Episode 4

2800 Words
“I’M sorry to bother you, pero kailangan na nating pag-usapan ang nakasaad sa huling testamento ng mga magulang niyo,” narinig niyang sabi sa kanila ni Atty. Ramirez – ang abogado ng pamilya niya. Bata pa lang siya ay kilala niya na ito. May dalawa itong anak na babae sa asawa nito ngayon na pareho niyang kaibigan, pero hindi niya kilala ang sinasabi nitong isa pang anak na lalaki sa babaeng una nitong pinakasalan na sa pagkakaalam niya ay namatay sa isang aksidente. “Wala akong pakialam diyan,” malamig niyang sagot dito. Nakaupo siya sa sahig ng living room nila at yakap ang mga binti. Nakatitig lang siya sa larawan ng mga magulang niya na nakapatong sa mesang nasa harapan. “Pagpasensiyahan niyo na po ang kapatid ko,” hinging paumanhin ng kuya niya na nakaupo sa sofa. “Katatapos lang po ng libing ng mga magulang namin at napakahirap para sa amin ang tanggapin ang nangyari. Pero kung kailangan na po talaga nating pag-usapan ang bagay na iyan, makikinig po kami.” Tumikhim muna ang abogado bago tumingin sa kuya niya at sa kanya. Kinuha nito ang isang itim na folder sa loob ng suitcase nito. “Ayon dito sa iniwang testamento ng ama ninyo sa akin, lahat ng negosyo at ari-arian na nasa Singapore ay ipinamamana niya sa iyo Anderson. Maaari ka nang manirahan doon kung kailan mo gusto,” pagsisimula ng abogado. “At sa’yo naman, hija. Iniwan nila sa’yo ang KheiAl Hotel ninyo sa New York, ganoon din ang textile company niyo dito sa Pilipinas at ang buong hacienda.” Napatingin siya dito. “Ang hacienda?” sumulyap siya sa kuya niya na nakatingin na sa kanya. “Pero wala akong alam sa pagpapatakbo ng isang hacienda.” Totoong lumaki siya sa hacienda at nakikita niya ang Daddy niyang nangangalaga nito, pero ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya ang patakbuhin ang hacienda nila katulad ng ginawa ng Daddy niya. “Alam ko ‘yon, pero ikaw lang ang dapat na magmana ng haciendang ito dahil ipinangako ng ama mo sa lolo mo na ipamamana nito ang buong lupaing ito sa kadugo nila. Maaari ka namang humingi ng tulong sa mga eksperto pagdating sa pagpapatakbo nito. Inaasahan ng ama mo na ikaw ang hahawak sa haciendang ito… na aalagaan mo ito at ipagmamalaki sa mga magiging anak mo,” pagpapaliwanag nito sa kanya. Muli siyang napayuko at muli na namang bumalot ang kalungkutan sa puso niya. “H-Hindi ko alam,” hindi na naman niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa mukha. “I don’t know if I’m able to… to work again,” nanginginig niyang sabi. “Mabuti po sana kung bumalik na lang kayo sa ibang araw, Attorney. Kailangan na rin munang magpahinga ng kapatid ko,” narinig niyang wika ng kuya niya dito. Tumango lang ang abogado at magalang na nagpaalam. Pagkaalis nito ay lumapit sa kanya ang kuya niya. “Ayos ka lang?” tanong nito. Umiling siya at tumingin dito. “How can I be okay, Kuya? Tell me,” she sobbed. “I…” muli siyang umiling. “I can’t accept this… I hope this is just a very bad dream, and I really want to wake up now,” niyakap niya ang mga binti at doon humagulhol ng pag-iyak. “I’m sorry,” wika nito at hinawakan ang mga kamay niya. “You need to rest, marami pa tayong kailangang ayusin. Come on. Cheer up… for me. Kailangan ko rin maging matatag, at habang nakikita kitang nahihirapan, parang ganoon na rin ang nararamdaman ko.” Tumingin siya dito at tumango. Ngumiti ito sa kanya at dahan-dahan siyang hinila patayo. “Good girl, ihahatid na kita sa kuwarto mo. Magpahinga ka na.” Sumunod lang siya dito hanggang sa makarating sila sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. “You okay?” muli nitong tanong sa kanya bago siya pumasok sa loob ng silid. Nang tingnan niya ito ay nakita niya ang labis na pag-aalala sa mga mata nito kaya pinilit niyang ngumiti at tumango. Ngumiti din ito sa kanya. “Don’t worry too much. And about the farm…” “Yeah, right. Hindi ko alam kung kaya ko pang patakbuhin ang buong hacienda, Kuya. I’m not in my right mind right now and I don’t know what to do,” pag-amin niya dito. “That’s why I’m here. I can help you,” sabi nito sa kanya. Muli siyang tumingin dito at naalala niyang Agriculture nga pala ang tinapos na kurso ng kuya niya. “Ano pang silbi ng kursong tinapos ko kung hindi ko naman magagawang alagaan ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy sa haciendang ito?” “Anong dapat kong gawin?” tanong niya dito. “Nothing… Magpapagawa na lang ako ng kontrata kay Atty. Ramirez na ako na muna ang pamamahalain mo sa hacienda, you can still work in our other companies. And all you have to do is support me,” sagot nito. Tumango siya. “Thank you, Kuya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ka,” buong puso niyang pasasalamat dito. Lagi na lang itong nasa tabi niya kapag may problema siya. Bata pa lang siya ay wala siyang matandaang pagkakataon na pinabayaan siya nito. “It’s okay. Alam mo namang lagi akong nandito para sa’yo. I will never leave you… but I have to go somewhere tomorrow para asikasuhin ang mga trabahong naiwan ko sa Manila. Ipapadala ko na lang kay Tita Manette ang mga papeles para sa haciendang ito. Siya na din muna ang magbabantay sa’yo habang wala ako,” pinilit nitong pasiglahin ang sariling tono para sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. “S-Si Tita Manette? Bakit siya pa?” nagtataka niyang tanong dito. Ang Tita Manette niya ang pinaka-ayaw niyang tiyahin sa side ng mommy niya. Hindi niya alam kung bakit, siguro dahil sa tuwing bibisita ito sa kanila ay lagi na lang masama ang tingin nito sa kanya at madalang din nitong kausapin ang mommy niya. Minsan nga ay tinanong niya ang mommy niya kung may galit ito sa kanila pero umiling lang ito at sinabing sadya na daw iyong ganoon simula pa pagkabata. “Siya lang ang walang ginagawa sa lahat ng mga kamag-anak natin. Huwag kang mag-alala, siya naman mismo ang nag-volunteer na mag-alaga sa’yo kaya hindi ka niya pababayaan,” sagot nito. “Go to sleep now. Goodnight,” pagkasabi noon ay tumalikod na ito at lumakad papunta sa sariling kuwarto. Pumasok na din siya sa kuwarto niya. Bakit naman kaya naisipang alagaan siya ngayon ng tiyahin niyang iyon? HINDI niya namalayan na isang linggo na pala ang lumipas na halos nakakulong lang siya sa loob ng kwarto niya. Hanggang isang gabi ay naisipan niyang lumabas muna sa loob ng mansiyon at magpahangin. Ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita ang Tita Manette niya na kausap ang isang lalaki. Mukhang hindi napansin ng mga ito ang presensiya niya kaya pansamantala siyang nagtago sa lugar kung saan hindi siya ng mga ito makikita pero sapat na para marinig niya ang usapan ng mga ito. Pinag-uusapan ng mga ito ang mga bagay na gusto nitong ipabago sa mansiyon at sa buong hacienda. Kailan pa nagkaroon ng karapatan itong magpabago ng mga bagay dito sa hacienda? Pero hindi napag-handaan ng puso niya ang sunod na mga narinig. “Sigurado ka bang malinis ninyong nagawa ni Anderson ang ipinagawa ko?” tanong ng Tita Manette niya sa lalaki. “Siguradong-sigurado po ako, boss. Kahit na pa-imbestigahan pa sa mga pulis ay hindi nila malalamang sinadyang tanggalan ng preno ang sasakyan nila,” sagot ng lalaki, nasa tono pa ang pagyayabang. “Kawawang mag-asawa, katatapos lang mag-enjoy sa Baguio pero walang kamalay-malay na balak ng tapusin ng ampon nila,” tumawa pa ito. Narinig niya rin ang pagtawa ng Tita niya. “Dapat lang naman sa kanila iyon,” anito. “Sige na, ayusin mo na ang mga dapat ayusin.” Narinig niya ang mga yabag papalayo ng lalaking kausap nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin ng mga oras na iyon, kung maaari niya lang sanang patayin ang mga ito ay nagawa niya na dahil iyon lang ang bagay na tumatakbo sa isipan niya. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na ganito ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya. Kahit nanghihina ay pinilit niyang makalapit sa kinatatayuan ng Tita Manette niya. Nasa mukha nito ang pagkagulat sa pagkakita sa kanya. “Bakit? Why did you do it?” nagsimula ng umalpas ang pinipigilan niyang luha. Lalong nag-igting ang galit niya nang makita ang pag-ismid nito. “It’s good na alam mo na ang lahat, wala na kaming dapat na itago sa’yo ni Anderson,” bahagya itong lumapit sa kanya. Nasa mga mata nito ang poot na hindi niya alam ang dahilan. “Tutal, hindi ko na naman ikaw kailangan dahil nakuha ko na ang kailangan ko sa’yo. Dapat siguro sumunod ka na sa mga magulang mo.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ano ang ibig nitong sabihin na nakuha na nito ang kailangan nito sa kanya? “Oh,” kunwang nagulat pa ito. “You still didn’t know,” napailing pa ito. “Pag-aari ko na ang buong haciendang ito at ang lahat ng mga ari-ariang minana mo. Paano? Pinirmahan mo ang kontratang ibinigay sa’yo ni Anderson noong isang linggo, hindi ba? Kontratang nagsasabing ibinibigay mo sa amin ang lahat ng pag-aaring iniwan ng mga magulang mo sa’yo.” Ganoon na lang ang gulat niya sa sinabi nito. Mayroon pa ba? Gaano pa karami ang kasamaang gagawin nito sa kanya? Pinagka-tiwalaan niya ang mga ito. She was about to collapse at that time but then she remembered Attorney Ramirez. Ito na lang ang makakatulong sa kanya. Aktong hahakbang na siya papunta sa telepono nang muli itong mag-salita. “Sinong tatawagan mo?” tanong nito. “Si Attorney Ramirez?” tumawa pa ito. “Sa tingin mo ba matutulungan ka niya? You should know who to trust in this world,” humakbang ito paharap sa kanya. “You know there are two kinds of lawyers, one who is after justice and one who is after money. And Attorney Ramirez is the latter. Mas mahalaga sa kanya ang pera kaya pinabayaan ka na niya.” “You b***h!” Hindi nito nagawang iwasan ang pagdapo ng kamay niya sa mukha nito. Higit pa doon ang gusto niyang gawin, she wanted to strangle her neck at that time. She wanted to kill her, not just her; she wanted to kill all the people who played with her family! Galit itong tumingin sa kanya. “How dare you!” Akmang sasampalin din siya nito pero may kamay na biglang pumigil dito. “I told you not to hurt her,” narinig niya ang pagalit na wika ng kuya niya. Inilipat niya ang tingin dito at nakita niya ang mabagsik nitong tingin sa Tita Manette niya. Iwinaksi ng Tita niya ang kamay ng Kuya Anderson niyang nakahawak dito. “Hindi mo ba nakita ang ginawa niya sa akin? Walang modo ang babaeng yan!” pasigaw nitong sabi. “Shut up!” ganting sigaw ng kuya niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya at hinila siya palayo. Narinig pa niya ang galit na pagmumura ng tita niya. Pagkarating nila sa labas ng mansiyon ay tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. “Are you okay? Ano ba ang—” hindi na nito natapos ang sasabihin ng bigla niya itong sampalin sa mukha. Gulat itong napatingin sa kanya. “Bastard,” mahina pero may diin ang pagkakasabi niya ng salitang iyon. “Paano mo nagawa ‘to? Pinagkatiwalaan kita! Pinagkatiwalaan ka ni Daddy!” sigaw niya dito habang pinagsusuntok ang dibdib nito. Hinuli nito ang mga kamay niya. “Pero hindi niya ako pinagkatiwalaan. Hindi niya na ako itinuring na anak simula ng malaman niya ang sikretong itinatago ko, pinilit niya na akong umalis dito at manirahan na lang sa Singapore. Nang tumanggi ako ay pinahirapan niya na ako at ginawang tau-tauhan dito sa hacienda. Tiniis ko ang lahat ng iyon dahil ang akala ko ay balang araw tatanggapin niya ulit ako,” paliwanag nito. Umiling siya. “That’s not true… mahal na mahal ka nina Daddy. Hindi niya gagawin sa’yo iyon. Gusto mo lang makuha itong buong hacienda,” pinigilan niya ang sariling mapaiyak sa harap nito. “Now, you have it. Nakuha mo na sa akin, hindi ba? Just let me go!” pilit niyang binabawi ang kamay niyang hawak nito subalit hindi siya nito pakawalan. “Let me go!” “Listen to me,” utos nito sa kanya pero iniiwas niya ang tingin dito. “No, look at me. I don’t want this farm. Nagawa ko lang lokohin ka sa kontratang pinapirmahan ko dahil iyon ang gusto ni Tita Manette. Gustong-gusto niyang makuha ang haciendang ito. Tinulungan ko siya dahil ipinangako niyang tutulungan niya akong makuha ang bagay na pinaka-gusto ko,” pilit nitong pagpa-paliwanag sa kanya. “Ang nag-iisang hinihiling ko pero ipinagkait sa akin ni Daddy.” Hindi pa rin niya magawang tumingin dito. Kahit na anong paliwanag nito ay hindi na mawawala ang galit niya. “Tell me, hindi pa ba sapat ang mga manang nakuha mo sa mga magulang ko? What else do you want!?” “You.” Gulat siyang napatingin dito. Hindi siya makapaniwala sa salitang binigkas nito. “W-What?” hindi niya alam kung naririnig pa ba ang boses niya. “Hindi mo ba napapansin kung bakit kahit minsan ay hindi kita magawang pabayaan? Dahil mahal na mahal kita, hindi bilang isang kapatid. Ikaw ang dahilan kung bakit tiniis ko ang lahat ng pagpapahirap sa akin ni Daddy simula ng malaman niya na hindi isang kapatid ang turing ko sa’yo. Pilit niya akong pinalalayo dahil ayaw niyang mangyari ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit, kaya naman kitang alagaan kaysa sa ibang mga lalaking nanakit sa’yo. Hindi ko magawang umalis dito dahil alam kong hindi na kita makikita kapag ginawa ko iyon. I was hoping that he will accept me again and he will allow me to love you. Pero hindi, hanggang sa sabihin niya na ipakakasal ka niya sa iba. Na nakakita na daw siya ng lalaking dapat na para sa’yo, katulad din niyang isang magaling na haciendero. Sinabi niyang nakausap niya na ang magulang nito at itatakda na lang ang kasal niyo. Hindi ko magagawang tanggapin iyon.” Tumango siya pero hindi maitatago ang galit sa mukha niya. Alam din niya ang tungkol sa planong iyon ng Daddy niya na ipakasal siya sa kakilala daw nitong haciendero pero pilit niya din iyong tinututulan noon. Ngayon, alam niya na kung bakit biglang nag-desisyon ng ganoon ang Daddy niya. Tinitigan niya ang kuya niya at hiniling niya na sana ay magagawa niya itong patayin ng mga oras na iyon. “That’s it. That’s why you did it… kaya tinanggalan mo ng preno ang sasakyan nina Daddy? You killed them, you heartless bastard!” Halatang nagulat ito sa nalaman niya kaya bigla nitong nabitawan ang kamay niya. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para makatakbo pero agad din itong nakahabol sa kanya at mahigpit siyang hinawakan sa braso. “Let me go!” pilit siyang kumakawala dito. “Gusto ko ng umalis dito!” “It was not my idea. Si Tita Manette ang gumawa ng lahat ng iyon, maniwala ka sa akin. Hindi kita kayang saktan,” pagmamakaawa nito sa kanya. “Liar! I’m going to get out of here and I promise I’ll make you all pay for this!” sigaw niya habang buong-lakas na kumakawala dito pero lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. “Let me go! I hate you!” Nakita niya ang biglang pagdaan ng sakit sa mga mata nito sa sinabi niya. Iniiwas nito ang tingin sa kanya. “You won’t leave this place. Kung kailangang ikulong kita, gagawin ko,” pagkasabi noon ay hinila na siya nito pabalik sa mansiyon sa kabila ng pagpupumiglas niya… Nagulat siya nang may dumantay na kamay sa balikat niya. “Ayos ka lang?” Napalingon siya sa likod nang marinig ang boses ni Jeremy. Tumango siya at pinilit na ngumiti. “Let’s go?” tanong nito. Tumango ulit siya at sumabay na sa paglalakad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD