JUSTEEN
GRABE `yong kaba ko tonight dahil ito na ang gabi kung saan lalaban na ang ganda ko sa Miss Benedictine Academy 2016. Nasa backstage na ako at hinihintay iyong favorite make-up artist kong bakla. `Asan na kaya iyon? Kanina ko pa siya tini-text pero wala pa rin siya. Sa sampung kasali ay ako na lang ang hindi pa ready dahil wala pa akong make-up. Speaking of ‘kasali’… Kasali din dito ang bruha na si Liya! Talagang kinalaban ako ng bruhildang iyon, ha.
And speaking of the devil, papalapit sa akin si Liya. At bakit kasama niya ang make-up artist ko? What is the meaning of this?
“Maricorn? Bakit magkasama kayo ng Liya na iyan?” Nagtatakang tanong ko doon sa make-up artist.
“She’s my personal make-up artist tonight, Justeen. I heard that magaling daw si Maricorn kaya kinuha ko siya.” Si Liya ang sumagot.
“Justeen, sorry… Mas malaki kasi ang ibabayad niya sa akin.”
“Don’t be sorry. Ginagawa mo lang ang trabaho mo pero nakakatampo lang dahil ini-expect ko na ikaw ang mag-aayos sa akin. Sige na, kailangan ko pang magpaganda!” Pagtataboy ko sa kanilang dalawa.
Humarap na ako sa salamin at kinuha ang make-up kit sa bag ko. My God! Hindi ako marunong mag-make-up ng pang-contest. Ang keri ko lang ay iyong simpleng make-up lang. Nakakabwisit naman kasi ang Liya na iyon! I am so sure na kinuha niya talaga si Maricorn para inisin ako at para walang mag-ayos sa mukha ko ngayon. Nananadya talaga ang bruhang iyon. Hindi pa ba siya masaya na nasa kanya na si Lucky? Ano pa bang gusto niya sa akin? Gusto niya yata na agawin sa akin ang korona ng pagiging beauty queen ng Benedictine Academy. Pwes, hindi ako papayag! Ako pa rin ang reyna sa school na ito.
Pero, paano na itong problema ko?
Wait lang… May naisip ako!
Tinawagan ko si Josef sa phone niya at pinapunta ko siya sa backstage. Pumunta naman agad siya kasama si Mocha.
“O, anong problema?” tanong ni Josef.
“I need your help--kayong dalawa. Marunong naman kayong mag-make-up, `di ba? Inagawan ako ni Liya ng make-up artist kaya walang magpapaganda sa akin. Kayong dalawa na lang ang last and only hope ko. Please…” Nagmamakaawang pinaglapit ko pa ang dalawa kong kamay.
“Naku, bes! Wala akong alam sa pang-professional na make-up-an. Pang-perya level lang ang skills ko!” ani Mocha.
Kay Josef naman ako tumingin. Ang seryoso ng mukha niya. Huminga siya nang malalim sabay agad ng make-up kit sa akin. Nagulat ako nang siya na ang nagmake-up sa akin. Ang bilis ng kilos niya. Sanay na sanay. Baklang-bakla talaga! Nakatitig lang ako sa kanya the whole time na pinipintahan niya ang face ko. Bawat detalye ng mukha niya ay namemorize ko na yata. Pati iyong konting pawis niya sa gilid ng mukha niya ay na-appreciate ko. Iyong lips niya na natural na mapula at matangos na ilong. Iyong mata… shemay! Grabe makatitig! Gwapo nga talaga ang baklang ito! Sayang. Kung naging lalaki lang talaga siya, baka ako na ang manligaw. Charot!
“Justeen, tapos na…” ani Josef.
“Ha?” Nakanganga pa rin ako sa kanya.
“Ang sabi ko, tapos na.”
“Ha? Ay, oo!” Excited akong humarap sa salamin at talagang na-amaze ako dahil kung maganda na ako ay mas napaganda pa niya ako sa make-up niya. Ako ba talaga ito? From diwata ay naging dyosa na yata ako. Pak!
“Ang ganda-ganda mo na lalo, bes!” Tuwang-tuwa na turan ni Mocha.
“Thank you, Josef!” sabi ko.
“Sige na. Lalabas na ako.”
Mabuti na lamang at walang nakapansin sa pagme-make-up ni Josef sa akin. Medyo tago kasi itong pwesto ko tapos abala pa ang lahat sa pag-aayos ng sarili nila. Walang sawa na pinagmasdan ko ang sarili kong mukha sa salamin. Ang ganda-ganda ko kasi. Nakakainis!
“Bes, grabe iyong pagkakatitig mo kay Josef kanina, ha. Inlove ka sa kanya, `no!” biglang sabi ni Mocha nang nakaalis na si Josef.
“Ano bang pinagsasabi mo, bes? Crush ko lang iyon!”
“Remember, bakla si Josef. At ang bakla, hindi magkakagusto sa babae. `Wag kang mapa-fall sa kanya kung ayaw mong masaktan.”
“Hindi mo na ako dapat pagsabihan. Alam ko na iyon. Hanggang crush lang ako sa kanya. Bawal ma-inlove…” Pero bakit parang nalungkot naman ako sa sinabi ko.
“That’s good. Sige na, bes. I gotto go! Good luck, bes!” After naming magbeso-beso ay umalis na rin si Mocha.
Humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili. “Bakla siya. Bawal ma-inlove. Pigilan mo ang sarili mo, Justeen… Pigilan mo…” sabay hinga nang malalim.
THAT night ay wala pa ring nakatalo sa akin, ako pa rin ang nagwagi bilang Miss Benedictine Academy 2016! Ang daming lumapit sa akin sa backstage para batiin ako. Siyempre, kasama na roon si Josef na binigyan pa ako ng isang dosenang bulaklak. Kinilig ako pero alam kong palabas lang iyon para mapanindigan namin ang pagpapanggap namin.
“Si Justeen na talaga ang babaeng pinagpala sa lahat! Aba, winner na sa contest, winner pa ang love life!” ani ng isang contestant.
“Ay, grabe siya, oh!” Iyon na lang ang nasabi ko.
Napapitlag ako nang bigla akong akbayan ni Josef at medyo kinabig palapit sa kanya. “Ako ang maswerte dito kay Justeen. Swerte ako dahil nagkaroon ako ng maganda, mabait at maunawain na girlfriend…” sabi ni Josef habang nakatingin sa mga mata ko.
Shemay naman, o!
Bakit feeling ko ay totoo lahat ng sinasabi niya? Ang galing talagang um-acting ng baklang ito. Parang totoo na.
Kinikilig naman na nagtilian ang lahat ng naroon.
Perfect na sana ang gabing iyon nang may biglang magkagulo sa labas. Isang humahangos na estudyante ang pumasok sa backstage at sinabi ang nangyayari. Nagwawala na parang sira-ulo na naman daw sina Demo at ang mga kaibigan nito.
“Grabe na talaga iyang sina Demo. Hindi kaya nagdo-droga ang mga iyon?” sabi ni Mocha.
“Hindi lang naman sina Demo. Pati ibang students, nagiging katulad na rin nila…” sabi ko. “Natatakot na tuloy ako.”
“Don’t worry, loves… `Andito naman ako. I will protect and take care of you!” At talagang may pa-hug pa si Josef sa akin.
“Ayyy!!!” tilian ng lahat.
“Thanks, loves!”
Siyempre, chance ko na ito. Pinagsiksikan ko pa ang sarili ko kay Josef at gumanti na rin ng yakap sa kanya.
Haaay, Josef… Wish ko lang ay naging tunay na lalaki ka na lang.