CHAPTER 03- Ramil Josef

1965 Words
JOSEF “MAHAL na reyna, inaasahan po kayo ng prinsepe ng Sapian sa piging mamaya. Kayo po ba ay tutungo roon o hindi?” Mayumi at buong hinhin na sinagot ko ang tanong na iyon ng aking dama na si Dama Denoche. Nakasuot ako ng magarang pulang gown. “Sige. Sabihan mo ang aking isa pang dama na si Dama Deleche na ihanda ang aking pinaka magandang kasuotan… Nais kong maging pinaka maganda sa paningin ng prinsepe ng Sapian!” Light lang ang make up ko at ang aking buhok ay nakalugay. Umaabot iyon sa aking beywang. Sa tuktok ng ulo ko ay isang napakagandang korona na pinapalamutian ng iba’t ibang klase ng brilyante. Yumukod sa akin si Dama Deleche. “Masusunod po mahal na reyna…” At umalis na ito. Maya maya ay dumating si Imaw at galit na galit ito. “Mahal na reyna! Anong ginagawa niyo dito? Bakit hindi pa kayo nakabihis? Kailangan niyo nang pumasok sa school!” Nagpapadyak pa ito sa sobrang galit sa akin. Ngunit hindi ko alam kung bakit siya galit. “H-hindi kita mawarian, Imaw. Hindi na ako pumapasok sa school dahil isa na akong reyna!” “Reyna? Anong reyna pinagsasabi mo?” “Reyna ng Encantarantado! Ako iyon—ang reyna…” Bigla akong natigilan nang mapansin ko na unti-unting lumalabo ang mukha ni Imaw. Parang nag-iiba ang mukha niya. Parang… Parang… nagiging kamukha ni… Daddy?! “RAMIL JOSEF! Gumising ka na!” Parang binuhusan ng malamig na tubig na napabalikwas ako ng bangon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Daddy Amir sa aking harapan. Nakabusangot ang mukha niya at halatang mainit ang ulo. “D-daddy!” “Anong sinasabi mo na reyna ka, ha?!” “Ah, eh… W-wala po. Sige po, liligo na ako. Late na ako!” Hindi ko alam kung paano ko ie-explain sa daddy ko ang panaginip kong iyon. Hindi ko rin naman kasi alam na nagsasalita pala ako habang tulog at nananaginip na isa daw akong reyna. Tumalon na ako pababa ng kama ko sabay takbo sa banyo para lumigo. Nakakatakot naman kasi si daddy. Akala mo ay isang militar kung tanungin ako. Pero hindi naman talaga siya militar. Pulis siya at mataas ang katungkulan niya. Namatay na ang mommy ko ten years ago. Colon cancer. Five years old pa lang ako that time kaya hindi ko pa alam ang mga bagay-bagay. Mag-isa niya akong anak kaya naman pangarap niya na maging pulis din ako pagdating ng araw. Well, kung alam lang niya na hindi ko feel ang maging pulis. Ang feel ko ay maging isang diwata. Pak! Ganern! Yes. Hindi alam ng Daddy Amir ko na ang unico iho niya ay pusong unica iha pala. Cheret! Yes again. Bakla ako pero walang nakakaalam kundi ako lang. Ang hirap naman kasing mag-out lalo na at pulis ang tatay mo. Haay… Kaya nga naiinggit talaga ako sa mga beki na out and proud kasi nagagawa nila ang gusto nila. Nakakarampa sila sa kasuotang gusto nila. Samantala ako, nagagawa ko lang iyon sa aking kwarto kapag ako lang mag-isa sa bahay. Rumarampa talaga ako suot ang mga girl dress na nakatago sa ilalim ng kama ko. Rampa like there’s no tomorrow! Ganern! Habang nagbubuhos ako ng tubig sa aking katawan gamit ang tabo ay napapa-smile ako. E, kasi naman hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa imagination ko iyong panaginip ko. Isa daw akong reyna sa isang magandang kaharian at may gusto daw sa akin ang isang prinsepe. Yay! Kilig much naman iyon! Kahit man lang sa panaginip ay maging diwata man lang ako, `di ba? Second day ko ngayon sa bago kong school. Naiba kasi ng destino si daddy, so, kailangan na naman naming lumipat ng bahay. Sana for good na ito dahil nakakapagod ang palipat-lipat ng school! Speaking of school. Okay naman iyong new school ko. Benedictine Academy. As usual, sa first day ay pinagkaguluhan ako ng mga classmate kong girls. Parang first time nilang makakita ng gwapo. Talagang pinagkumpulan nila ako at tinanong ng kung anu-ano like favorite color, number etcetera! Nakakaloka! Siyempre, pa-min ako. Kunwari ay natutuwa ako sa atensiyon nila pero deep inside ay gusto kong masuka! Eww talaga! `Buti sana kung gwapong boys sila! Sige lang, gow! Landiin niyo ako. Cheret! “Ramil Josef!” “Po?!” Nagulantang ako bigla nang kumatok si daddy sa pinto ng CR na sinamahan pa niya ng pagkatok. Nakakagulat naman talaga kasi ang laki ng boses niya. “Aalis na ako. `Yong almusal mo nasa mesa. Bilisan mo na diyan at male-late ka na!” “Opo, daddy!” Hay… Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi na inungat ni daddy iyong about sa pagsasalita ko habang tulog na isa akong reyna. Phew! “Salute!” sigaw niya. Automatic na dumiretso ako ng tayo sabay saludo. “Salute!” Kahit hindi niya ako nakikita ay ginawa ko pa rin iyon. Nakasanayan na rin, e. Hindi ko na narinig si daddy na nagsalita. Hanggang sa marinig ko na ang ugong ng sasakyan niya na palayo. Tinapos ko na ang paliligo ko. Dalawang tuwalya ang ginamit ko. Iyong isa ay nakabalabal sa ulo ko at iyong isa naman ay nakatapis sa katawan ko. Lumabas na ako ng banyo. Freshness! Humarap ako sa salamin at maarte akong suma-lute. Kumata na rin ako ng ‘Salute’ ng Little Mix habang rumarampa. “Representing all the women. Salute, salute!” Pak! BENEDICTINE ACADEMY… Okay. Nandito na naman ako sa school. Nasa gate pa lang ako ay parang nai-imagine ko na ang mga mangyayari pagdating ko sa classroom. For sure ay uuriratin na naman ako ng mga girls doon. Magpapanggap na naman ako na isa akong straight boy. Keri ko `to! Keri ko `to—“ BLAGH! “Aray ko! Kabayong hindi matae!” Nasabi kong lahat iyon sa sobrang gulat ko. Paano ba naman?! May biglang bumangga sa likod ko at muntik nang sumubsob ang makinis at walang pores kong face sa semento. Mabuti na lang ay maganda ang balance ko. “Sorry po. Sorry po…” Payuko-yuko pa iyong babae na nakabangga sa akin. Ha! Mababangga nga niya talaga ako dahil iyong buhok niya ay talagang nakatakip sa mukha niya. Ginawang blindfold ng babaeng ito ang sarili niyang hair. Kaloka! Idol niya siguro si Sadako o baka naman si Sia. “Sorry? E, muntik mo na akong mapatay!” Parang ang OA yata no’ng sinabi ko. “Sorry talaga…” ani ng babae at walang paalam na umalis na siya. Laglag ang balikat. Ang weird naman ng babaeng iyon. Pasan ba niya ang daigdig at ganoon siya kumilos? Ang mabuti pa siguro ay pumasok na ako ng classroom at konting minutes na lang pala ay male-late na ako. JUSTEEN PAGPASOK ko ng classroom ay nakita ko agad si Mocha. Nakasubsob sa desk ang mukha niya at mukhang natutulog. Pumasok ako today kahit puyat na puyat ako. Yes, napuyat lang naman ako sa pag-iyak dahil sa ginawa sa akin ni Lucky Mansanas. Normal lang naman siguro iyon dahil minahal ko talaga siya. Akala ko, after naming mag-usap ni Mama Jolina ay okay na lahat. Hindi pa pala. When I was alone in my room, doon ko naramdaman na masakit pa rin pala talaga at hindi siya mawawala ng isang araw lang. Kaya naman very gloomy ang aura ko ngayon. Dagdag pa ang buhok na nakatakip sa face ko. Hindi ko na nagawang magpaganda dahil sa masyado kong dinamdam ang break-up namin ni Lucky. At dahil din sa buhok kong `to ay nakabangga ako ng isang lalaking estudyante. Hindi ko kasi makita nang severe ang dinadaanan ko. “Waaah!!! Sino ka?!” Biglang tumayo si Mocha at umaktong kakaratehin ako. “Bes, ako ito! Si Justeen Papio.” “Bes?” At hinawi niya ang buhok sa harapan ng aking mukha. “Bes, ikaw nga!” aniya sabay yakap sa akin. “Anong nangyari sa’yo, bes? Nagdo-droga ka ba? Hayaan mo at ipapa-rehab kita! Diyos ko! Bakit niyo hinayaan na malulong sa masamang bisyo ang bes ko—“ Sa inis ko sa pagiging OA ni Mocha at sinabunutan ko siya. “Aray ko naman, bes!” igik niya. “Ang OA mo talaga kahit kailan, bes! Naging ganito lang ang hitsura ko, nagdo-droga agad? Hindi ba pwedeng nasaktan lang ang puso ng lubusan?” Hinila niya ako paupo. “Ay, ay, ay! Akala ko ba moved on ka na? Sabi mo iyan sa akin sa text mo last night, ah.” “No, bes. I thought it’s easy but I am wrong… Mahirap palang mag-move on kapag minahal mo talaga ang isang tao.” “Bes naman. I am sure, pagtatawanan ka ni Lucky kapag nakita ka niyang ganiyan. Iisipin niya, you’re miserable without him. Pati iyong Liya na iyon, pagtatawanan ka.” “Ha! No! Hindi ako papayag na pagtawanan nila!” “Kaya nga, bes. Mag-cut muna tayo ng class at pagupitan natin iyang mahaba mong bangs. Tara na sa parlor?” “Hindi na kailangan, bes,” sabi ko at tinanggal ko iyong pagkaka-clip ng fake hair sa harapan ko. “Hindi ko naman kasi talaga ito buhok. Fake hair ito ni Mama Jolina. Hiniram ko lang.” “Gaga ka talaga! Akala ko naman tunay na hair!” Mataray niyang sabi. “Pero mas better na inalis mo na iyon. Mukha ka kayang adik. Saka para makita iyang kagandahan mo. Remember, beauty queen ka dito sa Benedictine Academy kaya dapat show your face palagi. At dapat mas magpaganda ka pa ng intense para makita ng Lucky Mansanas na iyon ang pinakawalan niya.” “Tama ka diyan, bes. OA ka minsan pero may sense din naman ang sinasabi mo. Siguro nga hindi ako okay ngayon pero someday, mawawala lahat ng pain here in my heart. At kung may Liya na agad siya, hahanap naman ako agad-agad ng pamalit sa kanya. Mas gwapo at mas lahat sa kanya!” Tumayo si Mocha at nagpaiba-iba ng pose. “Pak! Pak! Pak! Iyan ang bes ko! Fierce! Rawr! Pero sino naman ang ipapalit mo sa kanya? Ah! Alam ko na, bes! May kilala ako!” “Sino naman?” curious na tanong ko. Sasagot na sana si Mocha nang isa sa mga babaeng classmate namin ang humahangos na dumating. Tagaktak ang pawis niya na akala mo ay tinakbo niya ang buong kalawakan ng school. At sumigaw pa siya ng: “Nandiyan na si Josef!!!” Kitang-kita ko ang ngala-ngala niyang umuuga nang sumigaw siya. Banat na banat ang ugat sa leeg niya na akala mo ay ugat ng puno. Nagtilian ang mga kaklase kong babae at bakla at akala mo ay may free one kilo of rice na ipinamimigay sa labas na naglabasan sila ng classroom. Ako, si Mocha at ang mga kaklase naming lalaki ang natira doon. “Tama! Si Josef! Si Ramil Josef Fruelda!” Akala mo ay bituing nagniningning ang mga mata ni bes nang sabihin niya ang pangalang iyon. “Ha? Ano?” “Si Josef ang ipapalit mo kay Luis, bes!” “`Yong bagong transfer na—“ “Oo, bes! Sige, later na lang. Sasalubungin ko lang si Josef!” At nagmamadali na siyang umalis. Ang malanding baklang iyon! Pero ano nga kaya ang hitsura ng Josef na iyon? Hindi ko kasi siya napansin kahapon dahil lutang talaga ako. Hmm… Na-curious naman ako bigla sa kanya. Kung ganoon na lang siya pagkaguluhan ng classmates ko baka naman talagang sobrang gwapo niya. Siya na nga kaya ang better pamalit ko kay Lucky para naman malaman nito na may mas higit pa sa kanya. I think… he is?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD