CHAPTER 02- Justeen’s Plan

1492 Words
JUSTEEN “WAIT lang, bes. Hindi yata natin kasabay si boyfie mo na mag-reccess today? `Anyare?” Nakapila na kaming dalawa ng bes ko para bumili ng pagkain sa canteen. “Hindi na natin siya makakasabay ngayon, bukas at sa susunod pang bukas at bukas at bukas at buk—“ Biglang tinakpan ni Mocha ang bibig ko ng kamay niya. “Unli bukas?! What happened ba? May kinalaman ba ito sa pag-iyak mo kanina? Oh my, God! Break na kayo ni Lucky, bes?!” Sa lakas ng boses ni Mocha ay nagtinginan ang lahat ng naroon sa akin. Naku! Ang sarap pasakan ng kamao ang bunganga ni Mocha. Ngayon ay alam na ng lahat na break na nga kami ni Lucky. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka mamura ko lang si bes. Pagkabili namin ng food ay humanap agad kami ng bakanteng mesa upang doon kumain. Pagkaupo na pagkaupo ko ay narinig ko ang bulungan ng mga estudyanteng babae sa likuran. “So, totoo pala na break na sina Lucky at Justeen…” “Yes. Sabi ko naman sa inyo, e! I saw Lucky…” “Anong nakita mo, girl?” “May kasama siyang magandang girl. Mukhang mayaman.” “So, pinalitan agad ni Lucky si Justeen? Ang bilis naman!” Pinagkukuha ko na ang mga pagkain ko sabay tayo. “Mocha, lets go! Umalis na tayo dito. Hindi na healthy!” “What? Hindi pa nga ako tapos—“ “Sa labas na lang tayo kakain. Maraming tsismosa dito baka hindi ako makapagpigil at may dila akong maputol!” Pagpaparinig ko pa sa mga intrigerang estudyante. Puzzled pero wala nang nagawa si Mocha kundi ang sumunod sa akin. Pumwesto kami sa isang bench na nasa ilalim ng isang puno. Hindi ko alam kung anong klaseng puno, basta puno siya na mayabong ang dahon. “Don’t tell me true ang narinig kong tsismisan ng mga babaitang `yon? Break na kayo ni Lucky at may kapalit ka na agad?” Naka-pout akong tumango. Natampal ni bes ang sarili niyang noo at ginawang pamaypay ang mga kamay. “OMG! OMG! I thought forever na kayo? Paano na iyong two years niyo?” “Wala na lahat ng iyon, bes! Two-timer siya! I hate him so much!” Naiiyak na naman ako pero pinipigilan ko lang. It really hurts kasi. Tagos sa bone marrow ang pain. Huhu! “Sinasabi ko na nga ba! Malakas ang feeling ko na manloloko ang Lucky na iyon, e!” “Bes?” “Bakit, bes?” “Pwede pa-hug?” “Akala ko naman kung ano! Halika! Hug kita, bes!” Umusog ako palapit kay Mocha at yumakap. Hindi ko na talaga napigilan ang katawang beauty queen ko at nag-iiyak na ako. Nagulat na lamang ako nang tapikin ako ni Mocha sa likod kaya kumalas ako sa madrama naming yakapan-scene. May inginuso siya sa likuran ko. Naroon pala si Lucky, nakatayo. Inirapan ko siya. “Babe, can we talk?” Akala mo ay maamong tupa na lumapit siya sa akin. “Ano pa bang pag-uusapan natin, Lucky? And don’t call me ‘babe’ anymore! We’re done.” Mataray na sagot ko. Pataas-taas naman ang kilay ni Mocha. Kung wala lang si Lucky, malamang pinalakpakan na niya ako sa katarayan ko. Pero deep inside, I am weak. Gusto kong umiyak nang umiyak pero later na iyon kapag nasa bahay na ako. Nakakahiyang gawin iyon dito sa school. Strong girl ang tingin ng lahat sa akin dito, e. “Babe naman—“ “Don’t ‘babe’ me!” Piksi ko nang hawakan niya ako sa likuran ko. Feeling ko ay isa siyang mikrobyo na dapat kong iwasan. Eww! “Please, makinig ka naman sa akin, Justeen. I told you, kaya ko kayong pagsabayin ni Liya. You, me and Liya—“ Umikot ako paharap kay Lucky sabay suntok sa kanyang nguso. Pak! “Bakit mo ako sinuntok?” sapo ang nguso na tanong ni Lucky. Obvious na nasaktan siya sa ginawa ko. Aba! Sino ba naman kasi ang hindi mag-iinit ang ulo sa sinasabi ng hinayupak na ex kong ito? Pagsasabayin daw kami ng Liya na iyon! No way! Oo, I love him pero hindi ako martyr para pumayag sa set-up na sinasabi niya. Kung ako, ako. Kung si Liya, si Liya. It’s either he choose me or lose me. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi ko na siya sinagot. Hinablot ko na ang kamay ni Mocha at iniwan na namin ang hinayupak na si Lucky. Panay ang tawag niya sa name ko pero hindi ko na talaga siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya! “Hindi ka na makakahanap ng mas higit sa akin, Justeen! You can’t move on from me! I swear!” sigaw pa niya. “Neknek mo!” ganting sigaw ko sa kanya. “ANONG hindi na makakahanap? Hinayupak na iyon! Ang yabang-yabang talaga! Kainis! Hmp!” nguyngoy ko pagkapasok ko sa bahay namin. Ibinagsak ko ang sarili sa sofa at busangot ang mukha na tumingin sa kawalan. Till now ay umaalingawngaw pa rin sa utak ko ang sinabing iyon ni Lucky. Kung sa song, na-LSS na ako. Hindi na siya maalis sa sistema ko. Nakakaloka! Biglang lumabas mula sa kusina si Mama Jolina. Pakanta-kanta pa talaga siya. “Lalalalala—Halaaa! Oh, anak? Bakit naman busangot `yang fez mo?” Puna sa akin ni Mama Jolina. Tumabi siya sa upo ko at maiging tiningnan ang mukha ko. Babaeng bakla si Mama Jolina. Tunay siyang babae pero bakla kung kumilos. Bagay sa kanya ang pangalan niyang Jolina dahil para siyang si Jolina Magdangal noong teen days nito na mahilig magsuot ng colorful na mga damit at accessories. Dalawa na lang kaming magkasama sa buhay. Dalagang ina kasi si Mama Jolina. Naano lang siya. Iniwan ng lalaking nakabuntis sa kanya. Well, okay lang naman kahit kaming dalawa lang sa buhay. Sa pamamagitan ng online business niya ay napag-aaral niya ako sa isang magandang school at naibibigay pa niya ang mga pangangailangan ko. Sarili na naman namin itong bahay kahit hindi ganoon kalaki. Isa pa, mahal na mahal ko si Mama Jolina dahil very supportive siya sa pagiging beauty queen ko sa Benedictine Academy. Hindi rin nagkakalayo ang age namin. Thirty-five na siya ako naman ay fifteen kaya naman nasasakyan niya ang mga trip ko sa buhay bilang isang pretty teenager. “Hindi bagay sa’yo ang nakasimangot, junakis! Pa-chaka ka na, sige ka!” “Mama naman!” ungot ko. “Joke lang! Eh, bakit ba kasi severe ang simangot mo? Hindi ba dapat happy ka dahil first day of school? For sure marami kang naging new friends!” Umiling ako. “`Ma!” “Ano nga?!” “Break na po kami ni Lucky!” “What? Trot?!” “Yes po. He cheated on me. Two-timer po siya. Nakipag-break na po ako sa kanya.” “Okay ka lang ba?” “I think so, `ma…” “Kung gusto mong umiyak, `andito lang ako, ha… Basta, be calm. Kalma ka lang dapat lagi. Iyan ang true beauty queen! Alam mo naman na isa rin akong beauty queen noong kabataan ko. Sa akin ka yata nagmana!” Muli akong umiling. “No, mama. Kanina, naisip ko na hindi dapat iniiyakan ang tulad niya. Alam mo po ba na sinabi niya sa akin na hindi na ako makakahanap ng mas higit sa kanya at mahihirapan akong maka-move on sa kanya. Ang yabang po, `di ba?” “Sinabi niya `yon?!” Mataas ang boses na react ni Mama Jolina. Nanlaki bigla ang mata at butas ng ilong niya. “Opo—“ “Hayop na `yon! Ang kapal ng mukha niya! Akala ko ba mabait iyon?! Ang yabang niyang tarantado siya!” Histerikal-mode naman si mama. Feeling nasa giyera lang? “Mama! Kalma! Beastmode naman agad, e. Akala ko ba ang true beauty queen ay calm lang?” Natatawang sabi ko habang niyuyugyog ko siya sa balikat. Huminga siya nang malalim at nag-smile. “Okay. Kalma na ako. Pero, how about you, anak? Okay ka ba talaga? I mean, baka naiisip mong magpatiwakal. Itatapon ko na lahat ng lubid at lason dito sa bahay—“ “`Ma, `wag OA! Mahal ko pa ang buhay ko. Isa lang naman po ang gusto kong mangyari…” “Mabuti naman kung ganoon. Saglit… Ano ba `yang gusto mong mangyari?” Tumingin ako sa malayo habang naniningkit ang mga mata. “Gusto kong ipakita kay Lucky na mali siya. I can find a better kapalit sa kanya. Agad-agad!” Talagang binigyan ko nang diin ang bawat words na sinabi ko para intense. Tuwang-tuwa na pumalakpak si Mama Jolina. “That’s the spirit, anak! Manang-mana ka talaga sa akin! Kaya naman… sinong nanay mo?!” Energetic na itinuro ko siya sabay sabi. “Si Jolina Papio ng Calamba, Laguna!!!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD