CHAPTER 20- After The Break-up

1165 Words
JUSTEEN NAGTATAKBO ako sa hallway ng school habang nakasunod sa akin si Josef. Umiiyak ako ng oras na iyon na akala mo ay naipit ang kamay sa pintuan. Maraming estudyante ang nakakakita sa eksenang iyon na akala mo ay isang madramang scene sa isang soap opera. Nang maabutan ako ni Josef ay agad niya akong hinawakan sa kamay at hinarap sa kanya. “Justeen, pag-usapan natin ito. Please…” samo niya. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinahid ang tears sa aking face. “I am so sorry, Josef. It’s not you, it’s me. H-hindi na kita mahal kaya mas mabuting tapusin na natin ito. Break na tayo!” Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko niyon. “J-justeen…” Agad na naglaglagan ang luha niya. “Sorry…” Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at muling tumakbo palayo sa kanya. “YES! Finally! Natapos na rin ang pagpapanggap natin!” Matapos inumin ni Josef ang orange juice niya ay parang pagod na pagod na isinandal niya ang kanyang likod sa upuan. Nasa isang restaurant kami at kasama namin si Mocha. Iyong break-up scene namin kanina sa school ay palabas lang. Sinadya namin na makita ng marami iyon para malaman nila na wala na kami ni Josef. Para hindi na sila magtaka kung sakaling hindi na nila kami makita na sweet-sweet-an. “Yeah, right! Atleast, hindi na natin kailangang mag-pretend pa!” Kunwari ay masaya kong turan. Ayokong magpaka-plastik sa sarili ko. Malungkot ako na natapos na ang pagpapanggap naming dalawa. Kung kailan naman kasi nag-e-enjoy na ako, e. Iyong feel na feel ko na ang pagiging boyfriend niya sa akin na parang tunay na talaga siyang lalaki. Sayang talaga… Feeling ko tuloy ay isa akong bata na ibinili ng lobo tapos nabitiwan ko ang lobong iyon at lumipad sa langit. That feeling! “Bes, ang plastik mo, ha.” Bulong ni Mocha sa akin. “Tumigil ka nga, bes!” Ganting bulong ko din sa kanya. “Haaay… Ang hirap talagang magpanggap na lalaki lalo na ang maging boyfriend mo, Justeen. I am happy na natapos na ang lahat ng ito. At nakuha na natin ang benefits sa ginawa nating pagpapanggap.” Sabi ni Josef. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Lucky na nakatayo sa likuran ni Josef. Nagkatinginan kami ni Mocha at napalunok ng laway. “Ikaw, nakaganti ka na sa ex mo ako naman ay nawala na ang issue na bakla ako sa school. Pati si daddy, hindi na siya naniniwala na bakla ako dahil naging jowa kita. Ang hirap kayang magtigas-tigasan kahit ang totoo ay gusto kong kumembot!” Pagpapatuloy pa niya. Patay kang bakla ka! Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng mala-demonyong ngiti sa mukha ni Lucky. Magsasalita pa sana ulit si Josef kaya naman sinigawan ko na agad siya. “Josef!” “Bakit? Kung makasigaw ka naman diyan!” Nanginginig ang mga kamay na itinuro ko si Lucky na nasa likuran niya. Pagtingin ni Josef doon ay para siyang ibinabad sa suka sa sobrang pamumutla. “Sinasabi ko na nga ba na may itinatago kayo. Now, I know! Ako naman ang gaganti sa inyo!” Mayabang na sabi ni Lucky sabay alis. Kinakabahan na nagkatinginan kaming tatlo. I know Lucky. And I know na tototohanin niya ang sinabi niya na gaganti siya. “I-expect na natin agad na bukas ay buhay na naman ang issue na bakla si Josef…” Naiiling na napainom ng tubig si Mocha. “Hindi ako masyadong kinakabahan kung kumalat man iyon sa school. Ang kinakatakot ko ay kung sabihin niya sa daddy ko iyon.” Napaawa naman ako kay Josef nang makita ko ang problemado niyang mukha. Ang saya-saya niya kanina tapos ganito na siya bigla. Napaka-bwisit kasi ng Lucky na iyon! Subukan lang niyang gumawa ng hindi maganda, makikita niya! Hindi ako magdadalawang-isip na bugbugin siya hanggang sa magkulay ube ang buong katawan niya! THAT night ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi si Josef. For sure, hindi rin siya makatulog ngayon dahil nalaman na ni Lucky ang totoo. Ano kaya kung tawagan ko siya? Baka naman sungitan lang niya ako… Huwag na lang. At ganoon na lang ang gulat ko nang biglang tumunog ang phone ko. Si Josef. Tumatawag! OMG! “Hello?” sabi ko pagkasagot ko. “Nagising ba kita?” Nahalata ko agad ang lungkot sa boses niya. Parang galing siya sa pag-iyak. “Hindi naman. Bakit? Umiyak ka ba?” “Justeen… Alam na ni daddy. Isinumbong ako ni Lucky sa kanya…” “What?! Ang hinayupak talaga na iyon! Makikita niya bukas! A-anong nangyari? Sinaktan ka ba ng daddy mo?” Nag-aalala kong tanong. Nai-imagine ko tuloy si Josef na puro pasa at dugo dahil binugbog siya ni Tito Amir nang malaman nitong bading ang nag-iisang anak. “O-okay lang ako. Hindi naman niya ako sinaktan physically… Pero, here, sa puso ko. Masakit. Sinabi niya na hindi niya ako matatanggap bilang anak niya kung ipagpapatuloy ko ang pagiging bakla ko. Itatakwil daw niya ako-” Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil sinundan na iyon ng paghikbi. “Hindi ito pwedeng pag-usapan over the phone. Magkita tayo ngayon sa may park. Alam mo naman iyon, `di ba? Makakalabas ka ba?” “I’ll try. Text na lang kita…” “Sige. After nitong call, pupunta na ako doon.” “Okay. Bye…” “Bye.” Pagkatapos na pagkatapos ng tawag na iyon ay nagbihis na agad ako ng pambahay. Nakapantulog kasi ako. Itinali ko na lang ang buhok ko at lumabas na ng kwarto. Nasa salas pa si Mama Jolina at nanonood ng TV kaya naman inusisa niya kung saan ako pupunta. Siyempre, sinabi ko iyong totoo. Wala naman akong inililihim sa kanya. “Kahit kailan talaga, tinik sa dibdib iyang mga ex na iyan. Sige na, anak. Puntahan mo na si Josef at kailangan niya talaga ng kausap ngayon. Take care, ha.” “Thank you po. Alis na po ako…” Habang naglalakad ako papunta sa park ay nag-text ako kay Josef na papunta na ako. Hindi ko ito ginagawa para magpabida kay Josef. Ginagawa ko ito bilang kaibigan niya dahil alam kong kailangan niya ako ngayon. Parang ang sakit kasi na sabihan ka ng magulang mo na itatakwil ka nila dahil sa hindi ikaw iyong anak na gusto nila. Hindi ko man nararanasan pero kung iisipin, masakit talaga. Halos wala nang tao sa park nang marating ko iyon. Mangilan-ngilan na lang na batang naglalaro at mga mag-jowang nagde-date. Pumwesto ako sa isang bench at muling tiningnan ang aking phone. Wala pa rin siyang reply. Baka naman hindi siya pinayagan. Tawagan ko na kaya siya? Ida-dial ko na sana ang number ni Josef nang makita ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko. Teka nga… Bakit naman biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siya?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD