagkaka-upo sa kama. “Sige na, hija. Kumain ka na, pagkatapos ay magpalit ka na ng damit. Dala ni Jeremy ang mga damit mo, pinamili kita kanina sa bayan. At tawagin mo na lang akong Mama Isabel habang nananatili ka dito.” Napatingin siya dito. “P-Pero—” “Kung hindi ka mapalagay doon ay Donya Isabel na lamang, malimit na iyon ang tawag sa akin ng mga kakilala ng mga anak ko,” putol nito sa sasabihin niya. “Ipaaayos ko muna ang guest room para makalipat ka na ng kuwarto.” Lumakad na ito papunta sa may pinto para sandaling kausapin si Jeremy bago lumabas. Naiwan sa kinatatayuan nito si Jeremy at itinuon niya naman ang paningin sa tray ng pagkain. “You can eat. Huwag kang mag-alala, walang lason ‘yan,” sarkastikong wika nito. Halata dito ang pinipigil na inis. Naramdaman niya ang paglakad nito palapit sa kanya at nakita niya nang ilagay nito ang ilang paper bags sa ibabaw ng kama. “Here are the things my mom bought for you. Be grateful na maawain ang mama ko, gusto lang talaga niyang magkaroon ng anak na babae. And then you came, halos gusto ka na niyang ampunin,” bumuntong-hininga ito. “How long will you stay here?” Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin dito. Gustong-gusto na talaga siya nitong paalisin. “It won’t be long. I promise, I will do everything to repay you. Everything you want me to do. Just let me stay here until—” hindi niya maituloy ang sasabihin. Hanggang kailan nga ba? “Until when?” naiinip nitong tanong, Nagyuko siya ng ulo. “U-Until…” “Hanggang sa manganak ka,” pagpapatuloy nito sa sinasabi niya. “Pero huwag na huwag mong hahayaang mahalin ka ng sobra ni Mama. Because sooner or later, you will leave. Naiintindihan mo?” Tumango siya. “Kumain ka na, pagkatapos ay lumipat ka na sa guest room. Gusto ko ng magpahinga.” Tumalikod na ito at humakbang papunta sa may pinto nang bigla itong huminto at bumaling sa kanya. “Oh, by the way, I need to know your name.” Muli na naman siyang natigilan. Hindi nito maaaring malaman ang tunay niyang pagkatao, alam niyang kayang-kaya siya nitong pa-imbestigahan. Kailangan niya na ulit magsinungaling. “V-Vanessa… Vanessa de Villa.” “It’s nice meeting you, Vanessa,” pagkasabi noon ay tuluyan na itong lumabas ng kuwarto. SINALUBONG si Jeremy ng Mama niya pagkababa niya sa hagdan. Napabuntong-hininga siya, alam niyang kahit ano pa ang gawin at sabihin niya ay hindi niya na mababago pa ang pasya nito. “Vanessa ang pangalan niya,” aniya dito. “Magpahinga ka na, Ma. Marami pa rin akong kailangang asikasuhin.” Aktong lalakad na siya palayo dito nang pigilan siya nito. “Don’t you dare try on investigating things about her, Jeremy,” wika nito. Napailing siya. Alam na alam talaga ng Mama niya ang mga tumatakbo sa isipan niya. “Mama,” hinarap niya ito. “Hindi natin siya kilala. Hindi natin alam kung totoo ba ang mga sinasabi niya. Malay natin kung masama siyang tao kaya may mga humahabol sa kanya. Magti-tiwala na naman ba agad kayo, Mama? Pagkatapos ay anong mangyayari? Lolokohin din lang nila kayo sa huli. Ilang babae na ba ang kinupkop niyo noon, ang inalagaan niyo pero iniwanan lang kayo matapos makuha ang mga gusto nila? Ma—” “Stop it, Jeremy,” putol nito sa sinasabi niya. “Desisyon kong panatilihin siya dito at ako ang masusunod,” tumingin ito sa kanya, may kalungkutan sa mga mata nito. “Ipagkakait mo ba sa akin ang bagay na ikasisiya ko, anak?” Napabuntong-hininga siya. All he wanted for his mother was to be happy, pero ayaw niya namang masaktan na naman ito kapag naisipan ng babaeng iyon na umalis na sa lugar na ito. Pero ano pa bang magagawa niya? Kung ito ang kasiyahan ng Mama niya ay ibibigay niya. “Hayaan na natin siyang manatili dito, anak,” pagpapatuloy nito. Tumango siya. Fine, he would let her stay here for a while. He just hoped na hindi ito gaya ng ibang babaeng lolokohin at pagsi-sinungalingan sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD