JUSTEEN
DAHIL sa curious talaga ako sa kung sino ba si Josef ay lumabas na rin ako ng classroom namin at sumunod kay Mocha. Nakita ko siya at ang mga kaklase kong malalandi sa hallway at nakakumpol na naman sila. Lumapit na ako sa kanila para makita si Josef. Siguraduhin lang nila na gwapo talaga, ha. As in, super duper, intense and severe na gwapo!
“Josef, kumusta ang sleep mo? Napanaginipan kita. Alam mo ba iyon?”
“Sabay tayo sa lunch, Josef, please!”
“Marry me, Josef! You’re my love, my hero!”
Diyos ko! Mahabaging langit! Ano bang pinagsasabi ng mga kaklase kong ito at talagang kulang na lamang ay halikan na nila ang Josef na iyon sa paa.
Nasa kumpulan na ako pero hindi ko pa rin nasa-sight si Josef. Paano ba naman ay nasa gitna yata siya at natatakpan ng mga babaeng ito. Wala akong choice kundi i-on ang aking pagiging mandirigma. Isa-isa kong hinawi ang mga kaklase kong babae.
“Tabi! Alis kayo! Dadaan ang diyosa!” sabi ko habang hinahawi silang lahat.
“Ano ba `yan?!” reklamo naman ng iba.
Hmp! Wala akong pakialam kung magalit man sila sa akin. Ang importante ay makita ko kung gwapo ba talaga si—
“OMG!” Bulalas ko nang sa wakas ay makita ko na si Josef.
Hindi ko napigilan ang aking beautiful self na mapanganga nang makita ko ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga kababaihan at kabaklaan sa classroom.
Sino ba namang kamag-anak ni Eba ang hindi magkaka-crush sa lalaking matangkad, maputi at magandang magdala ng damit? Sino ba namang babae ang hindi hahanga sa lalaking natural na mapula ang lips, matangos ang ilong, chinito, maayos ang buhok at maganda ang hugis ng mukha? This boy is… perfect!
“Thank you sa inyong lahat. Pwede bang pumasok na tayo sa classroom kasi baka ma-late tayong lahat?” Nang magsalita siya ay feeling ko idinuyan ako sa ulap. Ang sweet ng boses niya. Parang anghel sa langit.
Pero wait… Parang nakita ko na siya somewhere.
Parang…
At isang eksena ang bumalik sa aking memory ng oras na iyon.
“Aray ko! Kabayong hindi matae!”
“Sorry po. Sorry po…”
“Sorry? E, muntik mo na akong mapatay!”
Right! Siya iyong lalaking nabangga ko kanina na sinungitan ako! No way! Siguro naman ay hindi niya ako nakilala dahil may takip na hair iyong mukha ko. Hindi dapat ako kabahan. Hindi niya ako nakilala. Hindi!
“Sige na, mauuna na ako sa inyo sa room, ha?” aniya pa.
Nang maglakad na si Josef ay nakatulala pa rin ako sa kanya. Hanggang sa mabangga na nga ako ng mga kaklase kong babae dahilan para mawala ang balance ko. Muntik na akong matumba pero isang strong arm ang mabilis na yumakap sa beywang ko para saluhin ako. At ganoon na lang ang pagbilis ng heartbeat ko nang malaman kong si Josef ang sumalo sa akin.
“Okay ka lang ba?” tanong niya habang nakatingin diretso sa aking mga mata.
Bumuka ang bibig ko pero wala akong maisip na sabihin. Oh, Josef! Huwag mo naman akong tingnan nang ganiyan! Feeling ice cream naman ako na unti-unting nalulusaw sa init ng araw. Ang ganda ng mata niya. Light brown ang color.
“Miss?” untag niya.
Doon lang ako natauhan. “Ah, y-yes! O-okay lang ako. T-thank you…” Shemay naman! Nakakahiya! Nagkandabuhol-buhol pa talaga ang dila ko sa sobrang tense!
“Be careful next time. Okay?” sabi niya sabay smile.
“Okay…” Lutang mode pa rin ako.
Nakapikit na nilanghap ko ang perfume niya nang umalis na siya. Nahawaan na yata ako ng ‘Josef Syndrome’ ng mga kaklase kong ito.
Shocks! Hindi kaya nakita niya iyong pores sa mukha ko sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin? Baka na-turn off siya sa akin! Nakakahiya! Magpapa-facial na nga ulit ako this weekend. Promise!
Nagulat na lamang ako nang biglang magtumba-tumbahan ang mga babae kasama na si Mocha. Anong nangyayari sa mga ito?
“Josef! Natumba din ako! Help me!”
“Matutumba ako, Josef! Come back here! Saluhin mo ako!”
Hay… Ang malalanding ito talaga, oh!
Naiiling na umalis na ako doon at naglakad papasok ng classroom. Malala na ang epidemyang ito. Mas malala pa sa zombie virus sa Train To Busan.
JOSEF
TAMA nga ako. Pinagkaguluhan na naman ako ng mga babaeng iyon. At talagang wala pa ako sa classroom ay sinalubong na nila ako. Nasa hallway pa lang ako. Nasa hallway pa lang, ha! Nakakaloka sila. Nakaka-stress! Pagkaguluhan pa kaya nila ako kung malaman nila na isa akong diwata? For sure, madi-disappoint ang mga higad na iyon. Bwahaha!
Tapos may isa pang girlaloo na obvious naman na nagtumba-tumabahan para saluhin ko siya. Ayoko lang talaga na mabuking nila ang tunay kong pagkatao kaya sinalo ko siya. Gentlemen effect tuloy ako. For sure ay lalo silang magkaka-crush sa akin at hindi ko iyon gusto. Ewwness kaya!
Speaking of that girl na sinalo ko kanina, in all fairness, she’s pretty. Kung magiging tunay akong girl ay ganoong face ang gusto kong maging. I saw her kahapon. Tama, natatandaan ko na. Isa siya sa mga classmates ko. Siya iyong napiling class president tapos ako `yong vice-president. Medyo parang timang nga iyon kahapon kasi wala sa sarili. Parang nalolokang ewan.
Tama na nga ang pag-iisip ng kung anu-ano. Kailangan ko nang pumasok sa room, e.
Ang buong akala ko ay sa pagsalubong lang sa hallway ang ikakawindang ko sa araw na iyon pero may mas nakakawindang pa pala doon. Anong nangyari sa seat ko at puno ng mga flowers, gifts and chocolates? Ang mga kaklase kong babae panigurado ang may kagagawan nito. Pahirap sila sa buhay ko, ha. Kailangan ko pa tuloy itabi ang mga iyon para makaupo ako. Kailan ba sila titigil sa pagiging baliw sa akin? Sana naman pagtagal-tagal ko dito ay masanay na sila sa akin para naman maging tahimik na nag buhay ko dito sa school. Imbyerna!
At ilang sandali nga lang ay dumating na ang teacher namin para sa first class.
“ANG gwapo niya talaga! Nakakakilig lalo na iyong pagiging serious niya!”
Narinig kong sabi ng isang girl student nang naglalakad na ako palabas ng classroom. Recess na kasi at papunta na ako sa canteen.
Tama naman si girl. Serious nga ang personality ko kapag nandito sa school para hindi ako makagawa ng kilos or act na magiging reason para pagdudahan nila ang p*********i ko. Mapapatay ako ng daddy ko kapag nakarating sa kanya ang ganoong balita, if ever. Baka barilin ako no’n sa aking sexy body. Ayoko naman ng ganoon, `no.
Bahala na nga silang magkandarapa sa kagandahan ko. Ang gagawin ko na lang ay ignore them ang get used to it. Thank you na lang kay Lord dahil binigyan niya ako ng ganitong mukha.
Naglakad na ako papunta sa canteen. Mabuti na lang at maikli lang iyong pila.
Isang babae na medyo blonde ang hair ang nasa unahan ko. May katabi siyang boy na siguro ay jowa niya dahil magka-holdong hands sila. Medyo curly-curly ang hair ni girl kaya naman naiinggit ako sa kanya. Ganoong hair kasi ang gusto ko. Ayoko na ng ganito na palagi na lang undercut ang hairstyle ko. Kaumay! I know darating din ang right time para magkaroon ako ng ganoong hair. Tiwala lang.
“Takbo, bes! Bilis habang wala pang masyadong pila!”
Muntik na naman akong magmura nang may bumangga sa likuran ko kaya naman napasubsob ako sa likuran ng babaeng nasa unahan ko. Natumba si girl habang ako naman ay nabawi ang aking balance like a supermodel on distress at nakatayo agad.
“Ano ba `yan?! Konting ingat naman, pare!” sita sa akin no’ng lalaki habang inaalalayan nitong tumayo iyong babae.
“Sorry. May bumangga kasi sa likod ko.” Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
Hinarap ko ang walang modo na bumangga sa likuran ko. “Pwede ba sa susunod magdahan-dahan—What?! Ikaw na naman?!” Oo. Siya na naman. Iyong girl na muntik nang matumba kanina sa hallway na sinalo ko.
Nanlaki ang mga mata niya sabay turo sa mukha ko. She opened her mouth para magsalita siguro pero nanatili siyang nakanganga. May kasama siyang bakla na nasa likuran nito.
“Ang clumsy mo naman, ate!” Nakasimangot na sabi ko sa kanya.
“Justeen!” Tawag no’ng lalaki doon sa babaeng nakanganga sa harapan ko.
“Lucky!” Tawag naman no’ng babae doon sa lalaki.
“Babe, I think sinadya ni Justeen na itulak itong guy na ito para masubsob ako. Look, oh! I have scratches on my palm. It hurts like hell, babe! Bring me to emergency room. Somebody call an ambulance!” sabi no’ng blondinang girlaloo at maarteng yumakap pa ito sa kasamang lalaki. Doon ko na-conclude na magjowa nga ang dalawang ito.
Pero, I smell something fishy sa tatlong nilalang na ito.
The way they looked at each other parang may giyerang mangyayari right at this moment!
Oh no… Maiipit pa yata ako sa tatlong nag-uumpugang bato. Kaloka!