NAMIMILOG ang mga mata ng magkakaibigan nang makapasok sa loob ng marangyang tahanan. Ang bawat bahagi at sulok ng bahay ay naglalarawan ng kasaganahang tinatamasa ng nagmamay-ari nito. Ang mga muebles ay yari sa pinakamataas na uri ng materyales at mamahaling kahoy. Panay antigo. Ang mga naglalakihang kwadrong nakasabit sa dingding ay gawa ng mga mahuhusay at batikang pintor. Maging ang ilang palamuti ay gawa sa lantay na ginto. Ang tinatapakan nilang sahig ay isang mataas na uri ng marmol na inaangkat sa ibang bansa. Maging ang techo (kisame) ay napakaganda na kung uuriin ay isang magandang bahay na ang katumbas na halaga. "Grabe sa ganda ang bahay na to! Sayang at dito lang sa gubat ipinatayo ng may ari.", bulong ni Butsoy matapos hagurin ng tingin ang buong paligid. "Kung nasa Mayn

