JUSTEEN
TANGGAP ko nang hindi kakagat si Josef sa pamba-blackmail-kuno ko sa kanya gamit iyong video niya. Actually, wala naman akong balak na ikalat sa buong school ang video na iyon kahit hindi siya pumayag. I just tried kung papayag ba siya. Hindi naman ako ganoong kasama na kaibigan. Iyon nga lang, dahil doon ay nagalit si Josef sa akin. For him ay hindi na friends ang tingin niya sa akin dahil sa ginawa ko. Mas lalo tuloy ako namumroblema kung paano pa ako makakaganti nito sa hinayupak na si Lucky!
Sinabi ko na rin iyon kay Mocha at ang sabi niya ay gaga ako. Sayang daw iyong friendship na binubuo namin ni Josef. Eh, wala na kasi talaga akong maisip na ibang paraan para mapapayag si Josef na maging jowa ko kahit fake kundi iyon lang.
“Bes, sa tingin mo, anong maganda kong gawin? I mean, my next move…” sabi kay Mocha habang naglalakad kami pabalik sa classroom. Katatapos lang naming mag-lunch sa canteen.
“Hmm… Ang maganda mong gawin ay tigilan na ang plano mong pagganti kay Lucky. Mag-move on ka na lang kaya, bes.”
“No! I want to get even with that monster. Kung hindi ko magagamit si Josef, maybe I’ll find another guy na pwede kong gamitin.”
“Wow naman, bes! Parang gamit naman ang tingin mo sa mga lalaki. Masakit iyang ginagawa mo, alam mo ba iyon? Kasing-sakit kapag nadapa ka at nasugatan sa tuhod! Masakit iyan, bes! Masakit-- Aray!” Bigla kong sinabunutan si Mocha dahil ang OA na naman niya.
“`Ayan! Masasaktan ka talaga! OA na, bes! Nakaka-irita na.”
“Hmp! Ewan ko sa’yo. Basta, for me, iyon ang dapat mong gawin. Revenge is not good!”
“Oo na. Pero opinyon mo iyan. Iba sa akin.”
“Eh, bakit mo pa ako tinanong-tanong?! Kaloka ka talaga, bes!” Tila na-stressed na turan niya.
Naglalakad na kami sa hallway papunta sa classroom nang may isang babaeng estudyante ang lumapit sa akin. Inabutan nito ako ng isang piraso ng red na rose.
“Is this for me?” Namamanghang tanong ko.
“Opo, ate. Kaya nga sa iyo ko binigay, e!” aniya sabay alis.
Pagkaalis na pagkaalis no’ng babae ay may lumapit ulit sa akin at binigyan na naman ako ng isa pang rose.
“Oh my! Hindi kaya ang akala nila ay isa kang poon, bes?” ani Mocha.
“Gaga! Baka naman may secret admirer ako. Wait, hindi kaya galing ito kay Lucky? Ang hinayupak na iyon! Nasaan ba siya at ipapakain ko `tong mga bulaklak na--”
“Hindi `yan galing kay Lucky!” Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa likuran namin.
Nauna pang humarap sa akin si Mocha. “Josef?!”
Sinabunutan ko na naman siya. “Gaga ka talaga! Ako dapat iyon, e. Linya ko `yon, e!”
“Ang slow mo kasi, bes!” Inayos-ayos pa niya ang nagulong buhok dahil sa sabunot ko.
Sumeryoso na ako para kausapin si Josef. “Josef… Sa iyo pala galing ang roses na ito…” Pabebe kong sabi.
Naglakad siya palapit sa akin at may isa pang rose siyang binigay sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mata na parang tinatanong ko sa kanya kung anong ibig sabihin ng ginagawa niyang ito. Ngumiti lang siya sa akin.
“That three red roses means ‘I love you’!” Hindi ko alam kung sinadya ba niyang lakasan ang pagkakasabi niya niyon. “I love you, Justeen! Happy first monthsary sa ating dalawa!” aniya at niyakap pa ako.
“Ha? Anong monthsary?” Naguguluhang turan ko.
“Makisama ka na lang. Gusto mo ito, `di ba?” bulong niya.
Pinalibutan kami ng mga kilig na kilig na estudyante habang pumapalakpak.
“So, hindi naman pala beki si Josef!”
“Oo nga. Look, sila na ng campus beauty queen na si Justeen!”
“Nakakainggit sila, `no?”
“Sana magkaroon din ako ng Josef sa life ko. How sweet naman!”
Iyon ang naririnig kong bulungan ng mahaharot t malalanding babae na nakapaligid sa aming dalawa ni Josef. Pero, in all fairness, kahit alam kong bakla si Josef ay kinikilig pa rin ako sa ginawa niyang ito, ha. Butterflies in my stomach ang feels! Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya. Tsansing much lang. Haha!
“BES! Ano iyon? Kailangan mong magkwento sa akin? Bakit hindi ko alam na isang buwan na pala kayong mag-on ni Josef? Grabe ka! Nagsi-sikreto ka na sa akin. I thought ako ang bes mo?” Mangiyak-ngiyak na ki-nonfront ako ni Mocha nang naglalakad na kami palabas ng Benedictine Academy. Uwian na kasi.
“Papunta ka na naman sa pagiging OA! Sabunot, you want?”
“Basta! Nagtatampo ako sa’yo, bes!”
Hindi ko inaasahan na biglang darating si Lucky that moment. Parang galit siya na hindi ko malaman.
“Ang galing mong sabihin sa akin na manloloko ako pero ikaw naman pala ang nanloko, Justeen!” sabi ni Lucky sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. “FYI lang, one month pa lang ang relationship namin ni Josef. Eh, kayo ni Liya? `Di ba, matagal na kayo? Pinagsabay mo nga kami kaya anong dinadrama mo ngayon diyan?” Mataray kong sabi.
“Yes. Ikaw alam mong matagal na kami ni Liya pero hindi alam iyon ng mga kaibigan ko! Alam mo bang inaalaska nila ako dahil naloko mo daw ako? Sinasabi nila na ang bilis ko daw mapalitan! Hindi mo ba alam kung gaano iyon kasakit sa part ko bilang isang lalaki?!”
“Ay, sorry, ha… Excuse lang, Lucky. Bakit? Naisip mo ba iyan nang pagsabayin mo kami ni Liya? Kahit masakit sa akin nag-give way ako para sa inyong dalawa. And excuse ulit dahil uuwi na ako--”
Mariing hinawakan ni Lucky ang braso ko. “Hindi pa tayo tapos! Kausapin mo ang mga kaibigan ko tapos makipag-break ka kay Josef--”
“Hindi ka makikipag-break sa akin, Justeen.” Isang kalmadong Josef ang dumating. “Pare, bitiwan mo ang girlfriend ko.” Hinawakan ni Josef ang kamay ni Lucky na nakahawak sa akin at inalis iyon sabay akbay niya sa akin.
My God! Nakakakilig naman this guy kahit beks!
“Umalis ka na nga, Lucky! We’re done!” ani ko.
Tiim-bagang na parang napipilitang umalis si Lucky. Gigil na gigil ang hudas. Ngayon, alam na niya ang pakiramdam nang niloko. Happy na ako na alam kong affected siya na may boyfriend na agad ako. Edi, kinain din niya iyong sinabi niya na hindi ako makaka-move on agad-agad sa kanya. Bwahaha!
“Kailangan niyo talagang magkwento sa aking dalawa!” Himutok ni Mocha.
Napansin ko na sumama na naman ang hitsura ni Josef. Sumimangot siya at nauna nang maglakad sa amin ni Mocha. Naiintindihan ko naman siya sa kinilos niya. He’s mad at me at napipilitan lang siyang gawin ang kasunduan namin dahil sa video at para mawala na rin ang tsismis na bading siya.
“Bakit nag-walk out iyon?” tukoy ni Mocha kay Josef. “Bes! Magkwento ka na. Mamamatay na ako sa curiosity! Wala akong idea sa mga nagaganap, ha!”
“Oo na! Tambay muna tayo sa coffee shop,” sagot ko kay Mocha.