“MAY limang silid dito na maaari ninyong gamiting magkakasama. Ngunit apat lang itong magkakatapat. Ang isa ay naroroon pa sa dulo kung saan naroroon din ang palikuran.", bigay impormasyon ng matandang babae habang nakatayo sa gitna ng pasilyo. Pagkatapos ay binuksan nito isa-isa ang apat na pintuan ng bawat silid. "Kayo na ang bahala kung alin sa mga silid na ito ang inyong nais. Magsipagpalit na kayo ng inyong mga kasuotan upang hindi kayo magkasakit. Malayo ang pagamutan dito sa amin.", tila maestrang sabi ng matanda. "Sige ho kami na ho ang bahala dito. Pasensya na ho sa abala.", magalang na sabi ni Reynalyn katabi ang nakatingin lang na si Aldo. Ang tatlo naman ay nakasilip na sa mga pintuang nakabukas. ''Kung gan'on ay maiwan ko na muna kayo. Pagkatapos ninyong magbihis ay bumaba

