JUSTEEN
“AND ngayon nga ay nagpapanggap kaming magjowa. Parehas naman kaming nagbe-benefit sa ginagawa namin. Ako, para makaganti kay Lucky at siya naman ay para mawala na ang tsismis sa school na bading siya.” Pagtatapos ko sa kwento ko kay Mocha. Naubos ko na rin ang inorder kong isang slice ng red velvet cake at kape.
“So, lahat ng iyon is just a show?”
“Oo, bes. Gaya ng sinabi kong plan ko sa’yo before…”
“The question is… hanggang kailan kayo magpapanggap?”
I shrugged my shoulder. “I don’t know. Bahala na. Ang importante naman ngayon ay nakikita ko na nasasaktan si Lucky. Edi, naramdaman din niya ang naramdaman ko noon.”
After naming mag-usap ni Mocha about doon ay umalis na rin kami ng coffee shop. Kailangan na rin kasi naming umuwi dahil medyo gabi na. For sure ay nag-aalala na sa akin si Mama Jolina. Hindi ko kasi siya na-inform na lalabas kami saglit ng bes ko.
Pagdating ko sa bahay ay nakahain na ang dinner kaya kakain na lang kami ng Mama Jolina ko.
“Oo nga pala, anak. Dumaan dito iyong adviser mo. Tinanong niya ako kung okay lang ba sa akin na ikaw ang maging representative ng section niyo para sa Miss Benedictine Academy this coming week. Sabi ko, wala namang problema. Sigurado naman ako na sasali ka do’n, e.”
“Yes na yes naman, mama! Ako pa ba? Once a beauty queen, always a beauty queen. Paghahandaan ko iyan.”
Every year, simula nang maging high school student ako ay palaging ako ang pinanglalaban ng section namin kapag may mga ganyang contest. At, `wag ka… Always title holder ang ganda ko! At sana masungkit ko pa rin ang pagiging Miss Benedictine Academy 2016. Push ko na `to!
MAGANDA ang aura ko nang pumasok ako sa school. Siyempre naman, good vibes na good vibes ako. Nai-imagine ko pa rin kasi `yong mukha ni Lucky nang kausapin niya ako kahapon. Talagang tinamaan ko nang severe at intense ang ego ng hinayupak na ex ko. Bwahaha! Ako pa ba? Si Justeen Papio? Never yata akong nagpatalo at nagpaapi! Turo yata iyan sa akin ni Mama Jolina.
Hindi ko kasabay sa pagpasok ngayon si Mocha dahil mamayang tanghali na lang daw siya papasok. Nagtatae daw gawa yata doon sa kape na ininom niya kahapon. Ganoon daw kasi siya kapag nagkakape. Nagtatae madalas. Kadiri talaga ang baklang bes ko na iyon, `no?
Grabe naman ang init today! Mabuti na lang at fresh pa rin ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko at medyo nagulat ako pagdating ko sa room dahil pinagkakaguluhan na naman ng mga girls si Josef. Ang malalanding iyon! Nang kumalat na bakla si Josef ay nilayuan nila tapos ngayong nalaman nila na may jowang girl at sa tingin nila ay hundred percent lalaki si Josef ay lalandiin na naman nila.
Teka! Makikita ng mga higad girls na iyan. Ako yata ang legal girlfriend!
“Josef, ipinagluto kita ng adobo para may food ka na mamayang lunch!”
“Ambisyosa! Itong pritong pusit ang kakainin ni Josef, `no!”
Isa-isa kong pinagtatabi ang mga babaeng nakapalibot kay Josef at hinarangan sila. “Hoy! Hoy! Hoy! Mga babae! Hindi kakainin ni Josef ang mga pagkain niyo dahil magkasabay kami later sa lunch. Mga ambisyosa! Tigilan niyo na ang boyfriend ko, ha!” Mataray kong sabi.
Nakasimangot na umalis ang mga babae. Bubulong-bulong pa talaga sila sa sobrang inis. Well, wala naman akong pakialam sa kanila.
Naka-smile na humarap ako kay Josef. “Good morning, loves! How’s your morning?” Umupo ako sa tabi niya. Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi ko niyon para marinig ng iba. Dapat panindigan namin itong pagpapanggap na ito, `no!
“Loves? Eww!” Bulong ni Josef.
“Eww ka diyan! Kailangang husayan natin ang pagpapanggap na ito para maniwala sila. Ayaw mo naman siguro na magduda na naman sila sa p*********i mo, right?”
“Alam ko naman `yon pero nandidiri lang talaga ako.”
“Nandidiri ka man, wala ka namang choice. We have to do this para sa--” Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong magkasabay na pumasok sa room sina Lucky at Liya. “OMG! Sina Lucky. `Yong ex ko! Pagselosin natin.”
“What?!”
“Sige na. Makisama ka na lang!”
Tila sinadya pa yata nina Lucky na umupo sa katapat namin at nag-sweet-sweet-an. Nakahilig ang ulo ni Liya sa balikat ni Lucky. Nakangisi na tiningnan ako ni Lucky. Ang hitad! Sinasadya niya na gawin iyon. Akala niya siguro ay magseselos ako? Never!
At isa pa, iyan lang ba ang kaya nina Lucky at Liya? Ang weak naman!
“Josef, makisama ka na lang, ha.”
“Huh?”
“Ah, loves! Ang sakit naman ng ulo ko… Pwedeng paki-massage naman? Please…” Maarteng turan ko. Nilakasan ko ang boses ko para marinig ng lahat lalo na ni Lucky!
Mukhang na-gets naman ni Josef ang gusto kong mangyari kaya naman minasahe niya ang ulo ko. “Ikaw kasi, loves… Palagi mo akong iniisip kaya sumasakit ang ulo mo…” aniya.
`Yan! Ganiyan dapat ang mga linyahan.
“Harder, loves! Ang galing naman ng loves ko na magmasahe!”
Pasimple kong sinulyapan sina Lucky at nakita ko ang pagbusangot ng mukha niya. I am winning! Yes! Ganiyan ang gusto kong makita--iyong mabwisit si Lucky.
“Babe, can you massage me, too?” Parang pusang request ni Liya kay Lucky.
“Massage mo sarili mo!” Padabog na umalis si Lucky.
“Babe!” Tawag naman dito ni Liya at sinundan nito ang nobyo sa labas.
Tumigil na si Josef sa pagmasahe sa ulo ko.
“Bakit ka tumigil? Ituloy mo lang, loves--”
“Eww! Tama na, Justeen. Wala na iyong pinagseselos mo?”
Ay, oo nga pala. “Sorry. Na-carried away lang ako…”
“Hay! Never ko nang gagawin iyon. Nakakadiri talaga!”
“Ano ka ba? Enjoy kaya.”
“Ikaw lang ang nag-enjoy, bruha!” gigil na bulong niya sa akin. Lumalabas ang pagiging beki ni Josef, ha. Haha!
Ang sarap pala sa feeling kapag nakakaganti ka sa tanong nanakit sa’yo. Kung hindi lang ako magmumukhang timang, kanina pa ako sumayaw dito sa sobrang tuwa at saya.
Well, well, well… Umpisa pa lang ito ng pagganti ko kay Lucky. Ipapakita ko naman sa kanya kung ano ang pinakawalan niya. At siyempre, gagamitin ko pa rin si Josef sa mga plano kong iyon.