Episode 3

2978 Words
MAAGANG nagising si Vanessa kinabukasan para tumulong sa mga katulong sa paghahanda ng umagahan. Inaayos na niya ang mesa nang pumasok sa dining area si Donya Isabel. “Hija, hindi mo na kailangang tumulong sa kusina. Bisita ka namin dito,” naupo ito sa isang upuan. “Halika, umupo ka na at kumain. Hindi pa masyadong magaling ang mga sugat mo, huwag ka munang magpakapagod.” “Ayos lang po ako, ito lang po ang magagawa ko para mabayaran kayo sa pagpapatuloy niyo sa akin dito,” tinapos niya muna ang paghahanda ng lahat ng pagkain bago siya umupo, napatingin siya sa pintuan ng dining area dahil sa pagpasok ni Jeremy. He was wearing a white long sleeve shirt and pants. Humalik muna ito sa mama nito bago umupo sa katapat niyang silya. “Jeremy, hijo. Kumain ka muna bago ka magpunta sa farm. Magpapaka-busy ka na naman doon at makakalimutan mo na namang kumain,” utos ng mama nito at inabutan ito ng makakain. “Hindi na, Ma. Magkakape na lang ako,” sagot nito at inabot ang isang tasa ng kape na ipinatong ng katulong sa tapat nito. “Siyanga pala, gusto ko sanang isama si Vanessa sa farm.” Napatigil siya sa pag-subo at napatingin dito. “Bakit mo naman isasama si Vanessa? Wala naman siyang magagawa doon at kailangan niya pang magpa-galing,” tanong ng mama nito na napatigil din sa pagkain. “Mas makabubuti kung makikita niya ang kabuuan ng farm, hindi ba?” tumingin ito sa kanya. “Para hindi siya nababagot dito sa bahay.” Marahan siyang tumango. Alam niya ang ibig nitong sabihin, ayaw nitong manatili siya dito sa loob ng mansiyon para hindi siya masyadong mapag-tuunan ng pansin ng Mama nito. “Ayos lang po iyon sa akin,” baling niya sa Mama nito na nasa mukha pa rin ang pag-aalala. Inubos na ni Jeremy ang natitirang kape sa tasa nito bago tumayo. “Hihintayin na lang kita sa labas,” iyon lang at nagpatuloy na ito sa pag-alis. “Pagpasensiyahan mo na lang si Jeremy, hija. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan ang batang ‘yan simula ng hiwalayan siya ni Jackie,” paghingi ng paumanhin ni Donya Isabel sa kanya. Hindi niya na tinapos ang pagkain at tumayo na. “Aalis na po ako, baka hindi niya po magustuhan kung paghihintayin ko pa siya ng matagal.” Pagkatapos magpaalam dito ay lumabas na din siya ng mansiyon. Nakita niya agad ang isang dark blue BMW pick-up sa harap ng mansiyon at sakay noon si Jeremy na may kausap sa cell phone nito kaya hindi nito napansin ang paglapit niya sa sasakyan. Napalingon lang ito sa kanya nang buksan niya ang pinto ng passenger’s seat at pumasok sa loob. Tinapos na nito ang tawag at sinimulang paandarin ang sasakyan. Walang namagitang usapan sa kanila hanggang sa makarating sila sa parteng manggahan ng hacienda. Lumabas ito ng sasakyan at lumakad papunta sa ilang mga tauhan na abala sa pag-aani ng hinog ng mga bunga ng mangga. Naiinis na siyang lumabas ng sasakyan at lumapit dito. Parang wala din itong kasama kung umasta. Napatingin ito at ang mga tauhan nito sa kanya nang makalapit siya. “May magandang babae po pala kayong bisita, Sir,” wika ng kausap nito na sa tingin niya ay nasa early fifties na nito. “Magandang araw po,” bati niya dito. “Naku, magandang araw din, hija,” ganting-bati nito sa kanya. “Nasa inyo po ba ang asawa niyo, Mang Tonyo?” tanong ni Jeremy dito. “Opo, Sir. Bakit po?” “Pwede bang doon na muna si Vanessa ngayong araw, maaari siyang makatulong kay Aling Juana sa paghahanda ng makakain ng mga tauhan. Pakisabi na lang na hindi siya maaaring mapagod dahil buntis siya,” sagot ni Jeremy dito na naging dahilan ng pagtingin ng ilang mga tauhang malapit sa kanila. Napatingin sa kanya si Mang Tonyo. “Ganoon po ba? Sige po, sasabihin ko kay Juana.” “Kaanu-ano niyo po ba siya, Sir Jeremy?” nang-uusisang tanong ng isa sa mga tauhan nito. “Isa na naman siguro siya sa mga babaeng kinupkop ni Donya Isabel,” narinig niyang sabi pa ng isa. “Baka na-disgrasya na naman ni Sir Daniel.” Napatingin siya sa nagsalita sa sinabi nito. “Magkakaroon na naman ng bastardong ipapanganak sa haciendang ito,” nailing na wika ng tauhang unang nagtanong. Nagkaroon na ng kanya-kanyang kwentuhan ang mga tauhang naroroon. Paglingon niya kay Jeremy ay nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito. “Hindi magiging bastardo ang batang ‘yan dahil hindi ako marunong tumalikod sa responsibilidad kagaya ng malimit na gawin ni Daniel,” nagtitimpi nitong sabi. Lahat ay gulat na napalingon dito, kasama na siya. “Bumalik na kayo sa trabaho ninyo,” pagkasabi noon ay lumakad na ito palayo. Nakasunod lang ang tingin niya dito hanggang sa lumapit at ngumiti sa kanya si Mang Tonyo. Hinawakan nito ang balikat niya. “Congratulations, hija. Napaka-suwerte mo kay Jeremy, napaka-bait na bata niyon. Pinahahalagahan niya ang lahat ng mahalaga sa kanya,” sabi nito at lumakad na rin papunta sa tinahak na daan ni Jeremy. Ilang sandali lang siyang nakatingin dito bago sumunod. “Mang Tonyo,” tawag niya dito. Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. “Iyong tungkol po sa mga babaeng sinasabi nilang kinupkop ni Donya Isabel, ano pong nangyari doon?” hindi niya napigilang ungkatin ang bagay na iyon. “Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mahirap na para kay Jeremy ang mag-tiwala. Walang anak na babae si Donya Isabel, kaya napakalambot ng puso noon sa mga babaeng napupunta dito na nangangailangan ng tulong. Ang ilan sa kanila ay buntis ding kagaya mo, pero pagkatapos nilang manganak ay agad din silang umaalis. Pero bago iyon ay nanghihingi muna sila ng malaking halaga kay Donya Isabel. Lalong nade-depressed si Donya Isabel sa pag-alis ng mga ito ng walang paalam. Mahal na mahal ni Jeremy ang mama niya. At lahat ay gagawin niya para lang huwag malungkot ito. “Kaya napaka-suwerte mo kay Jeremy dahil hindi iyan marunong mang-iwan kapag mahalaga sa kanya ang isang tao. Parang anak ko na ang batang iyan, pinaka-ayaw niya sa lahat ang taong nang-iiwan na lamang ng basta-basta lalo na at may responsibilidad na kailangang panagutan,” mahaba nitong kuwento sa kanya. Tumango siya. Alam niya na ngayon kung bakit ganon na lang ang naging pakikitungo sa kanya ni Jeremy. “Sino po ba si Jackie?” naisipan niyang itanong dito nang maalala ang sinabi ni Donya Isabel kanina. Kumunot ang noo nito. “Hindi mo kilala si Jackie?” Umiling siya. “Si Jackie ang pinakamatagal na naka-relasyon ni Jeremy. Hindi nga lang ako sigurado kung relasyon ngang matatawag iyon dahil mukha namang pareho silang hindi seryoso. Iniwan niya si Jeremy para sa ibang lalaki. Nasa Amerika siya ngayon, iyon lang ang nalalaman ko. Mabuti pa, kausapin mo na lang si Jeremy,” itinuro nito ang isang daan. “Sigurado akong nandoon siya sa malaking puno na nakatapat sa tubuhan, iyon lang naman ang pinupuntahan niya kapag masama ang mood o di kaya naman ay may problema. Sige na, hija. Kailangan ko na ring bumalik sa trabaho,” pagkasabi noon ay bumalik na ito sa manggahan. Ilang sandali muna siyang tumayo lamang at tumingin sa daang itinuro ni Mang Tonyo bago niya naisipang pumunta sa kinaroroonan ni Jeremy. Hindi naman siya gaanong nahirapang hanapin ang punong sinabi ni Mang Tonyo dahil napakalawak at napakaaliwalas ng daan. Agad niyang nakita ang nag-iisang malaking puno sa parteng iyon ng hacienda na nakatapat sa napakalawak na tubuhan. Magagandang damo ang nakapalibot sa puno kaya agad niyang natanaw si Jeremy na nakaupo sa mga damong iyon at nakasandal sa malaking katawan ng puno. Malakas ang ihip ng sariwang hangin doon kaya pala doon naisipang tumambay ni Jeremy. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo isang dipa ang layo dito. “Hindi mo na dapat sinabing anak mo ito. Kaya ko naman tanggapin ang lahat ng sasabihin ng iba,” marahan niyang sabi dito pero ang tingin ay nasa tubuhan. “Hindi ko ‘yon ginawa para sa’yo. That’s for your child, gusto mo bang tinatawag na bastardo ang magiging anak mo?” hindi niya maintindihan kung bakit ganoon karahas ang tonong ginamit nito sa tanong na iyon. Tumingin siya dito. “Bakit ka ba galit sa akin?” pabulong niyang tanong. Napatingin din ito sa kanya kaya nakita nito ang lungkot sa mga mata niya. “I’m not,” marahan nitong tanggi. “Huwag kang mag-alala, hindi naman ako katulad ng ibang babae na nagpupunta at umaalis dito ng walang paalam. I don’t need your money, and I promise na aalis din agad ako dito bago ako ma-manganak,” iniiwas niya ang tingin dito. “If you want me to stay outside your house para hindi ako masyadong mapagtuunan ng pansin ng mama mo at hindi ako masyadong mapamahal sa kanya, I’ll do it.” “I’m not telling you to do that,” sabi nito. Pagtingin niya dito ay nakatingin na ulit ito sa tubuhan. “Nasaan na ang asawa mo?” tanong nito na ikinagulat niya. “W-Wala akong asawa.” “Then where’s the father of your child? Your ex-boyfriend, I guess?” pag-iiba nito sa tanong. “My ex-boyfriend…” muli niyang ibinalik ang paningin sa tubuhan. “I-I don’t know…” “Bakit ka niya iniwan?” “He just left. Three years ago nalaman ko na lang na umalis na siya ng bansa at may kasama pang ibang babae. Pagkatapos noon wala na akong naging balita sa kanya at iyon ang naging simula ng pinaka-miserableng parte ng buhay ko,” humugot siya ng malalim na hininga. Nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang ginawang pag-iwan sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Daniel. Ano na lang kaya ang sasabihin nito kapag nalaman nitong ang kapatid nito ang tinutukoy niya? Nakakunot ang noo nito nang bumaling sa kanya. “Three years ago?” naguguluhan nitong tanong. Gulat siyang napatingin dito bago mabilis na yumuko at tumingin sa damuhan. “I mean, three months ago… a-ayoko na kasing alalahanin iyon,” pagdadahilan niya. Tumango lang ito at bumuntong-hininga.”He shouldn’t have left you. He shouldn’t have left that child,” parang may bakas ng lungkot ang huling sinabi nito. Huminga siya ng malalim saka pinilit baguhin ang usapan. Baka kung ano pa ang masabi niya na pagsisisihan niya. “Bakit kayo naghiwalay ni Jackie?” iyon ang unang tanong na pumasok sa isipan niya. “Jackie and I lasted for almost a year. It’s my fault kung bakit kami nagkahiwalay, I don’t have time for her and all I was thinking was this farm. Kahit madami ng balita na may mga kasama siyang ibang lalaki ay hindi ko pinapatulan, I don’t know how our relationship lasted that long kahit marami kaming hindi pinagkaka-intindihan,” sagot nito na parang tinatamad pang pag-usapan ang bagay na iyon. “Maybe because you love her so much and you trusted her a lot,” mahina lang ang pagkakasabi niya noon. “I don’t think so,” tumingin ito sa kanya. “I don’t trust her, really. Just like how I don’t trust my brother.” Nagtataka siyang napalingon dito. “You-You don’t trust your brother?” Seryoso ang mukha nito kaya alam niyang hindi ito nagbibiro. “Ako na ang mag-isang nagpatakbo ng buong haciendang ito simula ng makatapos ako ng kolehiyo. That was because I want my father to stay alive through this farm. He sacrificed everything for this, ayokong sirain ang sinimulan niya. Hindi ko sinisisi si Daniel kung wala siyang pakialam dito, alam kong car racing na ang buhay niya. All I want is for him to behave at huwag ng dumagdag sa mga problema. Palagi na lang siyang nagbibigay ng ikasasama ng loob ni Mama. I even allowed him to live in the States when he asked for it,” hindi nito naitago ang tinitimping galit sa kapatid. “Daniel…” sambit niya sa pangalang binanggit nito. Car racing. Right, halos iyon na nga lang ang bukam-bibig niya tuwing magkasama sila. Minsan lang ito mag-kuwento ng tungkol sa pamilya nito kaya wala siya masyadong alam sa mga ito. Napatingin siya kay Jeremy, siguro dahil hindi sila close na mag-kapatid kaya hindi ito masyadong bumabanggit ng tungkol dito. Hindi niya alam kung bakit ni minsan ay hindi nag-krus ang landas nila ng lalaking ito kahit na pareho silang naririto sa Cebu. Siguro dahil na rin sa hindi naman siya madalas lumagi dito simula ng mag-kolehiyo siya dahil na rin sa mas ginusto niyang mag-stay sa Maynila. Sa Manila niya na rin nakilala si Daniel at dahil din dito kaya mas matagal siyang nanatili doon. Wala naman talaga siyang interes sa hacienda nila simula noong bata pa siya. Hindi niya rin gaanong kakilala ang mga taong nakakasalamuha ng ama niya sa hacienda, maging ang mga kasosyo nito sa farm. At kahit alam niyang pagmamay-ari ni Daniel itong Hacienda Fabella ay hindi niya naisipang bumisita dito dahil minsan din lang naman itong dumalaw doon. Maybe those were the reason why she never met this man before. Ngumiti ito. “We should stop talking, marami pa akong dapat intindihin sa manggahan.” Hindi niya napigilang mapatitig sa ngiti nito. Mas guwapo pala ang lalaking ito kapag nakangiti. Naputol ang pagtitig niya dito nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at isinabay siya sa pagtayo. “Ipapakita ko muna sa’yo ang buong manggahan bago kita dalhin kina Aling Juana. Do you know how to cook?” tanong nito habang naglalakad sila pabalik sa manggahan. “Oo, tinuruan ako noon ng mommy ko ng mga specialties niya,” napatigil siya sa paglalakad nang maalala ang parents niya at ang nangyari sa mga ito. Napatigil din sa paglalakad si Jeremy at tumingin sa kanya. “What happened to her?” “Mom and Dad died in a car accident three years ago, I was only twenty-one and that was the worst day of my life,” sagot niya dito habang pinipigil ang sariling luha na nagbabantang pumatak sa mga mata niya. Inilibot niya ang paningin sa parte ng hacienda na tinigilan nila. Nakikita pa rin niya ang tubuhan ng mga ito. “You have a very beautiful farm,” puri niya sa pag-aari nito. Katulad din ng farm namin noong nabubuhay pa sina Daddy. “That’s where you came from.” Napatingin siya dito at nakita niyang nakatingin ito sa isang parte ng tubuhan. Sinundan niya ang tingin nito at hindi niya napigilang alalahanin ang hirap na pinagdaanan… ”KUYA Anderson!” salubong niya sa kuya niya. Hindi niya ito tunay na kapatid pero legally adopted ito ng parents niya simula ng sampung taong gulang pa lang ito. Anim na taon ang tanda nito sa kanya pero hindi naging hadlang ang lahat ng mga iyon para maging close sila. “You’re back! Kanina ko pa kayo hinihintay nina Daddy at Mommy. Pinagluto ko pa nga kayo ng dinner,” napatigil siya nang mapansin ang ayos nito. Mukhang pagod na pagod at parang hindi man lang nakapagpalit ng damit. May mga luha sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kinabahan siya sa inaakto nito pero pinilit niya pa ring ngumiti. “Nasaan na sila? S-Siguradong pagod kayo sa biyahe,” wika niya saka humakbang papunta sa may pinto pero pinigilan siya nito sa braso. Muli siyang tumingin dito. “Kuya, ano ba?” “I-I’m sorry…” bulong nito. “I’m really sorry. I shouldn’t have let them,” nangangatal na ang boses nito. “W-What are you talking about?” hindi niya alam kung bakit bigla na lang din tumulo ang mga luha niya. “W-Where are they?” “T-They’re gone. They had a car accident last night. I-I tried to stop them. Sabi ko, huwag muna silang umuwi dahil gabi na at sumabay na lang sila sa pag-uwi ko ngayon. Pero gusto pa rin nilang umuwi dahil gusto ka na daw nilang makita,” umiling ito. “H-Hindi ko na lang dapat sila pinayagan.” Nawala ang lahat ng lakas sa katawan niya at tuluyan ng bumigay ang mga tuhod niya. Agad naman siyang nahawakan ng kuya niya. “N-No…” napahikbi siya. “No, that’s not true,” ngumiti siya. “Kuya, hindi magandang biro ‘yan. Kausap ko pa lang si Daddy sa telepono kagabi, sabi pa nga niya marami siyang pasalubong sa akin.” Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi at muling humakbang papunta sa may pinto. “They’re here… g-gusto lang nila akong sorpresahin, sina Daddy talaga,” pero hindi niya na nagawang makalayo dahil muling bumigay ang mga tuhod niya. Hinawakan siya sa magkabilang balikat ng kuya niya at pinaharap dito at niyakap. “Ssshhh…” pagpapatahan nito sa kanya. Pinagsusuntok niya ang dibdib nito. “No! No! You’re lying! They can’t leave me! They can’t do this to me!” Hindi niya na pinigilan ang paghagulhol sa sakit na nararamdaman. “Sabi nila hindi nila ako iiwan. Bakit mo sila pinabayaan?” “I’m sorry… I’m really sorry. Pero kahit mahirap tanggapin, kailangan nating gawin. Our life must go on, we need to be strong. You must stay strong. Babalik ako sa ospital mamaya para asikasuhin ang katawan nila. Kailangan mo rin silang makita,” sabi nito habang walang tigil pa rin ang paghagulhol niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD